♥♥♥22

14 0 0
                                    

°Third Person POV°

"Guys tambay naman tayo pagkatapos ng praktis"  pangunguna ni Rica habang nagpapahinga sila dahil napagod ang mga ito sakanilang praktis.

"Saan naman tayo tatambay?" tanong ni Christian na habang nakahiga sa damuhan at nakapatong ang ulo sa kanyang kamay .

"Sa bahay niyo nalang rica!!" sigaw ni Dianne na akala mo ang layo ng kausap .

"Oo nga. Miss na namin pumunta doon. Pati na din ang luto ni Kuya Ryan. Matagal-tagal na din eh" sabi ni Rachelle habang nagpupunas ng pawis.

"Hoy! May James ka na nga lang" sabi ni Dianne kay Rachelle . "Hindi pa ito nakuntento"

"Heh! Yung pagkain lang naman. Hindi katulad mo na pati yung tao. Hahahaha!" sabi ni Rachelle

"Mae Ann! Rachelle is bullying at me!" pagsusumbong nya kay Mae Ann habang nakapout pa ang labi (yuck! xD) pero hindi niya ito pinansin at itinulak pa kay Christian "Hmp! Diyan ka na nga kay Christian Tian Tian na malaki ang tyan!"

"Hoy tumahimik ka na nga diyan!" pagpapatigil ni Rachelle kay Dianne "Ano saan na tayo pupunta pagkatapos neto?" tanong ni Rachelle sa mga kaibigan .

"Sainyo nalang Raven" pagsu-suggest ni Mae Ann

"Oo nga Raven sa inyo nalang" sabi ni Rica habang hinihila hila ang damit ni Raven

Biglang nagliwanag ang pagmumukha ni Raven at napangiti ng kaonti " Ipapakilala na kita Rica? " lalo pang lumawak ang ngiti ni Raven .

Bigla namang natahimik si Rica,napangiti at namula ng kaonti ang mukha sa sinabi ni Raven .

"Ricaaaaa.. Aminin na kasiiii... yiiiee" tinutusok pa ni Dianne ang bewang ni Rica "Hahaha! . Shige naaaa .. yiieee. Haha"

"Yung??? Aaminin nga???" pagtatanggi ni Rica habang nagpipigil ng ngiti .

"Aray!"

Napatingin naman kaming lahat kay Raven at Rodge. Hinahaplos pa ni Raven ang ulo niya dahil binatukan ito ni Rodge.

"Niloloko mo ba kami? -,- " sabi ni Rodge kay Raven. "Nasa ibang bansa parents mo"

"Oo nga pala! Itong Raven talaga! Nadala kasi kami sa sinabi mo kay Rica" binatukan din ni Rachelle si Raven .

Nawala naman ang ngiti ni Rica at nanuod nalang ng mga ibang estudyanteng nagpra-praktis ng Badminton .

Tumahimik din bigla si Raven dahil may naalala ito na sinabi sakanya ng parents niya noon palang. Nakalimutan kasi nitong sabihin agad sakanyang mga kaibigan.

"Nga pala guys." napatingin ang magka-kaibigan kay Raven maliban kay Rica. Mahirap ibigkas ang mga salitang gusto niyang sabihin dahil baka magtampo ang kanyang kaibigan o kung anumang ikalulungkot nila at pati na din siya .

" Umm.. A-ano kasi.. Si-si Papa. Ahh-ano. Baka kunin na a-ako sa ibang.. bansa. " nilalaro lang ni Raven ang bola ng volleyball habang sinasabi ito. Ang mga kaibigan naman nito ay tahimik lang na nakatingin sa kanya .

Ilang minuto ang lumipas at tahimik lang ang magkakaibigan .

Bigla namang tumayo si Rica " Praktis na" napantingim sila kay rica " Tapos na sila magpahinga " sabay turo sa mga naglalaro na estudyante at dumiretso na din ito doon.

Pagkasabi na pagkasabi palang ni Rica ay nagsintayuan na din sila maliban kay Raven. Nakaupo pa rin ito na para bang ang lalim ng iniisip niya.

Nangyari nga ang iniisip ni Raven na magtatampo ang mga kaibigan nito sakanya .

.

.

.

.

.

Habang nagpra-practice si Raven ay hindi niya maiwasang mapatingin sa mga kaibigan niya. Para bang umiiwas ang mga ito sakanya.

Bigla namang nagka-bungguan si Raven at Christian. Sinubukan niyang kausapin ito pero inagaw agad ni Christian ang bola at tumakbo na papalapit sa ring ng basketball court para i-shoot ito . 

May gumulong namang bola sa harap nito at pinulo niya ito. Hinanap kung saan nanggaling.

"Amin na yan" sabi ni Rica at kinuha agad ang bola kay Raven at aalis na sana ito pero hinawakan ni Raven ang kamay nito "Bitaw! Hinihintay na nila yung bola" pinipilit na alisin ni Rica ang pagkakahawak sakanya pero lalo lang hinigpitan ni Raven .

"Uy.. uy sorry.." hawak hawak pa din ni Raven ang kamay ni Rica.

"Sa-saan?" pagkukunwari ni Rica kahit alam naman niya ang tinutukoy ni Raven sakanya.

"Hindi ko sinabi agad sainyo yung tungkol sa pagpunta ko ng ibang bansa"

Nakitingin lang ito sa isat'isa.

"Rica! Halika ka na dito. Yang bola!" tinatawag na siya ng kanyang kasama.

.

.

.

Pagkatapos ng praktis nila ay nagsiuwian na ang mga ito agad. Hindi na sila tumuloy sa plano nila kanina.

Gusto sanang huwag munang umuwi ni Rachelle at sabihin sa mga kaibigan niya pero napansin niyang pagod na pagod ang mga ito at parang wala sila sa mood kaya hinayaan nalang niya. Si Raven naman ay kasulukuyang naghihintay na ng masasakyan at nakatingin ito  patungo sa daan kung saan pauwi ang mga kaibigan niyang babae

Pinagpasyahan nalang ni Raven na bukas nalang niya kausapin ang kaibigan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon