51

3.4K 52 5
                                    

I don't know when's the next update. Just please be patient...


Nag-doorbell ang guwardiya ng marating namin ang pinto na may 007 sa taas. This unit is in the third floor of the building. While mine is at the top floor. I love the view of NYC, especially at night, that's why.

Hindi pa bumubukas ang pinto ay nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ng aking shorts.

Nang makitang si Yuan ang tumatawag ay kaagad akong nagpaalam kay Angelo na sasagutin ko muna ang phone ko. Hindi naman kasi siguro ako kailangan doon.

Naglakad ako upang makalayo sa kanila ng kaunti.

"Yuan!"nakatalikod ako sa gawi nila Angelo na naririnig ko ng may kausap.

"I received your message. What happened, Louise?"nag-aalala ang boses ni Yuan.

Ni-text ko kasi siya kanina habang hinihintay si Angelo na dumating.

"Okay na. Sorry kung pinag-alala kita."sabi ko.

He sighed in relief."Akala ko naiwala mo na talaga ang poging batang 'yon, e! Naku! Lagot ka sa asawa mo 'pag nagkataon."napairap ako sa hangin sa kanyang sinabi. Kailangan ba talaga na palagi niyang pinaaalala na asawa ko pa rin si Angelo?

"Anyway, where did you find him?"aniya sa kalmado ng tono."I'm sorry, hindi ako nakapunta kaagad diyan dahil nakasilent ang phone ko sa message alert. You should've just call me, you know!"

Napanguso ako at nag-init ang aking mukha. Yeah, bakit nga kaya text lang ang ginawa ko sa kanya at bakit si Angelo pa ang tinawagan ko? I'm on deep shit.

"Matagal pa ba 'yan?"napatingin ako kay Angelo na nasa may hamba ng bukas na pinto ng Unit 007. Wala na siyang kasama doon and I assume na nasa loob na 'yung guwardiya.

"Susunod na lang ako. Go inside."

Tango naman ang kanyang sinagot. Pinanood ko siyang pumasok sa pinto at hindi niya iyon sinarado.

"Louise?"halos mapamura ako ng makalimutan kong nasa kabilang linya pa pala si Yuan."Was that Angelo?"tanong niya pa.

"Yeah."alanganing sagot ko.

"So, alam niya na na naiwala mo ang anak niyo kanina?"mapang-uyam na tanong niya sa akin.

"He's the one who found Ico."pag-amin ko kasabay ng pamumulang muli ng aking pisngi. Mabuti na lamang at wala itong baklitang ito sa aking harapan dahil alam ko namang tutuksuhin niya ako. And, why am I even blushing?

"So, you called him instead of me, huh?"he teased.

Tss. Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya!

"I panicked, you know! At naka-alphabetized ang phonebook ko. Mas una ang pangalan niya kesa sa'yo!"I brilliantly reasoned out.

Napahalakhak naman siya."O, sige na! Naniniwala na ako!"umirap ako dahil nang-aasar pa rin ang kanyang tono.

"Tss. Sige na, susundan ko na sila..."nagpaalam na ako dahil baka tumagal pa ang pang-aasar niya sa akin.

He chuckled."Okay. Alagaan mo ang mag-ama mo, ah."

Ibababa ko na sana ang tawag ng bigla kong maalala ang dinner na sinasabi ni Angelo mamaya. Should I invite Yuan?

"Louise? Ibaba mo na."narinig ko ang boses ni Yuan.

Galing sa mayamang pamilya si Yuan Ross at kahit naman bakla iyan ay gentleman pa rin sa mga babae, lalo na sa akin. Hindi nga lang halata.

Anyway, should I invite him?

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon