CHAPTER NINETEEN
Ilang araw na ang nakalipas nang mag-camping kami sa Antipolo. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako nakakarecover sa sinabi sa'kin ni Elvis.
Pagkatapos kasi ng pag-uusap naming iyon sa kubo, bigla nalang kasi akong lumabas at bumalik sa kwarto namin.
Hindi ko kasi in-eexpect na mahal din pala ako ni Elvis. Akala ko kasi, kaibigan lang ang tingin niya sa'kin. 'Yun pala, parehas rin pala kami ng nararamdaman.
Waaaah! Nagi-guilty ako. Sana pala noon ko pa sinabi sa kanya na mahal ko siya. Edi sana, ako 'yung pakakasalan niya. Buhay nga naman, oh!
"Bes, ayos ka lang ba?" Pansin sa'kin ni Lalaine. Tumango naman ako sa kanya at pinilit na ngumiti.
Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila Katkat at Lalaine. Girl bonding kasi namin ngayon. Gusto sana naming isama si Rhie, kaso, girl nga lang, di ba? Hehe. Tsaka, may date din sila ni Pat. Goodnews; sila na. Wiiih! Buti pa si beks, lumalovelife na. Hay!
"Yung mga ganyang ngiti, hindi 'yan okay eh." Dagdag ni Katkat.
"Tama! Whats bothering you?"
Bumuntong-hininga ako. Kailangan din namang malaman 'to ng mga bestfriends ko. Sila rin kaya ang naging katuwang ko para itago ang lihim kong pagtingin kay Elvis.
"Mahal din ako ni Elvis." Pag-coconfess ko sa kanila.
Napa-nganga naman 'yung dalawa na parang hindi makapaniwala.
"P-pakiulit nga 'yung sinabi mo, bes?" Pagpapa-ulit ni Lalaine.
"Sabi ko, mahal din ako ni Elvis!"
Kung kanina napa-nganga silang dalawa, ngayon ay nanlaki naman ang mga mata nila. WOW!
"OMG! Totoo ba 'yan, bes?" Reaksyon ni Katkat. Tumango naman ako.
"P-paano? B-bakit? B-bakit ngayon niya lang s-sinabi?" Sunod-sunod na tanong ni Lalaine.
"Inamin ko na kasi kay Elvis na mahal ko siya n'ung nasa Antipolo tayo. Eh, gusto ko narin namang sabihin sa kanya 'yun dahil hindi ko narin naman na mapipigilan pa ang kasal nila. Hindi ko alam na mahal din niya pala ako. Hay!" Pagkwekwento ko.
Napangiwi naman 'yung dalawa.
"Shet! Matagal ka narin palang mahal ni Elvis, bes? Bakit naman kasi hindi niya sinabi noon pa? Edi sana, kayo ngayon ang kinakasal. Tsk." Sabi ni Lalaine.
"Oo nga, bes. Torpe din pala 'yang si Elvis eh. Kaya pala sobrang tahimik niya noong grade six pa tayo. Tapos laging ikaw lang ang gusto niyang kasama. Gawd. Bakit ba hindi ko napansin 'yun noon?!" Ani pa ni Katkat.
Napabuntong-hininga muli ako. "Hindi ko nga alam kung paano ko siya pakikitunguhan eh. Lalo pa't alam kong gusto niya rin ako. Baka mas lalong maglayo 'yung loob namin sa isa't-isa."
Lumapit naman sa'kin 'yung dalawa at pinipilit patatagin ang loob ko.
"Bes, huwag mong hayaang maging ganun ang sitwasyon niyo ni Elvis. Tsaka, huwag ka ring magpapaapekto sa mga sasabihin sa'yo ni April. Tandaan mo; Ang girlfriend napapalitan, pero ang bestfriend, hindi. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa." Sabi ni Lalaine na nakapagpangiti sa'kin.
"Tama talaga si Lalaine. Kahit naman na inamin niyo na may feelings kayo sa isa't-isa. Wala dapat magbago dun. Bestfriend kayo, at hindi mo dapat ipagwalang-bahala 'yun. Baka nga mas lalo pa kayong maging close sa isa't-isa eh." Dagdag pa ni Katkat.
Napaisip ako. Tama rin naman sila. Hindi dapat ako magpalamon sa takot na baka malaman ni April ang totoo. Bestfriend naman ako ni Elvis eh, dapat lang na ipaglaban ko 'yun. Lalo pa't mahal niya rin ako.
BINABASA MO ANG
Nang Mainlove Kay Bestfriend.
RomancePa'no kung mainlove ka sa Besfriend mo? Tapos, nung nagbalik ka, hindi parin nagbabago ang nararamdaman mo sa kanya? Sasabihin mo na ba sa kanya na matagal mo na siyang mahal? O, gugustuhin mo paring maging mag-bestfriends nalang kayo?