Chap.o17

144 6 0
                                    

Chap.o17

“Ang tagal mo, Cyrene!!” I yelled over the phone.

Kanina pa kasi ako dito sa bar at hanggang ngayon, wala pa ang babaeng yun. It’s been two hours at sumasakit na ang pwet ko kahihintay!

[Chill Jen. Malapit na ako, promise.]

“Tse! Late ka pa din,” Bwelta ko.

[I know. To make it up to you, treat ko na ang gastos ngayong gabi. So bati na tayo?]

“Fine! Pasalamat ka at gipit ako.”

Umiiling na ibinababa ko na ang tawag. Tsk tsk. Si Cyrene talaga.

Umorder na lang ako ulit ng margarita tutal ay libre naman ni Cyrene ito. Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon imbes na nasa bahay. Ayokong umuwi dahil makikita ko si Tomas sa apartment ko. Kaya nga simula nung kahapon, dito na sa bar ang diretso ko pagkatapos ng lahat ng klase ko. Natakot ako sa naging banta ni Tomas na...

“Nandito ka lang pala.” Naputol ang pagmumuni ko nang may magsalita sa likod ko.

Hindi ko man ito tignan, panigurado akong si Cyrene ‘to. Tama nga ang sinabi nitong malapit na ito kanina dahil makalipas ang ilang minuto pagkatapos ko ibaba ang tawag, nandito na ito.

Naramdaman ko na ang pag-upo nito sa katabi kong stool at dun ko na ito nilingon. Gaya kagabi, ang sexy na naman ng suot nito. It was a halter style red dress and she looked gorgeous in that outfit. Naka-dress din naman ako pero hindi gaya kay Cyrene na sexy. Oo nga’t spaghetti strap ang dress ko at least walang nakikitang cleavage.

“Ang sexy ko noh?” Wika ni Cyrene pagkatapos. “Natameme ka sa ka-sexy-han ko.”

“Shunga! Hindi noh. Iniisip ko lang na baka may balak ka namang magka-boyfriend ngayon.”

“Pa’no mo nalaman?” Manghang tanong naman nito saka ito uminom ng inorder nitong tequila kanina nang dumating ito.

“Kilala kita. Sobra kitang kilalam” Wika ko. “Pero iba na ang kilala kong Cyrene ngayon eh. Iba na sya sa Cyrene na nakilala ko sa probinsya,” Pagpapatuloy ko.

Alam kong ‘di ko dapat sabihin ito pero nag-aalala na ako sa kaibigan kong ito. Ibang-iba na sya sa dating Cyrene na alam ko.

“Kasalanan to ng gagong yun eh.”

Naramdaman ko ang pagkabasag ng boses ni Cyrene nang magsalita ito. At nang tignan ko ito, nakita ko pa ang pasimpleng pagpunas nito ng mukha. Luha yun sa tingin ko.

“Paano mo naman makakalimutan ang lalakeng yun kung araw-araw iniisip mo na sana makalimutan mo na sya?”

Natigilan si Cyrene sa sinabi ko at pasimple na itong nag-excuse para pumunta sa restroom. Sinundan ko na lamang ito ng tingin at ‘di man sabihin ng babaeng yun ang nasa loob nito, alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa din ito. Hay buhay. Sana makahanap na ang babaeng yun ng lalakeng tunay na magmamahal sa kanya. At ako din sana.

Hinintay ko si Cyrene hanggang sa makabalik ito. Nagyaya na itong umuwi pero nagpa-iwan muna ako. Ayoko namang madatnan si Tomas sa apartment ko at baka ano pa ang gawin nito sa akin. Kung bakit naman kasi ang dali kong madala sa lalakeng yun?

Simpleng pagtitig lang nito, nadadala na ako sa tukso hanggang sa mamalayan ko na lang na naghahalikan na kami. At hindi lang simpleng halikan ang nangyayari, nagagawa ko panggawin ang mga bagay na hindi dapat gawin.

Ang dami kong prinsipyo na nabuwag dahil sa lalakeng yun. Isa na dun ang hindi ko pagpabor sa premarital sex. Naniniwala akong kasal muna bago sex pero dahil sa higanteng yun, nasira ko ang pananaw na yun.

Isa pa sa mga nasira kong pananaw ay ang pagiging birhen hanggang sa kasal. Gaya ng nauna, saka ko lang dapat ibibigay ang sarili ko sa lalakeng pakakasalan ko sa gabi ng kasal namin. At gaya ng nauna, hindi ko ‘to napanindigan. Dahil ito sa higanteng Tomas na yun.

Uminom nang uminom na lang ako dahil sa matinding frustration. Nakakasira talaga ng buhay ang higanteng yun. Kung bakit ba kasi dumating yun sa buhay ko? Shit, ang malas ko!

Hindi ko na namalayan ang oras at kung gaano kadami ang nainom ko. Saka ko lang napagtanto na lasing na pala ako nang tumayo ako mula sa pagkakaupo sa stool at hindi ko nabalanse ang katawan ko.

Kasabay ng paghawak ko sa counter para kumuha ng suporta ay ang pag-ikot din ng paningin ko. Wala akong makitang klaro at hindi ko na din pa kayang tumayo ng tuwid.

Pero ‘di ako nawalan ng pag-asa at alam kong kaya ko pang umuwi kaya sinubukan kong maglakad. Nakakailang hakbang lang ako mula sa bar counter, natumba na ako. Pero ‘di ako tuluyang natumba sa sahig dahil naramdaman ko ang pagsalo ng isang taong ‘di ko kilala sa akin.

Naramdaman ko na lang na pumulupot ang isang kamay nito sa beywang ko habang hawak naman ng isang kamay nito ang bag ko. Nagpatinaod na ako sa lalakeng ito hanggang sa maramdaman ko ang ihip ng hangin na nangangahulugang nakalabas na kami sa loob ng bar.

Pinilit kong tinignan ang mukha ng lalakeng may hawak sa akin at dahil sa tangkad nito, kinailangan ko pang itaas ang tingin ko.

“Si...sino kah ba hah?” Tanong ko nang hindi ko nakita ng klaro ang mukha nito dahil sa matinding kalasingan.

“You’re really drunk, huh. Iuuwi na kita.” Naramdaman ko ang pagtawa nito nang magsalita ito pero hindi ko na lang ito pinansin dahil siguro nga, nakakatawa na ang estado ko ngayon.

Inalalayan ako ulit ng estrangerong ito hanggang sa maramdaman ko na ipasok ako nito sa isang kotse. Naramdaman ko pa ang paglalagay nito ng seatbelt sa katawan ko at wala na akong nagawa at nagpadala na lang ako sa mga nangyayari. Hindi naman siguro masamang tao ito.

“Hoy lahlakeh, kihlalah ba kihta?” Nagawa kong itanong ulit dito sa estranghero nang makapasok ito sa sasakyan.

Gaya kanina, tumawa ito. Tinatawanan nya ako!

“You’re cute, Jen. Ang cute mong malasing.”

“Bihngi kah ba hah? Tinah-tahnong koh ang pangahlan mo at hindih koh... Hindih koh hinih-hingih ang hopinyon moh kung cute akoh.”

Pinagduduro ko na nga ito, nagawa pa nitong tumawa. Sinabi ko pa ngang bingi ito, tumawa pa din ito. Hay, adik siguro ito ngayon.

Pumikit na ako at ‘di na lang pinansin ang adik na nasa tabi ko. Mas sasakit ang ulo kapag kinausap ko pa ito. Imbes kasi na makakuha ako ng impormasyon, tawa lang ito ng tawa. Baka ito ang lasing at hindi ako.

“Hey, are you okay?” Narinig ko na tanong nito mayamaya lang.

Umiling ako bilang sagot dito. Naduduwal ako!

“Hey, okay--.”

“Nahduduhwal akoh,” Sabi ko na dito sabay hawak sa bibig ko para pigilan ang pagduwal dito sa loob ng sasakyan.

“Fuck! Wait lang, ako na ang magbubukas ng pinto.”

Naramdaman ko ang paglabas nito at sasakyan at sa isang iglap lang, nasa side ko na ito. Binuksan nga nito ang pinto sa side ko. Umalalay naman ito sa akin para tulungan akong lumabas.

At saktong paglabas ko ng sasakyan, naduwal na ako. Naduwal ako sa katawan ng estrangherong ito!

Ang huling narinig ko na lang ay ang malulutong na mura nito.

Of Self DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon