○Third Person POV○
"Announcement. Dahil nalalapit na ang Private School Athletic Meet. Itong buong week na ito ay inyong gagamitin para mag-practice"
Sobrang saya ng mga estudyante dahil sa announcement na ito,lalong-lalo na ang magbabarkada dahil mahilig sila maglaro.
"At dahil itong week na ito ay practice niyo,siyempre walang klase. Dahil gusto namin kayo suportahan sa iba niyong talento . Kaya enjoyin niyo na itong week na ito students. Thast all. Thank You."
Nag-ingayan na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga room.
Merong mga masaya dahil gustong-gusto nila mag-practice at maglaro. Merong masayadahil makakapag-absent sila . Merong masaya dahil tinatamad mag-aral. Meron masaya dahil lagi na nilang masisilayan ang crush nila. at siyempre meron ding malungkot. Yun ay yung mga nerd at geek kung tatawagin,yung mga mahilig mag-aral na walang sports.
"Ang saya saya!! Isang week tayong hindi magkla-klase. At isang week tayong magpra-practice at maglalaro!!" sabi ni Rachelle na sobrang saya at tumatalon-talon pa.
"Ano pa ba hinihintay natin guys? Magpalit na tayo!!!" sabi ni Dianne na sobrang excited.
Pagkatapos nila magpalit at mga ibang estudyante ay dumiretso na sila sa mga kani-kanilang trainor at court.
Si Rica naman ay pinipilit si Rachelle at Mae Ann mag-practice ng basketball,pero itong dalawa ay mas gusto kasi nila ang volleyball. Napag-tripan lang naman kasi nilang dalawa na mag-try out sa Basketball pero hindi nila inaasahan na makukuha sila dahil halos nagtatawanan lang naman sila sa court noong try out nila kaya nagsisi sila na kung bakit pa sila nag-try out. Kaya ang ginawa nila ay sa bawat practice nila ay ine-enjoy nalang nila.
Kaya walang ng nagawa si Rica. Kaya pumunta na siiya sa kasamahan niya para mag-practice. Tutal nandoon naman sila Raven at Christian kaya may kasama siya.
"Hard training tayo ngayon" sabi ni Rachelle sa mga kasamahan niya.
"Hindi ba pwedeng bukas. Ang sakit pa din ng katawan ko." reklamo ng isa nilang kasamahan
"Maaga naman daw tayo matatapos kaya ayos lang yan."sabi ni Mae Ann
Sa kabilang banda.
Magkasama pa din sa isang court ang Boys at Girls . Sa kabilang ring ang girls at sa kabila naman ang boys.
Hindi pa nagsisimulang mag-practice ang Basketball boys dahil hinihintay pa nila ang mga iba nilang kasamahan pero ang mga babae ay nagsisimula na.
"Wala sila Mae Ann?" tanong ni Christian kay Raven.
"Nasa Volleball court yun. Alam mo namang mas gusto niya mag-laro nun."
"Punta tayo doon. Hindi pa naman nagsisimula."
"Mag-isa mo nalang. Papanuorin ko bhabesss ko. Pasam ka nalang kay Rodge"
"Lakas talaga ng tama nito"
"Parang hinid naman ikaw.tsk"
"Hindi na nga lang ako aalis. Makikita ko pa naman siya mamaya."
♥_____________________________________♥
Pagkatapos ng practice ng estudyante ngayon ay nagsiuwian na ang iba at ilan naman sakanila ay hindi pa umuuwi. Bigla kasing nag-announce ang principal na half-day lang sila ngayon dahil baka sobra silang mapagod.
Tulad ng ibang estudyante ay hindi pa umuuwi ang magba-barkada.
"Ayoko pa umuwi" sabi ni Raven
"Ako din. Tinatamad akong umuwi sa bahay ngayon" pagsang-ayon ni Rachelle kay Raven.
"Gala tayo?" sabi ni Mae Ann
"Agad? Agad? Ano bayan wala pa naman akong dala"
"Ehem..Ehem.."
"Kuya James?"
Bigla bigla nalang kasi ng sumulpot si James habang nag-uusap sila.
"Bakit ka nandito kuya?" tanong ni Rica sa kapatid
"Oo nga bayaw bakit ka andito bayaw?" sabi ni Raven na sobrang lawak ang ngiti sa kapatid nito
"Makapag-bayaw lang oh. As in diniin talaga" pagpaparinig ni Dianne kay Raven
"He! Tumahimik ka nga diyan!" sabi ni Raven kay Dianne at nagtawanan silang lahat maliban kay Rica na pinipigilan lang ang ngiti. Si Rachelle naman at James ay nag-ngitian
"Kuya sagutin mo na tanong ko." iritang sabi ni Rica. Ayaw na ayaw kasi niyang magkita sila ng kapatid niya sa school dahil baka asarin lang nito.
"Eh walang akong kasama ehh" nahihiyang sabi ni James "Sama ako sainyo?" sabi niya na may kasamang ngiti.
"Ay ang saya neto! Sige isama namin kuya mo" sabi ni Dianne na para bang nae-excite "Guys ayos lang ba sainyo?"
"Oo naman. Kahit sino welcome sa atin" sabi ni Rachelle na ngiting-ngiti . At yung iba naman ay sumang-ayon din.
"Dahil winelcome niyo ako.. Itre-treat ko kayo." sabi ni James.
Silang magba-barkada naman at biglang sumaya.
"Ano pang hinihintay natin guys? Tara na!!!" sabi ni Dianne na sobrang excited.
Pumunta sila sa mall malapit sa school nila.
Dumiretso agad ang barkada sa Timezone . Pagkapasok na pagkapasok palang nila ay nagsibilihan na sila ng powercard at naglaro na agad agad.
Si Raven at Rica ay pumunta sa Basketball.
Nag-start na at kumuha na si Rica ng Bola. Kumuha din si Raven
"Hep! hep! hep!" pagpigil nito kay Raven
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Raven
"Ako lang maglalaro." sabi ni Rica sabay belat at nag-shoot ng bola
"Ay. Ito naman. Sige na nga lang" gusto man ni Raven sumali pero hinayaan nalang niya
"Wag kang mag-alala. Sayo naman mga shoot ko" sabi niya sabay shoot ng bola
"Talaga?" kinilig si Raven sa sinabi ni Rica .
Habang naglalaro si Rica ay pinapanuod lang siya ni Raven
"Hindi ka naman nakakashoot" reklamo ni Raven.
"Hmp. Hayaan mo labs naman kita."

BINABASA MO ANG
Love Shot
Teen FictionTungkol sa isang lalake na matagal ng in love sakanyang matalik na kaibigan :)) A Story about Friendship and Love