Chapter 15

262 8 3
                                    

Maraming salamat kay @LhiricoOhnine,aldrealynn sa pagsubaybay ng story ko kahit na late na ako nakakapag-UD..

Sana magustuhan niyo..

____________________Chapter 15___________________

Third Person's POV

Tapos na kumain si Aella at lumabas na siya ng kanyang bahay para pumunta na sa school, habang naglalakad siya may van na  biglang humarang sa dinadaanan niya at mabilis na lumapit sakanya ang isang lalaki at may ipapaamoy ata sakanya pero mas mabilis gumalaw si aella dahil nailagan niya ito. At may biglang bumaba na 10 lalaki sa van na iyon at tinulungan ung lalaki para makuha siya. Mga malalaking lalaki. At dahil pagod na rin si aella ay di niya na pansin na may papalapit skanya at ang huling nakita nalang niya ang mga lalaki na unting-unting lumalapit sakanya. And EVERYTHING WENT BLACK.

Di nila alam na may nakakita rito.

Brent POV

Nandito na ako ngayon sa labas ng gate dahil inaantay ko si aella, ayaw niya kasing magpahatid-sundo pwera na lang kapag pagod siya. Pero itong mga nakaraang araw parang lagi nalang siyang pagod. Tinawagan ko siya kanina sabi ko susunduin ko siya pero ang sabi niya wag na daw tsaka malapit lang naman daw un, gusto rin daw niyang maglakad,exercise na rin daw. So un nga po, malapit na magbell at hanggang ngaun wala pa rin siya at nagsisimula na akong kabahan.

"Aella nasan ka na ba?" tanong ko sa sarili ko

"malapit na magbell"

>>>KRIIIINGG<<<

"Patay! Bell na. Matapang pa naman ung teacher namin" tumakbo na ako papuntang classroom 

Habang inaantay pa namin ung guro namain, tinext ko na siya.

To: Aella <3 

Aella nasan ka na? Bell na. Reply pls. 

Message sent..

Tinago ko na ung cp ko dahil dumating na ung prof namin.

**DISCUSS**

**DISCUSS**

**DISCUSS**

**DISCUSS**

**DISCUSS**

**DISCUSS**

blahblahblahblah...

di ako nakikinig at iniisip kung bakit di pumasok si aella hanggang ngayon di talaga ako mapalagay hanggang sa bigla nalang akong tumayo at lalabas na sana para hanapin si aella ng biglang nag-vibrate ung phone ko..

"Yes, Mr.Shin" tanong sakin nung prof di ko na lang siya pinansin at tinignan kung sino ang nagtext sakin

Unknown Number?? Kanino naman kaya ito?.. Bigla akong kinabahan..pinindot ko ito pero na kapikit ako at unti-unti kong binuksan ung mata ko at na bigla ako sa text..as in..

0____0

Walangyang ga*o to! Leche! WTF! lahat na ng mura gusto ko na sabihin pano ba naman ganito ung laman o..

From: Unknown Number 

Bakla ka ba?

O diba nakakaga*o! Kakabadtrip! Lumabas na lang ako at pumuntang garden para magpalamig. Badtrip talaga! Mababaw ba ako? Pwes! Wala akong pakialam. Nakarating na ako at sumandal ako sa malaking puno at pinikit ang aking mga mata. 

Cold GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon