CHAPTER EIGHTEEN

65 2 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Nagising nalang ako na parang may liwanag na rumerehistro sa mata ko. Pinilit kong buksan ang mata ko at muntikan na akong masilaw sa liwanag. Pinagmasdan ko naman ang paligid at nasa pinaglaglagang bangin parin kami ni Makmak, habang naka-hilig ako sa binti niya. My gulay!

Agad kong inayos ang sarili ko. Baka magising pa siya at kung anong isipin. Tss! Akala niya naman close na agad kami porke't nagkasama kami buong gabi. Hmft.

"Lalaine.. Makmak! Nasaan na kayooooo?!" Naririnig kong sigaw mula sa itaas.

Shet! Sa wakas at meron naring dumating para irescue kami. Hay! Akala ko habang-buhay na kami rito ni Makmak eh. Hindi ko ata maaatim na makasama ang kumag na 'to. Never!

Ginising ko naman agad si Makmak. May naghahanap na sa'tin." Sabi ko sa kanya. Rumehistro naman ang ngiti sa labi niya nang marinig iyon.

Tumayo agad si Makmak. "Hoy, nandito kameeeeeeee!" Sigaw niya.

"Tulooooooooooong!" Tinulungan ko narin siya sa pagsigaw para agad kaming makita ng mga rescuer.

Nakarinig kami ng mga yabag papunta sa bangin. At sa wakas, may sumilay narin na tao para iligtas kami ni Makmak.

Agad silang nagbaba nang lubid na mag-aakyat sa amin paitaas.

Nang maitaas na kami, agad akong yumakap sa mga kaibigan ko.

"Shucks! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo bes eh. Grabe 'yung pag-aalala namin mula kagabi pa. Buti nalang safe ka." Nag-aalalang sabi ni Kat habang yakap ako.

"Tama! Hindi talaga kami natulog hangga't di namin kayo nahahanap ni Mak. Thanks God at safe kayo." Dagdag pa ni Krissa.

"Same here. Pero, paano ba kayo nakarating ni Makmak dito sa dulo ng gubat? Bigla ka nalang kasi nawala n'ung nagkwekwentuhan tayo." Dagdag pa ni Rhie.

Tumingin naman ako sa gawi ni Makmak na ngayon ay nakikipag-usap kina Elvis. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatingin sa kanya, nginitian niya ako at parang nag-init ang pisngi ko sa ngiti niya. Napayuko nalang ako at sinabi kina Krissa na doon nalang sa retreat house ko ikwekwento ang lahat.

Butㅡ shucks! Bakit ganito 'yung naramdaman ko sa ngiti niya? Hindi dapat ganito eh. Masyado akong nadala sa mga kwinento niya sa'kin kagabi habang nasa bangin kami.

Oo, nagkwentuhan kami, kahit na ayoko. Tsaka, di ko rin kaya na manahimik lang sa isang sulok habang naghihintay ng mag-rerescue sa'min.

Okay naman pala siya eh. Nandun parin 'yung kayabangan niya, pero more on mas nabilib ako sa mga kwinento niya sa'kin. Ewan ko kung half lies 'yung iba doon, pero nag-enjoy akong makasama siya sa buong gabi.

Flashback

Ugh! Hindi ko na kaya ang lamok dito. Shet! Mabilis pa naman akong magkapantal. Waaah! Nakakainis talaga. Napaka-malas ko naman ngayong araw na 'to.

Nabwisit na nga ako dahil sa biglaang pagsama ng mokong na 'to, nakasama ko pa siya ngayon dito sa bangin.

Sa dami naman ng matatapatan ko ng kamalasan, sa lalaking pa 'to. Medyo nakakainit lang ng ulo. Argh! Kung pwede lang talagang maglaho na ako 'wag lang makasama ang isang 'to eh. Tsk.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

Napairap ako. Ano ba naman klaseng tanong 'yan? May okay ba na nahulog sa bangin? Parang tanga lang, ha. Tss.

"Oo, okay ako. Okay na okay!" Papilosopong sagot. Natawa naman siya ng mahina kaya napairap ako.

"Ano bang nakakatawa, ha? Sa tingin mo ba may magagawa 'yang pagtawa mo para makabalik tayo sa camping site? Kung wala naman, itahimik mo nalang 'yang bibig mo!" Inis kong sagot sa kanya. Pero hindi siya natinag sa mga sinabi ko at mas lalong nilakasan pa ang pagtawa.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon