CHAPTER TWO

162 5 2
                                    

CHAPTER TWO

"Oh, uminom ka ng gamot para hindi lumala 'yang sipon mo." Inabot sa'kin ni Yaya Melba 'yung dala niyang tablet at baso ng tubig. Agad kong ininom 'yun.

"Sino nga pala 'yung naghatid sa'yo?" Tanong niya.

Sumingha muna ako sabay huminga ng malalim. Ang hirap kasing magsalita kapag barado ang ilong. Ang bilis ko pa namang dapuan ng sakit. Tsk!

"A-ah, dati ko p-pong classmate Ya. Nagkita k-kasi kami sa school kaya h-hinatid niya na a-ako pauwi." Dahilan ko.

Kukulitin kasi ako nitong si Yaya kapag sinabi kong kakakilala ko lang dun kay Francis. Ayaw niya kasing nakikipag-usap ako sa di ko kakilala.

"Uhm.." Sabi niya at tumango-tango. "Bumaba ka nalang anak kapag gusto mo nang kumain. Nagluto ako ng paborito mong pork adobo." Dagdag pa niya at lumabas na ng kwarto ko.

"Hachiiiiiieeeeeng!" Bahing ko. Sorry sa mga kumakain dyan. Di talaga kaya ng powers ko e. -____-

Ako ng pala si Maria Atasha Krissa Chen. Krissa nalang for short. Half-chinese ako. 17 years old at kauuwi lang galing Thailand. Nandun pa sina Mama at Papa kasama ang kuya ko. Busy kasi sila sa business namin dun. Dito nila gustong mag-college ako kaya pinauwi nila ako. Kasama ko naman daw ang Yaya ko kaya di na daw nila proproblemahin ang magbabantay sa'kin.

Single po ako. Single since birth! Loyal kasi ako kay Elvis at siya ang gusto kong maging first love at mapangasawa. Pero mukhang malabo e. Wala na kasi akong balita sa kanya. 'Yung fb niya naman ay block na kaya di ko na mahanap. Pati number niya wala rin ako. Sabi naman nila Lalaine at Katkat, di na daw nag-aaral si Elvis. Pero, sabi lang naman nila 'yun, at hindi ko pa nacoconfirmed.

Nga pala, gusto niyo bang malaman 'yung naging pag-uusap namin ni New-found-friend?

Wala naman kayong magagawa kung ikwento ko, dahil story ko naman 'to at POV ko 'to. Hahaha. Joke lang po. :D

[FLASHBACK]

"Tara?" Aya niya sa'kin. Sumunod naman ako sa kanya at sumakay agad sa kotse niya. Ginaw na ginaw narin kasi ako.

In-start niya ang engine at pinaandar na ito. Tahimik lang ang naging byahe namin. Wala naman kasi akong sasabihin sa kanya dahil di ko naman siya kilala at di kami close. Baka sabihin niya ang kapal ng mukha ko para kausapin siya, eh pinasakay niya na nga ako. Hehe.

"Ano nga palang pangalan mo?" Agad akong lumingon sa kanya, habang siya naman ay patuloy sa pagdadrive at nakatingin sa daan.

"Krissa." Sagot ko at tumingin din sa daan at di na siya nilingon. Ang pogi niya kasi at nalo-loose ako. ^__^

"San nga pala 'yung bahay mo?" Tanong niya ulit.

"Sa lipton village."

5 minutes atang nanaig ang katahimikan nang bigla ulit siyang magtanong.

"Dyan ka ba sa West Academy nag-aaral?"

Lumingon ulit ako sa kanya, at gaya kanina nakatingin lang siya sa daan habang nag-dadrive.

"Oo. Pero nung Grade 6 pa ko. Dumalaw lang ako."

"Uhm. Ako naman, transferre ako dyan nung firstyear highschool." Sabi naman niya.

Napatango nalang ako at di na muling nagsalita. Gusto ko na kasing umuwi sa bahay dahil giniginaw na ako. >//////<

"May kilala ka bang Elvis Ortega?" Napalingon agad ako sa kanya ng marinig ko ang pangalan ni Elvis.

"O-oo.."

Saglit siyang napatingin sa'kin habang nakangiti at nagbalik agad ng tingin sa daan.

"Siya kasi 'yung una kong naging kaibigan dyan sa WA (West Academy). Ako pa nga ang unang nag-approach para kaibiganin siya. Ang tahimik niya kasi e." Natatawang kwento niya.

Naalala ko tuloy nung una kong nakilala si Elvis. Ako pa ang gumawa ng way para kaibiganin siya. Grabe kasing tahimik nun e. Kaya wala din siyang masyadong friend sa school noon.

"N-nasaan na pala siya?" Biglang tanong ko. Saglit na lumingon siya sa'kin.

"Nasa probinsya nila sa Cebu. Third year na kami nang mag-transfer siya dun dahil may sakit daw ang lolo niya at pamilya nila ang magbabantay. Pero, dito daw sa Manila siya mag-aaral ng College."

Pinagmamasdan ko lang siya habang patuloy sa pagkwekwento. Magkaiba sila ng personality ni Elvis. Napapasin ko kasi dito kay Francis na parang masiyahin siya. Palaging nakangiti kahit walang dahilan.

Di ko tuloy namalayan na nasa loob na kami ng Village. Pinatigil ko na 'yung sasakyan ng makarating kami sa harap ng bahay. Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Thankyou." Sabi ko pagkababa. Ngumiti naman siya sa'kin.

"Thankyou din kasi di ka natakot na sumabay sa'kin kahit na ngayon lang tayo nagkakilala." Sabi niya.

"Wala 'yun! Mukha ka naman kasing mabait. Ingat ka." Pumasok na ako sa loob habang siya naman ay sumakay na sa kotse niya.

Isasara ko na sana 'yung gate ng mapansin ko na suot ko pa pala 'yung cardigan niya. Agad kong hinubad 'to para isoli sa kanya, pero nakaalis na pala siya.

Tsk! Pa'no ko kaya masosoli 'to sa kanya? Wala naman akong number niya. Pero alam niya naman 'yung bahay ko e. :)

[END OF FLASHBACK]

"Yaya Melba, kakain na po ako." Sabi ko kay Yaya pagbaba ko ng kwarto ko.

"Sige, ipaghahain na kita." Agad naman siyang kumilos para ipaghain ako.

Tahimik lang ako habang kumakain. Pinasabay ko na rin si Yaya para isang hugasan nalang. Pagkatapos, agad akong umakyat sa taas para maglinis ng katawan ko, then nag-online ako sa fb ko.

Nang iopen ko 'yung account ko, meron akong friend request. Agad kong tiningnan kung sino 'yun.

1 friend request

Francis David [confirm] [ignore]

Bago ko clinick 'yung confirm button, tiningnan ko muna 'yung profile niya.

Hala?! Ito 'yung kasama ko kanina ah?! Ang bilis niya naman akong in-add.

In-accept ko na siya at agad namang may nag-pop up na message sa chatbox.

Francis: Hello. :) Salamat sa pag-accept. Ako nga pala 'yung kasabay mo kanina.

Krissa: Hello din. Oo, kilala kita. Salamat nga pala kanina. Nga pala, nakalimutan kong isoli 'yung cardigan mo.

Francis: Oo nga e. Pwede bang kunin ko nalang 'yung number mo para magkita nalang tayo? Kung okey lang naman sa'yo. :)

Binigay ko naman sa kanya 'yung number ko. Gusto ko rin kasing makipagkita sa kanya para matreat ko naman siya dahil hinatid niya ko pauwi dito sa bahay.

Madami pa kaming naging pag-uusap ni Francis hanggang sa maging topic namin si Elvis. Pagkatapos, nagpaalam na ako sa kanya na magla-logout na ako dahil sobrang antok ko na.

Pero hanggang ngayon, di parin mawala sa isip ko ang sinabi niya tungkol kay Elvis. Parang sumikip ang dibdib ko sa bagong nalaman ko.

May Girlfriend na daw si Elvis. Ouch! Parang gusto kong maiyak nung sinabi niya 'yun.

Tanga ba ako kasi di ko sinabi agad kay Elvis na gusto ko siya? Kaya ayan, nahuli na ako ng dating. Sana noon pa pala. :(

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon