♥♥♥8

21 0 0
                                    

○Rica's POV○

"Hoy!!! Bunso gising na! Monday na monday eh magpapa-late ka."

Napaka-sipag naman talaga ng Human Alarm ko.

"Eto na gumising na po!"

Stretch.Ligpit ng Higaan.Ligo.Suot ng uniform.

Pababa na ako ng hagdan eto namang kuya james eh naka-abang sa may baba na naka cross arms pa.

"Ikaw bunso hah. Sino naman yung naghihintay sayo?

"Huh?"

Ay! Oo nga pala. Susunduin pala aako ni Joshua my loves ngayon.

"Sige kuya alis na ako"

"Di ka pa kumakain ah" sabi saken ni Kuya Ryan sa may kusina

"Hindi na kuya. Baka ma-late pa ako."

"Hoy ah! ang aga pa noh!. Ikaw bunso hah. Hindi ko siya ----" 

"Bye Bye my both handsome brothers!!" Di ko pinatapos si Kuya James at umalis na din ako.

Itong kuya ko talaga di man lang pinapasok si  Joshua

"Pasensya na ah di ka pinapasok nung kuya ko"

"Ayos lang. Mukhang strikto sila ah"

"Ewan lang. Parang ngayon lang ata"

"Ahhh.. So halika ka na."

Sumakay na kami ng sasakyan niya at dumiretso na ng school

/School/ 

Pagkadating namin ng school hinatid na ako ng room ni Joshua

"Sabay tayo mag-lunch?"

"Ahh? eh.. Tanungin ko muna yung mga bestfriend ko"

"Ok.Just text me. Bye " nag-smile siya at umalis na.

"Ay butiki!"  

Naka-abang pala yung 3  >_<

"Hi Bestfriends!!!" sabi ko sakanila na nakangiti. Tapos dumiretso na kami sa mga upuan namin.

2 minutes na walang imikan

"Ehem Ehem" 

"Wala ka yatang naiku-kwento" sabi saken ni Rachelle

"Bakit may hatid-hatid na ganun" sabi ni Dianne

"Parang biglang may nangyari ata" sabi din ni Mae Ann

Wait!Medyo magulo ata yung mga sinasabi o tinatanong nila.

"Pwede isa-isa lang" sabi ko at ngumiti sakanila..

"Siya ba yung kinu-kwento mo yung nakatama ng bola sayo?" nakangitng tanong ni Dianne

"Ba't ka niya hinatid? Nililigawan ka na noh??" tanong din ni Rachelle

"Oi ikaw hah! Mag-kwento ka nga dali"

Ay kaloka! kala ko pa naman eh seryoso sila tapos naging ganyan kalawak yung mga ngiti nila. Sabi ko isa-isa lang ehh -_-

Kwinento ko na sakanila lahat magmula dun sa hinatid niya ako pauwi,nag-hingian ng cellphone number at yung liligawan niya ako.

"Di kaya masyadong mabilis?" tanong ni Dianne

"Naging komportable naman na kaming dalawa sa isa't-isa agad ehh at tsaka gusto ko rin siya lalong makilala at..." ngumiti ako bigla sakanila

"at may gusto ka sakanya" pang-dugtong ni Rachelle

Ngumiti lang ako sakanila.

"Ikaw Rica hah! Nagdadalaga ka na!"

"Basta kung niloko ka niya tawagin mo lang kami at tatad-tadin namin ng spike ang pagmu-mukha niya"

"Andito lang kami. Su-support ka lang namin"

"Thank you talaga mga bestfriend" nagyakapan kaming apat

Oh diba! Yan ang mga bestfriend ko. Ansavehh niyo?!!

"Hoy hoy hoy!! Bat di kami kasama diyan" ayun nagsulputan naman itong tatlo na ito.

"Gusto niyo rin ba ng hug??" Pang-aasar ni Mae Ann

"Oo pero kay Rica lang" sagot naman ni Raven

"Saken naman si Mae Ann" sabi ni Christian

"Ay ouch!" pang-aasar ni Rachelle kay Dianne, ang alam ko kasi ehh may crush itong si Dianne kay Christian

"Wag ka nga Rachelle!! Yung sayo nga nasa ibang building ehh!!" sagot ni Dianne kay Rachelle. Itong Rachelle na ito eh may gusto lang naman sa Kuya James ko.. hahahaha

"At least pag may ganung scene eh di ako nasasaktan" nagbelat si Rachelle kay Dianne

"Hep Hep Hep! Kung Group hug nalang kaya?" sumbat ni Mae Ann

"Oo nga keysa naman mag-away na kayo diyan" natatawang sabi ni Rodge

ay wow! Pumayag nga yung tatlo ngg Group Hug

 *Kriiiiiiiiingg!! Kriiiiinngg!!!*

Ganda ng timing nung bell.

Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon