Pagpapatuloy ♥♥♥19
○Third Person POV○
Lumapit si Dianne sa isang toy crane. Kuminang bigla ang mata niya. Dahil may nakita siyang isang stuff toy na aso. Sobrang cute kasi nito at kahit sino ay kikinang ang mata dito dahil sa sobrang cute.
"Gusto mo yan?"
Nagulat bigla si Dianne dahil hindi niya napansin na nasa gilid pala niya si Rodge
"Oo. Ang cute niya" sabay hawak ni dianne sa salamin
"Edi maglaro ka para kunin mo." sabi ni Rodge na nakapamulsa
"Eh hindi ako marunong eh."
"Tsk. Ang dali lang. Amin na nga yang card"
"Oh!" ibinigay niya kay rodge yung powercard "Yabang nito kala mo kung sin---Waaaaaa!!!. Ang cute cute talaga" Nagtatalon pa si Dianne dahil sa sobrang saya,hindi niya kasi akalain na makukuha nito ni Rodge
"Hoy. Ang ingay mo. Nagtitinginan na sila dito oh" sabay ni Rodge pinipigilan ang tawa
"Sorry naman daw. Masaya lang eh."
"Wala man lang 'Thank You'" pagpapa-rinig ni Rodge
Bigla natigilan si Dianne at namula ang mukha dahil sa hiya "Thank you"
♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥
Sila Rachelle naman at James ang magkasama. Papunta sila doon sa may baril-barilan (Sorry.Hindi ko pa alam tawag doon xD).
Inagaw naman bigla ni Rachelle yung card kay James sa sobrang excited nito.
"Marunong ka maglaro niyan?" gulat na tanong ni James
"Oo naman no! Bang!Bang!Bang!" feel na feel naman ni Rachelle maglaro. Yung talagang umiilad siya baka tamaan. "Samahan mo kaya ako dito. Bigla silang dumami oh"
Nakatayo lang kasi si James sa gilid dahil nag-eenjoy siyang pinapanuod si Rachelle sa paglalaro
"Wait lang .Aa-aaaray ..." sabi ni James sabay hawak sa dibdib niya.
"Ano nangyari sayo?,May sakit ka ba sa puso" biglang nag-panic si Rachelle dahil hindi niya alam ang gagawin niya.
"Tinamaan ako"
"Huh? Natamaan?" nagtatakang tanong ni Rachelle dahil hindi niya mainitindihan
"Oo. Natamaan ako sayo" sabi ni James sabay kindat. "Aray. Lakas ng palo mo"
"Akala ko kung ano na nangyari sayo. Hindi ko pa alam ang gagawin ko tapos nagjo-joke ka lang pala" naiinis na sabi ni Rachelle habang nakapameywang siyang nakaharap sa nilalaro niya "At higit sa lahat patay na yung nilalaro ko." mangiyak-ngiyak na sabi nito sabay hawak sa baril.
"Uy Sorry. Hindi ko na u---ah" biglang yumuko at napahawak si James sa dibdib niya " aray!a-ang sa-sakit"
"Hay nako.Wag mo nga akong lokohin"
Bigla nalang napaluhod si James at nakahawak pa din sa dibdib niya.
"Malilintikan ka talaga saken.Itigil mo yan"
Hirap pa rin tumitigil si James
"Hoy. Pag ikaw talaga" lumapit na si Rachelle at inalalayan si James sa pag tayo "May sakit ka ba sa puso?"
"Hindi ko alam.Pero magmula noong nakita kita lagi mo nalang pinapasikip ang dibdib ko" sabi ni James sabay ngiti ng sobrang lawak.
"Korni mo" inalalayan na niyang tumayo si James "Hindi na yan magagamot"
Hinila na niya si James papunta sa ibang arcade at habang naglalakad ay parehas silang ngiting-ngiti.
♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥◘♥
Dahil no choice si Mae Ann at Christian dahil sila lang ang walang kasama.. siyempre sila na ang magkasama (Tutal sila na nga lang walang kasama eh -.- . Hahaha xD)
"Mag car race tayo" sabi ni Christian kay Mae Ann at hinila niya ito
Tahimik lang nakatingin lang si Mae Ann sa kamay niyang haak-hawak ni Christian. Nagtataka si Mae Ann dahil parang may iba siyang naramdaman sa paghawak nito sakanya at hindi nito pansin na nakasmile pala siya .
Bigla naman lumingon si Christian at napansin niyang nakasmile si Mae Ann habang nakatingin sa kamay nilang dalawa dahil dito napangiti din si Christian.
"Diyan ka nalang sa kaliwa. Tapos ako dito sa kanan" sabi ni Christian at umupo na habang nakangiti. "Oh ito card"
"Hindi na"
"Bakit? Ayaw mo nito?" tanong ni Christian
"Hindi,Gusto ko nga eh" ngumiti si Mae Ann pero bigla ding lumungkot "Pero hindi ako marunong"
"Ah ganun ba. Sige turuan muna kita" tumayo muna si Christian para turuan si Mae Ann " Hawakan yung manubela" kinuha ni Christian ang 2 kamay ni Mae Ann at pinatong ito sa manubela.
Bigla nanaman naramdaman ni Mae Ann ang naramdaman niya kanina noong hinawakan ito ni Christian.
"Tapos kung kung pakanan yung daan,ipaikot mo lang itong manubela ng kanan. Kung kaliwa siyempre sa kaliwa at kung gusto mo bilisan apakan mo yung nasa kaliwa diyan sa may paanan mo. Ok na?" tanong ni Christian sabay lingon kay Mae Ann,bigla naman napangiti si Christian dahil nahuli niya itong nakatingin sakanya.
Nagulat naman bigla si Mae Ann dahil nakatitig lang ito sa likod niya at biglang tumingin sa arcade na paglalaruan nila. "Ah!Oo!Game na?" ngumiti ito habang nakatingin sa screen.
"Muntik na akong natunaw doon ah" pang aasar ni Christian kay Mae Ann
"Huh?" nagulat ito dahil baka nahuli niya itong nakatingin. "Saan?"
"Wala" sabi niya habang naglalaro. "Sana ganito nalang tayo parati."
"Huh? Bakit?"
"Para laging masaya."
"Lagi naman tayo masaya pag magka-kasama"
"Sabagay. Pero iba ang nararamdaman kong saya ngayon na tayo lang magkasama." nakangiting sabi ni Christian habang naglalaro.
Napangiti naman si Mae Ann sa sinabi ni Christian at medyo namula ang kanyang mga pisngi.
"Sana ngayong magkasama tayo ay nakalimutan mo siya" napalitan naman ang nakangiting mukha ni Christian ng seryoso
Nagtataka si Mae Ann kung sino ang tinutukoy ni Christian pero hindi na niya ito pinansin at inabalang tanungin kay Christian
Basta ang alam nila ay masaya silang magkasamang silang dalawa lang.

BINABASA MO ANG
Love Shot
Teen FictionTungkol sa isang lalake na matagal ng in love sakanyang matalik na kaibigan :)) A Story about Friendship and Love