♥♥♥12

20 0 0
                                    

 Galit talaga sila saken,tri-ny ko silang kausapin nung pagkatapos ng Sport's Fest pero lagi nalang nila akong iniiwasan. Never pa kasi silang nagalit na talagang iniiwasan at di nila ako pinapansin.

Kaya eto si Joshua palagi ang kasama ko. Masaya  naman kahit di ko sila kinakausap kasi nandiyan naman si Joshua,minsan nga nagpapang-gap siyang bakla para patawanin ako at makalimutan yung problema ko sa mga bestfriend ko. Sa mga ginagawa ni Joshua saken lalo kong nararamdaman na mahal talaga niya ako.Kaya tama lang yung desisyon ko na ligawan niya ako. :)

Papunta kami  ngayon ni Johshua sa Basketball Court para sa training,samahan niya daw ako,ihahatid kasi niya ako pagkatapos.. Walang traning ng volleyball pero di ko alam kung makiki-praktis sila. Bigla nalang kasi sila nawala pagkatapos ng klase.

"Asan yung mga kasama mo?" tanong saken ni Coach

"Di ko po alam coach"

"Di ba mga kaibigan mo yun?"

"Opo--ay hindi--ewan ko saka---"

"Tawagin mo nalang,pag di sila pumunta malilintikan sla saken"

"Po? . Sige po"

Tawagan ko nalang sila keysa naman hanapin ko pa mapagod lang ako ang lawak nitong school ehh. 

 Kinakabahan akong tumawag,pero ayis na ito keysa naman sa personal baka iwasan din nila ako.

Ayan at tatawagan ko na sila,sino nga ba tatawagan ko??.. ay si Mae An nalang siya kasi yung medyo mabait pa konti kapag galit.

Awww.. ang tagal nilang sagutin. Baka nagtuturuan pa sila.

[Hello?] si Raven yung sumagot boses palang niya.

Kumpleto ata sila ngayon ahh. Nakakinggit naman  . Ni isa sa mga bestfriend ko walang sumagot  :((

"Ba't ikaw yung sumagot"

[Ano kasi--- Raven!   ahh wala lang trip ko lang agawin yung cellphone ni Mae An. Tanungin mo kung ano kailangan. ] nakakaloka talaga mga ito. Naririnig ko kayo noh!! hahahaha Nakakamiss talaga kahit ilang days palang :(

"Practice kasi ng Basketball,pumunta kayo. Malilintikan daw kayo kay Coach."

[Ahh sige daw---  magba-bye ka na dali.. Bye nga pala]

Then pinatay na niya yung call.

After 5 minutes nandito na din sila kasama yung tatlong boys. 

"Bakit kayo late?"

"May pinuntahan lang po coach" sagot ni Rachelle

"Di porke may volleyball kayo at pinilit ko kayong sumali eh ganyan na ginagawa niyo. Magagaling kayo at makakatulong kayo sa school naten."

"Sorry po" saba-sabay nilang sagot

"Rica! Halika ka dito"

Lumapit ako kay Coach. Nagpapahinga kami ng mga ibang kasama ko,nauna na kasi kami mag-jog at nag-stretching.

"Dahil late sila at bilang capt.--" di ko na tinuloy yung sinabi ni sir

"Sir kayo nalang po magparusa . "

Ayaw ko silang bigyan ng parusa. Pag late kasi bibigyan ko ng parusa. Pero kapag late ako si coach ang nagpaparusa. Pero kaming apat parati ang late kaya pare-parehas kaming napaparusahan pero ngayon ayaw ko silang parusahan dahil gusto ko pare-parehas kami.

"Sige . 15 rounds nalang na jogging"

"Sir naman. Ang daya." Sabi ni Mae An

"Rica! Ikaw na kasi" sabi saken ni Coach

"Hindi na sir. Ayos na.. Dali jogging na!!"  sabi naman ni Rachelle.

Pagkatapos nilang mag-jog at stretching nagsimula na kami sa training. Nanunuod lang sila Dianne at yung tatlong boys ng training namin. Minsan nga iche-icheer ako ni Raven pero binabatukan lang siya ni Dianne. Si joshua naman nginingitian niya ako pag nagkakatinginan kami.

 ○Raven's POV○

Pagkatapos ng klase tinawag ako nila Rachelle,tambay daw kami dun sa sobrang malayo.

"Bakit tayong anim lang? Si rica di niyo isasama?"

"Halika ka nalang kasi."

Nagtataka ako sa tatlong ito kung bakit kaninang klase di nila pinapansin si Rica. Pag tatanungin ko naman iniiba nila yung topic . Nung pagkatapos ng laro nila nung Sport's Fest galit na galit yung mukha nila nung dumating sila at di nila kasama si Rica.

"San tayo pupunta?"

"Tambay nga tayo sa sobrang malayo"

"May practice kayo ng basketball no?!" tanong ni Christian

"Wala" sagot ni Mae An

"Meron kaya" sabi ni Dianne

"Heh! Tumahimik ka nga!" suway ni Rachelle

Nag-belat lang si Dianne.

"Hoy! Kayong tatlong babae!" sigaw ko sakanila. Pasencia kung bastos hahaah. Ganyan talaga ako. xD

"Ano?!" sabay sabay pa sila.

"Umamin nga kayo! Ba't di niyo pinapansin si Rica kanina?" 

"Hah? Ano kasi---"

*Kriiinnngg Kriiiiiiinggg*

"Tumatawag si Rica" sabi ni Mae An

"Hayaan mo lang" sabi ni Rachelle

"Decline mo" sabi naman ni Dianne

"Hoy ang sama niyo!!" sabi ni Christian

"Ayokong ako sumagot" sabi ni Mae An

"Ikaw nalang Raven ang sumagot" sabi saken ni Rachelle

"Hello?"

"I-loud speaker mo!" sabi ni Dianne. Pinindot ko yung Loud Speaker

[bakit ikaw yung sumagot?]

 "Ano kasi--"

"Raven!" sigaw ni Rachelle "Ay naka-loud speaker pala." bulong niya

"ahh wala lang trip ko lang agawin yung cellphone ni Mae An"

"Tanungin mo kung ano kailangan niya" sabi ni Mae An

 "Ano daw kailangan mo?"

[Practice kasi ng Basketball,pumunta kayo. Malilintikan daw kayo kay Coach.]

"Ahh sige daw--"

"Magba-bye ka na dali" sbai ni Dianne

"Bye nga pala"

Pinatay ko na yung call.

"Narinig niya kayo hahahaha" sabi ko sakanila

"Heh! Punta na nga tayo. Pagalitan pa kami ni Coach ehh" 

"Yan kasi tumatakas." pang-aasar ni Christian

"Tumahimik ka nga diyan Christian!" sigaw ni Rachelle

Pagdating namin sa Basketball Court dumiresto na yung tatlo kay at yun sinermonan sila.. Hahahaha. Andito lang kami sa gilid pinapanuod sila.

Itong Dianne naman na ito binatukan ako pag iche-cheer ko si Rica. Problema nito. Samantalang dati halos sigawan pa ako para lang mag-cheer.

Itong Joshua naman na ito ngiting ngiti pag tumitingin si Rica sakanya. Pero patago namang may katxt at ang lawak ng ngiti.

Tumingin pa saken at ngumisi . g*go talaga itong lalakeng ito. Pasalamat siya di pa dumadating si Papa at nakikitira palang ako sakanila. 

Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon