CHAPTER ELEVEN
Engagement na nila Elvis at April. Nandito kami ngayon sa bahay kasama 'yung tatlo. Hindi na kami kumuha ng Image Stylist dahil marunong naman daw mag-ayos si Rhie. Sa kanya namin pinagkatiwala ang aming mga beauty.
Nung nakaraan pinag-iisipan ko lang kung pupunta ako sa Engagement nila, tapos ngayon nag-papaayos na ako. Hay! Sana, makayanan ko nga gaya ng sabi ni April. -___-
"Bes, ba't naman lukot 'yang mukha mo? 'Yan tuloy, nagkakaroon ng lines sa mukha mo. Tsk!" Pansin sa'kin ni Lalaine.
"Dapat maging happy ka nalang dahil ikakasal na ang bestfriend mo!" Dagdag pa ni Rhie.
"Duhh! Mas magiging happy si Krissa kung siya ang makakatuluyan ni Elvis. Right?" Sabi naman ni Katkat.
Sana nga e. Sana ako nalang.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Yaya Melba.
"Nandyan na 'yung sundo niyo. Francis daw ang pangalan."
"Opo 'Ya. Bababa na kami. Saglit lang kamo." Sabi ko.
Agad na naming binilisan ang pag-aayos at bumaba narin.
Naabutan namin na nakaupo sa couch si Francis. Napansin niya ata kami kaya agad itong tumayo para salubungin kami.
Ang gwapo niya sa suot na tuxedo. Feeling ko, siya pa ang ikakasal e. Hahaha. :D
"Grabe! Ang pogi mo naman Fafa Francis. Amp na amp. Ikaw na talaga. Hihihi." Sabi sa kanya ni Rhie kaya nagtawanan kami.
"Yaya, alis na po kami."
"Sige, mag-iingat kayo." Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse niya.
Parang bigla akong kinabahan ng nakasakay na ako. Di ko alam kung bakit, pero parang may hindi magandang mangyayari. Sana mali 'tong impression ko. Sana.
**
Sa isang five star hotel huminto ang kotse ni Francis. Halatang glamorosa ang engagement party nila April at Elvis dahil mukhang mayayaman ang mga guest nila.
Nakaranas narin naman akong makapunta sa ganitong kasosyal na event. Pero, parang mas sosyal pa ata 'to.
Pumasok na kami sa venue at sinalubong kami ng isang Butler at giniya kami patungo sa uupuan namin.
Pinagmasdan ko ang buong paligid ng venue. Champagne ang kulay ng mga palamuti. 'Yung tugtog naman ay parang makaluma at tinitimbrehan ng violin at piano. Pang-sosyal nga talaga.
"OMG! Parang di ata tayo nababagay sa ganitong kasosyal na event!" Sabi ni Katkat.
"No Kat! Lahat ng tao ay pwedeng maging sosyal. Kahit ang mahirap na nilalang ay pwedeng maging sosyal. Basta marunong ka lang magdala at makisama, sosyal ka na." Dagdag ni Rhie. Nag-agree naman sina Lalaine at Francis, pero ako, walang imik dahil hindi parin nawawala 'yung kaba sa dibdib ko.
"Bes, okey ka lang ba?" Tanong ni Lalaine. Tumango nalang ako kahit na hindi naman talaga.
Maya-maya, nag-umpisa na at dumating narin sina Elvis at April.
Ang ganda ni April sa suot niyang gown. At si Elvis, ang gwapo niya. Kaso, parang ang lungkot ng mukha niya e. Bakit kaya?
Oo nga pala, nag-confess siya sa'kin nung nasa tagaytay kami about sa feelings niya kay April.
Kung pwede ko nga lang agawin sa kanya si Elvis e. Ang kaso, may binitiwang salita si Elvis nun. Nakasalalay daw kay April ang buhay niya.
Hindi ko maintindihan kung anong ibig niya iparating noon. Pero kung ano man 'yun, hindi ko parin siya magagawang ipahamak. Bestfriends kami. What's right for him, is also right for me. Kahit na masakit, tatanggapin ko nalang.
BINABASA MO ANG
Nang Mainlove Kay Bestfriend.
عاطفيةPa'no kung mainlove ka sa Besfriend mo? Tapos, nung nagbalik ka, hindi parin nagbabago ang nararamdaman mo sa kanya? Sasabihin mo na ba sa kanya na matagal mo na siyang mahal? O, gugustuhin mo paring maging mag-bestfriends nalang kayo?