CHAPTER SIX
What: Section Burgos' Reunion
When: May 30, 2013
Where: Tagaytay Highlands (3days)
Contribution: 5,000 pesos for foods and accomodation.
Meeting Place: School Park (WA)
For more information, please contact: Lornalyn - +639174519***
Tiningnan ko kasi 'yung Group ng Section namin sa Fb at naka-post na pala ang details ng Reunion namin.
Kasama ko ngayon dito sa bahay sina Katkat at Lalaine. Bet daw kasi nilang mag-overnight dito.
"3 days nalang pala at reunion na ng Section natin. Kamusta na kaya 'yung mga classmate natin dati?" Tanong ni Lalaine habang ngumunguya ng chocolates.
"For sure, ganun parin ang mga itsura nila."
"What do you mean Kat?"
"Alam mo na. Mga chaka parin. Hahahaha."
Natatawa lang ako sa dalawa habang nag-uusap.
"Sira. Bakit naman si Krissa? Mas lalo nga siyang gumanda e. Si Elvis din, mas lalo siyang gumwapo. Tsaka tayo. Madami nang nagbago." Depensa naman ni Lalaine.
Madami na nga sigurong nagbago. Lalo na kay Elvis. Ang laki na ng pinagbago niya. Nakakamiss lang talaga.
"Speaking of Elvis. Alam niyo bang nauurat ako dun sa Girlfriend niya? Duhh. Daig pa ang linta kung makakapit kay Elvis e. Tss!" Pag-iiba ng topic ni Katkat.
"Oo nga e! Tsaka grabe pa kung makapag-make up. Para nang semento 'yung mukha niya."
Di ko nalang sila pinapansin dahil busy ako sa pag-ffb. Pero ang totoo, hindi naman. Scroll lang ako ng scroll at pinakikinggan sila.
"Bes, kanina ka pa tulala dyan sa news feed mo." Pansin sa'kin ni Lalaine kaya napatingin ako sa kanila.
"A-ah.." Nasabi ko.
"Obvious ka masyado bes. Alam naman namin na umiiwas ka na pag-usapan si Elvis at ang Girlfriend niyang clown e." Dagdag pa ni Katkat. Nag-poutylips nalang ako.
Kaibigan ko nga sila. -____-
"Ano bang reason ng pag-eemo mo?" Tanong ni Lalaine.
Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya.
"Nung enrollment kasi, sinabay ako pauwi ni Elvis. Kasama niya nga si April nun e. Parang nakaramdam ako ng selos. Namimiss ko na kasi 'yung dating si Elvis e."
"Alam mo Bes, hindi mo naman na mababalik 'yung kahapon e. Kung sinabi mo pa noon na gusto mo na siya, edi sana, ikaw ang dinedate niya." Sabi ni Lalaine.
"Ang kaso, nakatakda na pala sila ni April. Edi, wala ring saysay kung sasabihin niya kay Elvis ang nararamdaman niya. Bandang huli, iiyak lang din siya kasi hindi siya ang pinili." Dagdag naman ni Katkat.
Parang nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
Oo nga. Kahit naman sabihin ko, walang magbabago e. Kaya mabuti nalang siguro na hindi ko sinabi sa kanya ang feelings ko. Mahirap umasa kung di naman ikaw ang pipiliin. Nagpapakatanga lang ako sa wala.
"So, anong plano mo Bes?" Tanong ni Lalaine.
Napaisip tuloy ako bigla. Ano nga bang plano ko? Iiwasan ko ba siya o, kakalimutan ko nalang na lihim ko siyang minahal?
BINABASA MO ANG
Nang Mainlove Kay Bestfriend.
RomancePa'no kung mainlove ka sa Besfriend mo? Tapos, nung nagbalik ka, hindi parin nagbabago ang nararamdaman mo sa kanya? Sasabihin mo na ba sa kanya na matagal mo na siyang mahal? O, gugustuhin mo paring maging mag-bestfriends nalang kayo?