CHAPTER FOURTEEN

102 2 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"What do you mean?" Takang tanong niya.

What do I mean nga ba? Hala. Kung ano ano kasing nasasabi ko e. Ayos ayos din kasi Krissa. -___-

"A-ah, w-wala." Sagot ko nalang. Medyo kinabahan ako dun, ah. Tsk.

"Anong wala? Eh, 'di ba nililigawan ka ni Francis?"

Aysus. May pahabol pa talaga 'tong si Elvis e! Tsk. >__<

"A-ah, siya k-kasi 'yung hinihintay ko. Tara na." Dahilan ko ulit para matapos na 'yung topic. -___-

Nang matapos na kaming kumain, agad kaming bumalik sa botique na pagbibilhan ko ng regalo para kay Yaya at binili na ito.

"Aalis kana ba?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Hindi pa. Pupuntahan ko pa sinㅡ" At saktong nakasalubong namin 'yung apat.

"Oh, kasama mo pala si Elvis?" Tanong ni Lalaine.

"Nagkita kasi kami sa isang botique kaya inaya ko siyang mag-lunch." Si Elvis na ang sumagot. At nahalata ko naman 'yung dalawa na ngumingiti. Tss.

"So, gora na tayo? Mukhang okey na naman!" Sabi ni Rhie habang naka-angla kay Pat at nauna nang naglakad.

Palabas na kami ng Mall ng hinigit ni Elvis ang kamay ko at patakbo kaming lumayo sa mga kasama namin. Hindi nila napansin na wala na kami dahil nasa huli kami ni Elvis.

"B-bakit?" Taka at hingal na tanong ko nang makahinto kami.

Ngiti ang sinagot niya kahit medyo hinihingal. Lumabas kami sa kabilang exit ng Mall at nagtungo sa parking lot.

Huminto ako sa paglalakad ng mag-ring ang phone ko. Kukunin ko na sana pero pinigilan niya ako.

"Wag mo munang sabihin sa kanila na umalis tayo. Gusto kasi kitang makasama ng matagal." Sabi niya at pinasakay ako sa kotse niya.

**

Huminto ang kotse niya sa isang Theme Park dito lang sa Manila. Parang pamilyar sa'kin 'yung theme park.

Pumasok kami sa loob at doon na nanumbalik ang lahat ng memories.

Kaya pala pamilyar sa'kin ang theme park na 'to, dahil dito kami madalas nagpupunta ni Elvis kasama si Yaya Melba.

Hala. Namiss ko tuloy bigla 'yung mga sweet moments namin. Lalo na 'yung di ko alam na may nararamdaman ako sa kanya. :">

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya bigla akong napatingin sa kanya. Nakangiti lang siya habang patungo kami sa ticket booth.

"2 ride-all-you-can tickets nga." Sabi niya dun sa nagbebenta at hindi parin tinatanggal sa pagkakahawak ang kamay ko.

Aba! Nawiwili naman siya. Sabagay, gusto ko rin naman e. Haha. :D

Nang makabili na siya ng ticket, una naming sinakyan ang Ghost Ride. Waaaah! Nakakatakot dito e. >_<

Nauna akong maupo at sumunod siya. Nang mapuno na, unti-unting naandar 'yung train hanggang sa napasok na kami sa loob.

Mama ko po. -___-

Napakapit ako sa braso ni Elvis at nagtago narin. Iiih. Nakakatakot kasi e. Sobrang dilim. >_<

(Author: Asus! Chumachansing ka lang kay Elvis e. Hahaha. :D)

"Ui, wala pa." Sabi niya habang kinakalabit ako at inaangat ang ulo. Pero di parin ako naangat dahil takot ako sa dilim.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon