Chapter 22

201 8 1
                                    

Chapter 22

***

Michiko POV

Kumakain kami ni Brent nang bigla na lang may kumalabog ng malakas. Dali-daling kumuha si Brent ng sandok. Tinanong ko siya kung bakit ang tanging sabi lang niya "Pangpupukpok ko dun sa nangistorbo satin." Kinilig naman ako siyempre. 

>////<

Narinig namin na may yabag na papunta dito sa amin. Pinapunta ako ni Brent sa ilalim ng mesa para daw di ko makita yung gagawin niya. Nagbibilang ako ng biglang sumigaw si Brent.

"A-aray!--Ow!--Tama na po!!--Ay!--Ang sakit!!--" ang ganda naman niya. Mukha siyang ka age namin kaso bigla ulit nagsalita si Brent ba siyang kinagulat ko.

"Mom!--Tama na po!--Masakit na po talaga--" napuputol ung sasabihin niya ng biglang nagsalita ung mommy niya.

"Ikaw na bata ka. Bakit mo pinalo ung ulo ng mommy mo?! Ha!?" Sigaw niya at piningot niya ung tenga ni Brent. 

"Sorry na po. Di ko naman po sinasadya. Akala ko po kasi magnanakaw. Bakit po kasi di kayo kumatok?" tanong niya habang himas himas niya ung p\tenga niya. Namumula na rin ito.

"Eh? Kumakatok ako wala man lang nagbubukas, kaya sinira ko na lang." tpos nilibot niya ung tingin niya sa buong paligid hanggang sa nagtama ang mata namin at agad naman ako nagiwas ng tingin nakakatakot ung mukha niya.

"Ehem!" tumikhim si brent para makuha ang atensyon ng mom niya. 

"aaaahh...mom....girlfriend ko po si aella" tapos lumapit siya sakin at inakbayan agad-agad ko naman kinurot ung kamay ni Brent. Nakita na ngang nasa harap kami ng mommy niya tapos ganyan siya.

"A-aa..Nice too meet you po,I'm Michiko Aella Ruzelle Shin." inantay ko abutin niya ung kamay niya ang kaso di niya inabot kaya binaba ko na lang. Lalo akong nahiya at napahiya ako sakanya. Ayaw ba niya sakin? Auko maging katulad ni Jan-di. Sa BOF. 

Nakatingin pa rin siya sakin. Brent heeeeeeelp me. Kahit naman cold ako. Magalang pa din naman ako sa nakakatanda sa akin. 

"Mom naman ee.."  parang batang sabi ni brent. May napansin akong parang naging batang isip si brent pagkaharap ung mommy niya.

"A-aa sino uli siya??" tanong ng mama niya na parang gulat na gulat

"aa--siya po si--" naputol ung sasabihin ni brent ng magsalita ako

"A-aa ako po si Michiko Aella Ruzelle Shin." tingalog ko na baka di niya naintindihan ung english ee. Joke! Alam kong corny.

"Nice too meet you....Ael--" naputol ung sasabihin niya ng biglang sumingit si Brent 

"Michiko po." sabi niya

Natawa na lang ung mommy niya sa inasta ng anak niya..

"Okay. So MICHIKO. Nice too meet you iha." tapos lumapit siya sakin para yakapin diba dapat shake hands? Weird.

"Nice too meet you din po." niyakap ko din siya 

Kumalas na siya at tumingin kay Brent..

"Anak.. bakit ngaun mo lang sinabi na may girlfriend ka na pala? Aba! Nakajackpot ka a!" tapos pinalo niya ung anak niya

"Ma anu ba. Bakit ka namamalo?" iritang tanong niya.. bigla na lang sumersyoso ung mukha ng mom niya at may binulong sakanya.

"Maaaaaaaaa!!..."

Tumakbo kasi papuntang kwarto ung mama niya at etong si brent. Namumula ung tenga? Bakit namumula ung tenga niya??

---

"Ma. Alis na po kami." tapos nakipagbeso na kami kay Tita Beatrice. Ang ganda ng pangalan niya ano? Ay! Di ko pa pala siya na dedescribe sainyo. Maputi, maganda,flawless ang skin in short she's gorgeous.

"MAKO! Kanina pa ako salita ng salita pero parang di ka naman nakikinig. Anu bang iniisip mo?"

"aa..wala LOKO. Ang bait pala ng mom mo nuh?" tapos ngumiti ako ng pilit. Namimiss ko na rin ang magulang ko. Sana ako na lang ang namatay.

*******SCREEEEEEEECCCCCHHH**********

"Aella ayos ka lang ba? Nagulat kasi ako sa sinabi mo at kapag narinig ko pa yun di ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sakin." tapos niyakap niya ako ng mahigpit

"Sorry." yan lang ang nasabi ko 

"Basta wag mo uulitin ha." nagnod na lang ako 

"I love you" tapos kiniss niya ako sa forehead

"I love you too" tapos ngumiti ako sakanya

Brent POV 

Biglang kumirot ung dibdib ko ng bigla niyang sinabi ung katagang iyon. Di niya siguro namalayan na binubulong niya ito kaya ko ito narinig ko. Ganon pala ang iniisip niya. Wag ka magalala aella. Dito lang ako sa tabi mo. Di kita iiwan. Pangako ko itaga mo pa sa bato.

Papunta kami ngaun sa isa ko pang rest house dahil gusto ko talagang masolo si aella kaso nga diba dumating si mom? Galing siyang states at nagbabakasyon daw siya. Nagpaalam naman ako na dito kami sa rest house ko pupunta pumayag naman siya at sabi niya mag-ingat daw kami. Gagawa ako ng magagandang memories para makalimutan ni aella ung mga masasamang nangyari sakanya.

Nandito na kami. Di ko na ginising si aella dahil sa umiyak siya kanina. Alam ko yun kahit na tintago niya ung mukha niya sakin kanina. Alam kong ayaw niyang makita ko siyang umiiyak kaya di ko na lang siya pinansin kahit na masakit sakin na makita siyang ganon. 

Nilapag ko siya dito sa may damuhan. Tinitigan ko siya hanggang sa nakaramdam naman ako ng antok.

Michiko POV

Naalimpungatan ako dahil parang may mabigat na nakapatong sa may tiyan ko. Nakita ko na natutulog si brent. Nilibot ko yung paningin ko. Nagtataka ako kung nasan kami? Mamaya ko nalang siya tanungin kapag nagising na siya. Tinitigan ko siya.. mahaba ung pilik-mata niya,.. matangos ang ilong,..may dimple kapag tumatawa,.. mapupulang labi,.. unti-unti kong nilapit ung labi ko sa labi niya.

Ang lambot..

>///<

Lalayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ung batok ko at hinalikan niya ako ng buong  pagmamahal. Nang mejo tumagal humiwalay na siya sakin at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Ganyan pala gagawin mo kapag natutulog ako. Ninanakawan mo siguro ako ng halik kapag natutulog ako?*smirk*"

"Che! Kapal mo naman! Naaakit kasi ako sayo. Lalo tuloy akong naiinlab." ooopss. Bwiset ma bibig to. Dapat sa utak ko lang yan e. Bakit lumabas..

Nakakahiya..

>/////<

Pansin niyo. Kanina pa ako nagbublush.. Kasi naman ee

"Edi, inamin mo rin na naaakit ka sakin." lalo tuloy akong naging kamatis sumiksik lalo ako sa dibdib niya dahil sa sobrang hiya at kilig. Magkayakap po kaming dalawa. 

Lalo akong namula sa mga katagang binitiwan niya..

"Mas naaakit ako sayo. At sobrang mahal na mahal kita.. MAKO." naramdaman ko na hinalikan niya ang ulunan ko.

**SILENCE**

"Tara na sa loob at bukas maglilibot pa tayo." nagnod na lang ako at pumasok na kami sa bahay. 

**

TO BE CONTINUED....

Cold GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon