Chap.o10

151 6 0
                                    

Chap.o10

“Yes, Manansala. I hope I’d get a yes from you.”

Kung gaano kabilis naka-process yung utak ko kanina, sya namang kabagal nag-process ito ngayon. Nanatili akong walang kibo at tahimik habang patuloy na nakatitig kay Tomas.

“What now, baby? Is it a yes?”

At hindi pa ako nakaka-recover, nagsalita na naman si Tomas. Ni hindi pa ito nakuntento. Gamit ang kanang kamay, tumaas ito at naramdaman ko na lang ang mabining paghaplos ng higante sa kaliwang pisngi ko.

Dahil dito, mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko naman ang pagngisi ni Tomas pagkatapos.

“You’re so beautiful. I want to kiss you right now.”

Nang papalapit na ang mukha nito sa akin, dun na ako tuluyang nagising. Dali-dali ko itong itinulak kasabay ng paglayo ko dito.

“A-ang bastos mo!!” Singhal ko na dito pagkatapos.

Ni hindi ito natamaan sa sinabi ko. Mas lalo pa itong ngumisi na mistulang mala-demonyo.

“You know what? Walang matinong patutunguhan ang usapang ito. I better leave,” Wika ko sabay tayo. Medyo nanginig pa ang mga tuhod ko nang una pero hindi ko ito pinahalata. Ayokong mapansin nito ang panginginig ko dahil sa pinaghalong galit at takot.

Nagpatuloy na ako sa balak kong pag-alis pero konting hakbang ko lamang, napigil na ako ng higanteng ito. Mistulang may kapangyarihan ito dahil nakarating agad ito sa harapan ko nang hindi ko man lang napapansin.

“Tumabi ka dyan!! I’m going--.”

“No one’s going home!” He cut me off by raising his voice at me.

Hindi ko naman napigilang wag matakot. Sa laki ng lalakeng ito, paniguradong wala akong laban kapag nagkataon.

“Let’s talk first, okay?” Mayamaya pa’y lumambot na ang boses nito - yung tipong nang-aalo.

“Nag-usap naman tayo ah. Pero what did you say, huh?”

“Look, I was just kidding. My proposal was just a big joke. It’s not what you think.”

“You prick!” Nasabi ko na lang dito kasabay nang pagtulak dito para makadaan ako.

I did get him out of my way naman kaya nakalakad na ako papalayo dito.

There’s no way in hell that I’ll talk to him again. Ang sabi nito ay mag-uusap kami kanina pero look at what he did. He threw a proposal - a fake one - and he only wanted to joke lang pala after all. Kaya nga hindi na nakapagtataka kung natawag ko man itong prick. Because seriously, he’s always a prick.

“Oh come on, Manansala. You can’t leave me just like that!”

His voice echoed through the place. Good thing is kami lang dalawa dito ngayon. Walang makakapanood sa amin. Yun nga lang, wala akong mahihingan ng tulong. Wala akong masasakyan papauwi at ang magandang balita, hindi ko alam kung asan kami. Thanks to that giant prick!

I kept on walking while the giant kept on shouting at me. He wanted me to stop on my track so that we could talk again. As if I would obey him this moment.

Mayamaya pa’y nasa sementadong daan na ako. I don’t know kung hi-way na ito pero umaasa akong hi-way na talaga ito. Sana lang ay may sasakyan na dadaan para makisakay ako. At kung sakali’y magbabayad na lang ako.

And speaking of pera, may dala naman ako. I had my wallet on my bag. Bag? Shit, I’m doomed! Nasa kotse ng higante ang bag ko. Hindi ko na ito naalala nung nag-walk out ako. At ang masaklap, nasa bag ang phone ko. Ugh, bad idea talaga ang pagsama ko dito!

Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada at niyakap ang mga tuhod ko. Ni sapatos ay wala ako. How could I even walk to home?

I’m feeling hopeless na at habang tumatagal, wala pa ding dumadaan na kahit anong sasakyan. Mabuti sana kung hindi ako magpapalipas ng gabi dito sa gilid ng daan. What if may maengkwentro akong masamang tao dito? Gabi pa naman at kung meron mang mangyaring hindi maganda sa akin, walang makakaalam pwera kay Tomas.

Speaking of the devil, nasaan na kaya yun? Nang maalala ko ito, umangat na ang ulo ko mula sa pagkakayuko at saka hinanap ito sa paligid. Ilang metro sa akin, nakita ko naman ang Vereno Roadster. Kotse yun ni Tomas, sigurado ako. At tama nga ako nang makita ko ang higante na lumabas mula sa loob ng sasakyan pagkatapos.

Sa tulong ng liwanag ng buwan, hindi lingid sa akin ang pagpukol ng tingin ni Tomas sa akin. Paniguradong nadadala ito ng kanyang konsensya kaya hanggang ngayo’y ‘di pa ito umaalis.

Hindi ko na lang sya pinagtuunan ng pansin at yumuko na lang ulit. Napahigpit pa ang yakap ko sa mga tuhod ko nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin sa kinakaupuan ko. Medyo malamig dito dahil na din malapit lamang ang dagat.

Hindi din nagtagal, naramdaman ko na ang presensya ng taong nasa harapan ko at matiyagang nanonood sa akin. Hindi ko na kailangang tignan pa ito dahil panigurado akong si Tomas ito.

“It’s already late, Manansala. It would be better if I drive you home now.”

Hindi ako sumagot sa sinabi dito. Nanatili pa din akong nakaupo, yakap-yakap ang mga tuhod ko.

Naramdaman ko naman ang pag-upo nito pagkatapos sa tabi ko. At gaya kanina, hindi ko pa din ito binigyan ng pansin.

Walang nagsalita pagkatapos. Ang tanging maririnig na lamang ay ang pag-ihip ng hangin at habang tumatagal, mas ramdam ko ang lamig na dulot nito.

“Will you lower your pride at sumama na lang? Come on, Manansala, hindi lang ikaw ang naaagrabyado dito. Buti sana kung kung ikaw lang ang nilalamig ngayon.”

His voice is full of anger this time. Hindi ko naman napigilang wag ito sumbatan.

“Then leave. I don’t need your existence here anyway.”

Tinignan ko na ito ng masama. Nagsukatan kami ng tingin sa mahabang oras hanggang sa ito na mismo ang unang bumawi ng tingin.

“No matter how I want to leave you, I won’t. I won’t leave you in this state,” He said, almost whispering.

Yumuko ulit ako pagkasalita nito dahil natamaan ako sa mga sinabi nito. Gusto ko nang umuwi pero its my pride that hinders me. Ayokong ibaba ang pride ko. Ayokong magpatalo dito.

“I’m sorry. I’m sorry if it’s what you want to hear.” Nagpatuloy pa din ito sa pagsasalita habang nanatili akong nakayuko.

Nakokonsensya na ako dahil sa mga pinagsasabi nito. Para kasing ako lang ang rason kung bakit hindi pa kami nakakauwi.

“What else do you want, Manansala? Ako na ang unang nagbaba ng pride sa ating dalawa and look at you. Is saying sorry not enough?”

Damn! Ba’t parang ako pa ang may kasalanan dito? Bigla na lang naglaho ang dinadala kong konsensya kanina.

Hinarap ko na ito at mataray na tinignan. “Akala mo ba okay na ang lahat pagkatapos mong mag-sorry ha, Tomas? Fuck you kang lalaking ka! Pwede bang iwan mo na lang ako dito? Hindi kita kailangan dito!!” Matapang na mga pahayag ko.

Pero sa kabila ng pagmamatapang ko, naiiyak na ako. Pilit ko lang iniiwasang wag umiyak para ‘di makita ng lalakeng ito na mahina ako. Ayokong magmukhang mahina sa paningin nito!

“Umalis ka na, pakiusap!” Pagtataboy ko pa dito.

Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha ko pero agaran ko naman itong pinunasan. Para namang ‘di nito napansin ang ginawa ko dahil sa kalsada nakatingin maging sa oras na mga ito.

“Umalis ka na sabi! Ano ba?!” Itinulak ko na ito nang hindi pa ito umaalis sa kanyang pwesto. Ang tigas naman ng ulo nito dahil hindi nito dinaramdam ang mga mararahas na pagtulak ko. “Umalis ka--.”

Naputol ako sa pagsasalita at sa pagtutulak dito nang walang sabi-sabi nitong hinawakan ang mga kamay ko na syang ginagamit kong pagtulak dito.

“I won’t leave. Keep that in mind.” He said those words intently, emphasizing each one.

Of Self DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon