CHAPTER FOUR

137 4 0
                                    

CHAPTER FOUR

Nakatungo lang ako sa table, habang 'yung dalawa ay masayang nagkwekwentuhan habang ngumunguya ng fries.

Nandito kami ngayong tatlo sa KFC. Si Francis ay umuwi na dahil may papagawa daw sa kanya ang Mama niya.

"Hoy! Bakit semana santa ang peg ng mukha mo? Tapos na kaya ang pasyon. Bakit may pag-eemote?" Tanong sa'kin ni Lalaine.

Ngumuso lang ako sa kanya. Feeling ko maiiyak na talaga ako e.

"Alam ko na. Dahil siguro kay Elvis." Agad akong napatingin kay Katkat ng mahulaan niya ang dahilan ng pag-eemote ko. "Sabi na eh. Kilala kita Bes. Hanggang ngayon parin pala siya parin ang laman ng puso mo? Ang hi-tech mo naman!"

Napa-Ninoy Aquino look naman ako. ('Yung sa 500 peso bill look niya. ü)

"Ano bang magagawa ko? Eh, siya parin talaga e. Ang kaso, wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya. Tapos ngayon, huli na ang lahat." Parang maluluha na ako sa sinasabi ko. Amp!

Bakit ba kasi ang loyal ko sa kanya?

"Don't loose hope. Kain ka nalang ng fries." Sabi ni Lalaine habang sinusubuan pa ako ng fries. Sinamaan ko nga siya ng tingin. Panira ng moment eh.

"Look oh. Si Elvis 'yun, di ba?" Napatingin kami sa direksyon ng tinuturo ni Katkat. Si Elvis nga, na may kasamang Girl.

Siguro 'yan 'yung Girlfriend niya? Ouch naman.

"Oh bes, 'wag kang mag-sintimyento dyan." Sabi ni Lalaine.

Huminga ako ng malalim at hindi na tumingin pa sa direksyon nila Elvis.

"There's no room for sadness. Kung tapos na kayong kumain, umuwi na tayo." Sabi ko sa dalawa at tumayo na. Naramdaman ko namang sumunod sa'kin 'yung dalawa at bigla akong hinila papasok ng NBS (National Bookstore).

"T-teka?! Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko sa dalawa.

"Pwede ba Krissa. Ngayon na nga lang tayo nag-bonding, tapos gusto mo pang umuwi agad? 'Wag ka ngang magpaapekto dyan kay Elvis." Inis sa sabi sa'kin ni Lalaine.

"Oo nga." Pag-agree naman ni Katkat.

Kaibigan ko nga sila. Tsk! -___-

"Kayo talagang dalawa, gagawa kayo ng paraan para mapangiti ako." Sabi ko at bigla silang niyakap.

Nagtungo nalang kami sa ibang Mall para di namin makasama si Elvis at ang 'Girlfriend' niya. Ang literal e. >.<

**

Enrollment na ngayon sa WA. Dun ko narin napagdesisyunan na mag-aral dahil dun din naman ako nanggaling.

"Yaya, punta na po ako sa school." Paalam ko kay Yaya.

"Sige anak, mag-iingat ka."

Nag-abang ako ng jeep sa labas ng village. Pasakay na ako ng biglang may kumakaripas ng takbo pasakay ng jeep. Nabangga pa nga ako e. Aish! Walang manners. >.<

Inis akong sumakay sa jeep, at sa kasamaang palad, nakatabi ko pa 'yung letseng bumangga sa'kin. Ang saya. =___=

"Bayad po. Paabot naman, miss!" Lumingon ako dun sa nag-papaabot.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Waitㅡ kilala ko 'to e. Parang nakita ko na somewhere over the rainbow?!

"Miss, paabot naman nang bayad ko. Pwede ba?" Nabalik ako sa realidad dahil sa sinabi niya.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon