♥♥♥21

13 0 0
                                    

○Third Person○

"Ang saya!! Balik pa tayo doon!" hinihila ni Dianne si Rodge sa damit. "Pahawak nga itong iba" inabot pa ni Dianne yung iba niyang hawak na stuff toy. Madami kasi silang napanalunan na stuff toy,at lahat ng naglaro ay si Rodge.

"Hoy sobra ka na Dianne,ang payat na nga lang ni Rodge hinihila-hila mo pa.Hahaha"

"Hindi ka pa ba kuntento diyan sa mga stuff toy na yan. Ang dami dami o"

"Buti nahawakan mo yang mga yan sa liit ng kamay mo.Hahaha"

"Napagod ka bang napanalunan lahat yan.Hahaha"

Yan ang mga sinabi ng mga kabarkada niya.

"Ay nako.You dont care na." tumigil nalang si Dianne sa pangngulit at inayos na ang mga hawak niyang stuff toy. 

"So guys? Next naman. Saan tayo ngayon?" tanong ni James.

Hinawakan naman bigla ni Christian yung tiyan niya "Ay nagugutom na ako" tumingin siya sa lahat at ngumiti.

"Ayuuuuuun. Sabi na nga ba. Takaw mo talaga.Hahaha" sabi ni Rachelle.

"He! Alam ko naman pati ikaw.Hahaha" pambawi ni Christian kay Rachelle

"Alam niyo na siguro kung ano pinapahiwatig ni Christian" sabi ni Raven na natatawa-tawa.

"So saan tayo kakain guys?" tanong ni James

"Ayuuuun!!!!" sabay sabay pa ang magkakaibigan,at makikita mo talaga sa mga mata nila na yun ang hinihintay nila. xD

"Kanya kanyang bayad" sabi ni James at nauna na siyang lumakad

Bigla naman natiglan at sumimangot ang magka-kaibigan sa sinabi ni James na para bang nadis-appoint sila. 

Lumingon si James sakanila at "Jokeeeeeeeee" sabay ng peace sign pa. "Diba sabi ko nga treat ko kayo" 

Bumalik na ang sigla ng magba-barkada at sumunod na din naglakad.

Sa paglalakad nila napatigil bigla si Rica sa isang maliit na shop. Nakatitig siya sa isang necklace na design ay bola ng basketball.

Napatigil naman si Raven sa paglalakad dahil napansin niyang parang wala si Rica sa tabi niya. Paglingon niya nakita niya si Rica na nakatigil sa isang shop at mukhang may tinitignan. Lumapit ito at tumingin siya sa tinitignan ni Rica.

"Gusto mo ba yan?"

Nagulat si Rica sa pagtanong ni Raven " Huh? A-eh.. Oo eh.Ang ganda kasi at cute siya tignan pag medyo malayo"

"Bakit hindi mo bilhin" nakatitig lang si Raven sa necklace habang tinanong niya ito.

"Gusto kong bilhin pero mahal kasi. Sayang naman yung 495.00. Pang-babayad ko nalang sa gagamitin na jersey para sa CPSAM (city private school athletic meet).Halika ka na,medyo malayo na sila"

Naglakad na si Rica pero si Raven ay naiwan siya sa may labas ng Shop. Tinignan niya ulit ang necklace at ang pangalan ng shop habang nakapamulsa, pagkatapos ay lumakad na din ito.

Dumiretso ang barkada sa isang Food Chain. 

○◘○◘○◘○◘○◘○◘○◘○◘○◘○◘○◘○

 Pagkatapos nilang kumain,mag-kwentuhan at nagbaliwan sa Mall ay nagpaalam na din silang umuwi dahil malapit na mag-gabi.

"Ang saya ngayon. Sa uulitin ulit ah. Pero dapat kumpleto ulit tayo." sabi ni Rachelle 

"Oo nga. Sa uulitin ulit. Salamat sa inyong lahat at nag-enjoy ako" sabi ni James

Nagpalitan sila ng thank you dahil sa masaya at nag-enjoy silang lahat ngayon

"Sabay sabay na tayo ah" 

"Uy kami mauna na,pagalitan pa ako"

"Ako din. Bye!"

"Sige sabay na din ako sainyo"

"Ikaw Raven? Hindi ka sasabay?"

"May pupuntahan lang ako. Sige mauna na kayo"

"Sige. Bye"

"SIge. Ingat kayo"

Pagkalabas nila ay nagtungo na si Raven sa Lovely Shop kung saan mabibili ang necklace na gusto ni Rica.

Nagmadali na siyang pumunta doon para makauwi na din siya agad dahil napagod siya ngayong araw na ito.

"495.00 po sir." sabi ng cashier at inabot ni Raven ang bayad.

Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon