○Raven's POV○
"Kamusta? Kayo na ba?"
"Hindi."
"Ni-reject ka?"
"Hindi rin"
"Eh ano?"
"Hindi ko nasabi. Biglang kasing nag ring yung bell . Tapos sabi niya mamaya nalang daw pero maaga naman siya sinundo ng service niya"
"Ganun ba.Hayaan mo. May second chance pa."
Itong Rachelle na ito parang walang problema sa buhay. Yung lahat nalang 'sige.go' . Sana ganun din ako,kahit madami akong nadaanang hirap ay lalo akong nagiging matatag.
Haiist. Sana yung second chance na yun ay pumayag siya. At sana wala ng istorbo.
"Uy pre. Practice daw pala kayo mamaya sabi ni Christian"
"Ganun ba? Kayo?"
"Oo pero sabay yung volleyball eh . Baka si Rica lang pupunta.Pakibantayan nalang"
"Siyempre naman. Ako pa"
♥•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•▬•♥
"Kausapin nga kita Raven"
"Sige po Sir"
"Dahil natanggal si Josh sa team. Ikaw na ang papalit na Captain Ball. Ok?"
"Opo Sir."
"Hiling ko lang na sana galingan niyo ngayon dahil nawalan kayo ng isa."
"Opo."
"Sige ipagpatuloy niyo na practice niyo.."
"Sige po coach"
Natanggal pala si Josh sa team dahil halos bumagsak lahat ng grado niya noong 2nd Grading at nalaman ng principal namin na kung sino-sinong babae ang pinupunta niya sa gilid ng gymnasium para makipag-halikan. Nung nalaman ng Mommy niya yung pangyayari, ay sinabi kay Papa at pinagalitan silang mag ina , nasabi ko na din kay Papa yung mga ginagawa sa akin ni Josh at dahil doon ay hindi na kinukuha ni Josh ang mga pag mamay-ari ko at hindi na niya ako pinapansin masyado.
"Guys seryosohin na natin ang practice dahil malapit na yung pinakahihintay nating Basketball Tournament"
"Yes naman! Pero sana mag-break din tayo. Kanina pa tayo nagpra-practice ehh. Hahaha"
"Oo nga naman pre.Pagod na pagod na ako"
"Sige na. Break na"
Nakakapagod nga talaga. Hindi ko man lang namalayan yung oras.
"Guys dito daw magpra-practice yung Basketball Girls. Nasira daw kasi yung ring sa kabilang court."
"Talaga? Kailan sila magpra-practice?"
"Oo. Ngayon na daw. Kaya maaga daw tayo makakauwi ngayon."
"Ganun ba?"
Yun oh! Dito sila magpra-practice. Mamaya nalang ako uuwi at papanuorin ko pa ang pinakamamahal kong bhabesss.
"Tol!"
"Oh bakit?"
"Yun ba yung kinukwento mo sa aming Rica?"
"Oo bakit?"
"Ito naman puro nalang bakit."
"Bakit nga"
"Ang ganda pala talaga niya tol."
"Tapos?"
"Makalapit nga at magpapakilala ako."
"Subukan mo siyang agawin sa akin"
"Bakit tol? Kayo na ba"
"Huh?.. Hi-hindi"
"Naman pala. Kaya wala kang karapatang pigilan ako dahil hindi naman kayo. Kung ayaw mo kasing agawin yung taong gusto mo wag kang panagal-bagal"
'Oo na! Hindi kami pero magiging kami din soon. Tsaka hindi ako mabagal,marami lang panira! Isa ka pang eepal!' Kung pwede lang isigaw ang mga katagang ito.
○Rica's POV○
"Halina kayo guys. Punta na tayo sa kabilang court"
"Nakakainish naman eh. Ayoko dun mag-practice"
"Hirap mag-shoot dun"
"Kaya nga eh. Tapos pagtatawanan ka ng mga lalake doon pag hindi ka nakaka-shoot."
"Wag na kayong mag-reklamo guys. Ang mahalaga may pag-practisan tayo."
Lumipat kami sa kabilang court kung saan nagpra-practice ang Basketball boys,nasira kasi yung ring namin sa court kaya pinalipat kami ni coach.
"Hi Rica"
Nakaka-gulat naman itong lalakeng ito. Bigla nalang susulpot.
"H-Hi din "
"Mairo nga pala. Teamate ni Raven at Christian yung mga kaibigan mo diba?"
"Ahh oo."
"Ang tipid mo naman magsalita"
Siya na nga lang biglang susulpot at ang feeling close pa tapos siya pa itong magrereklamo.
"Excusme.Kung gusto mo ng maraming sinasabi kausapin mo nalang yung kaklase mong madaldal. Ok ba?"
"Wow masungit. Gusto ko yan."
"Kung pwede umalis ka na diyan sa harap ko."
"Eh kung ayaw ko"
Akala mo naman kung sinong kagwapuhan. Mga lalake nga naman talaga oh.
"Ayaw mo?"
*boogsh* (Wala akong alam na sound effect.. Hahahaha xD)
"Aray!"
"Ikaw lalake ka. Wag na wag mo na akong lalapitan kung ayaw mong hindi lang ganyan ang mangyari sayo! Kung maka-asta ka diyan akala mo kagwapuhan ka. Mukha ka namang barbecue stick na ewan!"
Kung tatanungin niyo kung ano ginawa ko.. Sinuntok ko lang naman pagmumukha niya,yung as in sa gitna. Kaya dumugo yung ilong niya. Pero aaminin ko.. masakit yung kamay ko. xD
"Ayos ka lang Rica bhabesss?"
"Masakit lang konti" pabulong kong sabi kay Raven.
"Pagsabihan mo nga yang babaeng yan tol. Grabe ang sakit ng ilong ko." sani ni Mr.Barbecue Stick
"Sige magsalita ka pa! Dadaggan ko yan." syempre tianakot ko lang . Wahahahaha >:D
"Bwisit naman oh. Dumugo pa."
Ayun! Buti nalang nag-walk out.
"Astig mo doon ah."
"Syempre naman. Ako pa. Haha"
"Kaya lalo akong naiinlove sayo eh."
Napangiti ako bigla pero hindi ko ito pianahalata
"Huh? May sinasabi ka?"
Nagkunwari lang naman akong walang narinig :D
"Ahh. Wala.. Sabi ko mag-practice na kayo."
"Lalo daw naiinlove." pabulong kong sabi pero yung siguradong maririnig niya
Napatingin siya akin bigla pero inalis din niya ito agad. Pagtingin ko sakanya nakangiti siya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko alam. Basta ewan ko ba. Bigla-bigla ko nalang ito nararamdaman kay Raven simula noong pagkatapos ng Sport Fest.

BINABASA MO ANG
Love Shot
Teen FictionTungkol sa isang lalake na matagal ng in love sakanyang matalik na kaibigan :)) A Story about Friendship and Love