CHAPTER FIVE
"Ah, ayos naman. Babe, tara na. 'Di ba, may date pa tayo?" Maarteng aya niya kay Elvis.
Tss! Ang arte naman ng babaeng 'to. Akala mo kung sinong maganda. Eh, halatang halata naman 'yung concealer sa mukha niya. Duhh! Being simple makes you feel more beautiful. Sorry sa panglalait mga kapwa, pero 'yun ang totoo.
"Babe, mamaya na. Ipapakilala pa nga kita sa mga kaibigan ko e. Lalo na sa Bestfriend ko." Sabi naman ni Elvis.
Umirap naman si April at ngumiti sa'min ng mapakla. Tsk! Ang plastic naman ng babaeng 'to. =___=
"Kilala ko naman na ang Bestfriend mo eh. 'Di ba, si Francis?" Sabi niya pa at tumingin kay Francis.
"Oo nga. Pero may mas Bestfriend pa ko." Tumigil siya sa pagsasalita at nakangiting tumingin sa'kin. "Babe, this is Krissa. Siya ang Bestfriend ko since Grade 3." Pagpapakilala niya pa sa'kin.
Kunwaring na-amaze pa si April sa pagpapakilala sa'kin ni Elvis sa kanya. Tss. Alam ko namang puro kaplastikan 'yan Girl e.
"Hi, nice meeting you! Finally, na-meet narin kita." Sabi niya sabay bumeso sa'kin.
Gahd! Damang dama ko 'yung lagkit ng mukha niya na puno ng concealer. Like, eww!
"At ito naman si Katkat at Lalaine." Pagpapakilala naman niya sa dalawa at same thing lang din.
"Hi sa'yo, Girl. Sana makabonding ka namin minsan." Sabi naman ni Katkat na parang pilit ang ngiti. Paniguradong dama niya narin 'tong bruha na 'to.
Ngumiti lang sa kanya si April at kinukulit na naman si Elvis.
"Guys, mauna na kami, ha? Pre, text nalang kita mamayaㅡ" Di niya na natapos ang sasabihin dahil hinila na agad siya papalayo ni April.
"The nerve! Ganun ba kaplastic ang babaitang 'yun? Saan bang peryahan nakuha ni Elvis 'yun? Daig pa ang clown sa kapal ng make-up eh!" Inis na sabi ni Katkat na may kasamang action pa.
"Pinakilala kasi sa kanya 'yun ng Papa niya. Tapos, gustong ipakasal sila dahil nung nasa tyan palang daw sila ay pinagksundo na sila ng mga magulang nila." Sagot naman ni Francis.
Parang tinamaan ako ng thunder sa sinabi ni Francis. At bigla namang tumigil sa paghi-hysterical si Katkat. Katahimikan ang nanaig.
So, wala na palang pag-asa na masabi ko sa kanya na mahal ko siya? Di na pala ako mabibigyan ng chance na mahalin siya? Bakit ngayon ko lang nalaman na pinagkasundo pala sila? Bakit di niya sinabi noon?
"Pag-graduate niya ng College, magpakasal na siㅡ"
Tumakbo na agad ako at hindi na pinatapos pa ang sasabihin ni Francis.
Hindi ko alam kung saan na nakarating ang paa ko, pero ang alam ko, nakatayo ako sa lumang Gymnasium ng School. Pumasok ako sa loob at doon umiyak.
Nilabas ko lahat ng iyak na pinigil ko. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil ang tanga ko. Ang tanga ko dahil hindi ko sinabi sa kanya agad.
Pero ano nga ba ang patutunguhan kung sasabihin ko sa kanya na mahal ko siya? Baka nga ma-friendzone lang ako. Baka mas pinahahalagahan niya ang friendship namin.
Yumuko nalang ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Naramdaman ko na may pumasok sa loob, pero di ko nalang pinansin dahil baka janitor lang.
Pero tumigil siya sa paglalakad kaya nag-angat ako ng ulo.
Nasa harapan ko ngayon si Francis na may hawak na panyo. Nakanigiti siya sa'kin habang inaabot 'to. Kinuha ko naman 'yun at agad na pinunas sa pisngi ko. Tumabi rin siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Nang Mainlove Kay Bestfriend.
RomancePa'no kung mainlove ka sa Besfriend mo? Tapos, nung nagbalik ka, hindi parin nagbabago ang nararamdaman mo sa kanya? Sasabihin mo na ba sa kanya na matagal mo na siyang mahal? O, gugustuhin mo paring maging mag-bestfriends nalang kayo?