♥♥♥17

17 0 0
                                    

 ○Raven's POV○

"Uy mga pre . Ano ba gagawin pag manliligaw?"

"Malay ko"

"Eto naman. Nagka-girlfriend ka na diba"

"Eh walang kaeffort-effort . Napasagot ko din lahat"

Nakailang girlfriend na nga lang itong si Christian eh mga easy to get pa.

Si Rica easy to get ba? . Hindi rin siguro,matagal ko na din siyang nakasama at matagal na din niyang alam na gusto ko siya pero wala.

Hindi naman kasi pwedeng sabihin ko agad sakanya na 'liligawan kita o pwede ba kita ligawan; dahil baka hindi din lang siya papayag. Lalo na at nanggaling sa heartbreak.Pero nakamove-on na siguro yun. Halos 2 weeks na din,tsaka masaya na soyang nakikipagtawanan at kung titignan mo siya eh parang wala na siyang problema.

Baka isipin din niyang pinagtri-tripan ko siya. Pero hindi eh. Gustong gusto ko talaga siya matagal na ,  ay mali. Mahal ko na siya. As in Mahal na Mahal .

"Hoy Rodge. Ikaw may masasabi ka ba?"

"Surprise"

Surprise?? 

"Parang wala lang sakanya mga ganun eh"

"Haranahin"

"Ganun nalang palagi. Wala ng iba?"

"Bigyan ng stuff toy at chcolates?"

"Wala ng iba pre"

"Magtatanong ka tapos ayaw mo din pal eh. "

"Masyado kasing common eh."

"Eh sa wala akong alam diyan eh."

 "Mga wala naman kwentang kausap to."

"Tumigil ka nga diyan . Gaguuu!"

"Kailangan talaga sabay kayo??"

"Hoy problema mo diyan Ben?"

Buti nalang at dumating si Rachelle.. Medyo mas matino kausap ito.

"Si Rica"

"Oh bakit?"

"Hindi ko alam manligaw ehh. Hahaha"

"Ayun! Sinisimulan na niya. Buti naman. Hahaha"

"Wag ka na tumawa diyan. Tulungan mo ako"

"Eh bakit ako tinatanong mo. Hindi yung dalawa diyan"

"Wala. Ikaw nalang"

"Wala akong alam diyan. Tsaka hindi ako lalake,pinapangarap ko lang . Pero dahil pinapangarap ko,i-try ko."

"Ito naman daming salita"

"Wag ka maarte! Ikaw na tinutulungan"

"Game na. Ano ba gusto ng mga babae"

"Dipende yan noh! Pero para saaken ay.. Yung Time,Effort at Sincerity ng isang lalake.

"Time,Effort at Sincerity?"

"Oo paulit-ulit. Importante ang mga yan,lahat lahat yan magkakasama na, pag may time ka sakanya,nararamdaman niyang special siya sayo at mahalaga,diyan mo makikita ang effort ng lalake para sa taong mahal niya at diyan mararamdaman ng babae na sincere ang lalake sakanya."

"Lahat ba ng babae ganyan?"

"Ewan ko lang . Pero mostly ganito ang mga hinahanap at gusto nila"

"Sure ka talaga diyan?"

"Oo."

"Ganun ba. Salamat ah."

"Sure. Welcome"

"Wag nalang.Baka naman i-reject niya lang ako"

"Ano ka ba. Diba gustong-gusto mo siya?"

"Oo. Mahal na nga eh"

"O naman pala."

"Pero--"

"Pero? Walang mangyayari kung hindi mo susubukan . Think positive lang . Kung nariject man at least alam mo hindi yung matagal kang maghihintay sa wala."

"Eh paano kung nariject nga ako"

"Imposible yan Raven. Ayusin mo lang pag approah sakanya. At isipin mo ang tao hindi nawawalan yan ng pag-asa lalo na kung pursigido ito .  Sige balik na ako sa court. GoodLuck Ben . Full support kami sainyo :)"

 Gustong gusto nila ako kay Rica. Pero si Rica kaya...

Nakaka-kaba,hindi ko alam ang gagawin at sasabihin . Pero sabi nga ni Rachelle think positive lang . Lahat tayo may second chance .

"Grabe nakakapago maglaro"

Dug.Dug.Dug

Nasa likod ko si Rica.

"Himala hindi kayo naglalaro ngayon ah. Free time pa man din."

"Sobrang init kaya. Maglalalaro nalang ako dito sa cellphone"

"Arte nito. Hindi ka naman na iitim dahil matagal ka ng maitim Christian! Hahaha. Ikaw Rodge?"

"Wala tinatamad ako."

"Ahhh. Ok . Ikaw Raven?"

Ayan na. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Huh? Ako?"

"Oo ikaw? Ba't parang kinakabahan ka yata."

"Huh? Eh.. Wala naman. Hehehe"

"Ahhh.. "

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Pakiramam ko umaagos na ang pawis kong sobrang lamig.

*Hoy Raven ang bagal mo! Kumilos ka na!*

Sandali lang naman. Kinakabahan ako eh.

*Bilisan mo habang hindi pa siya umaalis. Solong solo mo na siya!!!*

Oo na! Eto na.

"Rica"

"Bakit Raven?"

"May itatanong lang sana ako."

"Ano yun?"

"Pwede ba kitang liga----"

*Kriiiingg kriiiing!!!*

"Nakakainis naman. Tapos na yung free time."

Nakakainis itong kwentong ito! Lagi nalang wrong timing -.-

*Hoy wag ka magreklamo! Pasalamat ka nga ikaw bida!*

"Pasok na tayo. Mamaya nalang yung sasabihin mo ha"

"Huh?.. Sige "

Yun na yun eh. Sasabihin ko na pero may galit yata ang panahon sa akin at hindi ako sinabayan -.- .

Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon