Chapter 16 : Brent??

259 7 3
                                    

Someone's POV

Lumipas ang dalawang araw at hanggang ngayon di parin niya mahanap si Aella. Nagaalala na rin yung mga kaibigan ni aella, halos lahat sila wala pang tulog dahil nga hinahanap nila si aella.

Lumabas si Brent nagbabasakali na baka mahanap niya si aella.  

Habang hinahanap ni brent si aella ay biglang nagring ung phone niya. Agad agad naman niya itong sinagot. 

"'Hello! Nahanap mo na ba?" bungad niya dun sa inutusan niya

"Opo, nasa isa po siyang warehouse, buti na lang po may nilagay kayong device dun sa phone ni mam michiko at mabilis ko itong nahanap. Ite-text ko na lang po kung saan" pagkatapos ko marinig ang sasabihin niya ay agad ko na itong binaba. At inantay ung text kung nasaan si Aella.

Wala pang isang minuto nareceive ko na siya. Di ko alam kung saan to, kaya kinuha ko ung cellphone ko at nag-GPS kung saan mang lugar to. 

Wait me aella. I'll make sure that they'll pay for this.

Sophia POV

Ang tagal naman dumating yung lalaking yun di ba niya namiss ung Bestfreiend niya or let me rephrase it EX-Bestfriend. Tsk. Pinuntahan ko si Aella sa kwarto kung saan maraming patay ang naroon kaya mabaho. 

Nakita ko siyang nakayuko,di ko naman gagawin sakanya to kung di lang niya inagaw kung ano yung sakin. Sinampal ko siya.

*PAK*

gumalaw siya pero di siya tumingin sa akin. Inulit ko ulit.

*PAK* pero this time malakas na kaya nakita ko na nagka-cut na yung labi niya. 

"a-ano pa bang gusto m-mo"mahina niyang tanong. Siguro nanghihina na siya di ko na siya pinapadalhan ng pagkain dahil di naman din niya kinakain yun. Sayang lang pera. 

"ang gusto ko si Brent at wala ng iba" sinabi ko ito sa mismong mukha niya. Obsessed na kung obsessed e sa mahal ko si brent.

"TSK. Kahit patayin mo ako rito di ako papayag na mapunta siya sa isang katulad mo na ubod ng kapal ang mukha" sigaw niya sakin. 

*PAK* sinampal ko ulit siya

"Tss. Yan lang naman ang kaya mo e, ang saktan ako physically. Pasalamat ka talaga nakatali ako rito." alam kong nahihirapan siyang magsalita pero pinakita niya sakin na malakas pa rin siya. 

"Whatever. Basta aagawin ko sayo si brent. Kung ang kinakailangan ay patayin pa kita" sabi ko at tumalikod na sakanya

Pagkalabas ko sinalubong ako ng isang tauhan ko at sinabing nanjan na raw yung inaantay ko.

Brixen POV

Nandito na ako sa isang warehouse na tinext sakin ni Sophia. Si Sophia ay half-sister ko, kahit na napakspoiled niya ay love ko pa rin sya. Sinabi niya sakin na may pinadukot siya. At ako naman siyempre nagulat, sinabi niya sakin lahat-lahat pero ang hindi ko inaasahan ay ung sunod niang sinabi Michiko Aella Ruzelle Shin ang pangalan niya. Paulit-ulit itong sinasabi ng isip ko, siya ang kaisa-isa kong bestfriend at first love ko. Di ko nasabi sakanya na mahal ko siya bago man ako umalis rito sa pilipinas noon. Sana di ako naging torpe. Wala naman talaga akong balak sumama sa parent  ko dahil ayaw kong iwan ung babaeng pinakamamahal ko. Pero wala e... wala pinagtangkaan ko na silang takasan pero nung napuno sila sakin sinabi nila ang katagang kinatatakutan ko. "Pag di ka pa tumigil papapatay ko yang babae mo" Kaya simula noon di na ako nagtangka pa ulit na umalis dahil baka mapahamak lang si aella. 

Ng malaman ko ung plano ng kapatid ko ay umoo agad ako. Di ko siya susundin at itatakas ko si aella. 

"O! Kapatid nandito ka na pala" tapos nakipag-beso siya sakin

"Yeah. Nasan si Michiko?" tanong ko agad

"Wait lang kapatid ko wag naman masiyadong atat...makikita mo rin siya mamaya" tumango nalang ako. Habang nag-aantay ako ng oras ay nagisip na akong ng plano kung paano ko itatakas rito si aella.

Michiko POV 

Ang sakit na ng kamay ko, nangangalay na ako pati ung paa ko. Tapos gutom pa ako, di ko kinakain ung pagkain nila pano kapag may lason pala yun edi patay na ako. 2 araw na at hanggang ngayon wala pa rin nagliligtas sakin. huhuhuh.. tinaguriang col gangster ako pero wala akong magawa amp na yan. E satingin niyo ba makakatakas ako kung ang ginamit nila ay bakal, kung sana e ung tali lang  edi sana kanina pa ako nakatakas. 

May biglang pumasok sa kwartong mabaho na to.. madilim kaya di ko makita. Hanggang sa nagsalita siya. 

"Hello! Mich. Miss me." k-kilala ko ang boses na yun

"......." di ko siya sinagot

"Mich. Di mo na ba ako naalala?" tapos lumapit siya at ngayon nakikita ko na siya ang matalik na kaibigan ko na iniwan lang ako sa ere. Di man lang siya nagpaalam na pupunta siya sa ibang bansa. 

"Siyempre naaalala kita. Kaw lang naman po ang aking matalik na kaibigan na iniwan ako at hindi nagpaalam na aalis na pala siya, kahit pasabi wala,. " grabe ha , ang haba ng sinabi ko, dati galit ako sakanya pero ngayon di na masyado tampo na lang. atsaka matgal tagal na rin iyon.

"Tsk. Tama na iyong drama niyo. Hoy, magaling kong kapatid alam mo na kung ano gagawin mo jan" sabi niya kay Brix at nagsmirk siya.

"oo alam ko na, pwede bang iwan mo na kami" sabi ni brix sakanya 

"Hoy! Ikaw, bantayan mo silang dalawa baka tumakas sila,di porket kapatid kita pagkakatiwalaan na kita " utos niya roon sa isang tauhan niya

 "Yes mam." tanga naman nun. e bat inutusan pa niya si brix kung wala naman pala siyang tiwala sa kapatid niya---eh? Kapatid niya to. Eh? Parang late reaction ako a.

"Magkapatid kayo?!" sigaw ko sakanya 

"Kailangan sumigaw? OO, Kapatid ko siya pero, half-sister lang" 

"aa.. teka nga anu nga pala ung sinasabi niya na alam mo na daw ung gagawin mo?" inosente kong tanong 

"aa may balak kasi siya na gawin sa---" naputol ung sasabihin niya dahil may biglang sumigaw 

"AELLA!? NASAN KA?! ILABAS MO SIYA!? DAMN!? KANINA PA AKO SIGAW NG SIGAW RITO PERO DI MO AKO SINASAGOT! ANO KA BA BINGI? KELANGAN KO PA BA--" di ko na narinig ung sasabihin nung lalaki dahil narinig ko siy na parang umubo. Sinuntok ata siya ee,, sino ba yun, Teka parang pamilyar ung boses niya.

"BRENT???

 _______

May part 2 po yan.. 

Cold GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon