Chap.o25

108 4 0
                                    

Chap.o25

You busy? May basketball game kami ngayon and I’d like to invite you to watch. Hope to see you at 3, sweetie.
- Ervin S.

Katatapos lang ng exam ko nang mabasa ko ang text message na ito ni Ervin. Tapos na lahat ng klase ko ngayon at masaya ako! Masaya ako dahil madali lang ang dalawang exams ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ginanahan ako sa pagkuha ng exam kanina at base naman sa bilis ko itong natapos, masasabi kong nadalian ako. Thanks to Tomas. Ito kasi ang tumulong sa akin sa pagre-review sa akin kagabi. Kapag tapos ko nang ma-review ang isang topic, nagpapa-answer si Tomas after. That did the trick kaya minadali ko yung mga exams.

Para makabawi kay Tomas, agad na akong umuwi at nagbihis. I’m going to watch him play. Mabuti na lang at nag-message si Ervin kaya naalala ko na may basketball game pala ang Giants ngayon.

Nakarating na ako agad sa venue ng laban at nakahanap naman ako kahit papano ng mauupuan. Nag-concentrate na ako sa panonood at dahil malayo ang pwesto ko, hindi ko lubusang napanood ang laban. Ang alam ko lang, nanalo na naman ang Giants.

Tumayo na ako nang nagsitayuan ang mga nanood ng laban. Nakisabay na din ako sa paglabas nila pagkatapos. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang makalabas na ako. Hindi ako makapag-desisyon kung magpapakita sa Giants o hindi. Hanggang sa nagpasya akong umuwi na lang.

I COOKED FOR Tomas the moment I got home. Sakto namang nakapagluto na ako nang maramdaman ko ang presensya ni Tomas sa entrada ng kusina. Nakapag-shower na ito kanina sa home court ng Giants dahil na din sa mamasa-masa nitong buhok. Isa pa, naka-casual attire na din ito, not on his jersey outfit.

“Sakto ang dating mo. Nakaluto na ako,” Nakangiti kong wika dito.

Lumapit na ito’t tumulong sa paghahanda ng lamesa. We ate after at dahil si Tomas ang naghugas kagabi, nag-volunteer akong ako ang maghuhugas ngayon. Ayaw pumayag ni Tomas nung una pero nakumbinsi ko ito makalipas ng ilang pangungulit dito.

I did the dishes fast. Pagkatapos, naglakad na ako papunta sa sala at naupo sa isa sa mga sofa dun. Nanatili akong walang kibo hanggang si Tomas na ang unang nagsalita.

“May celeb ang team mamaya. You want to come?”

Tinignan ko ito at saka nginitian ng tipid. “Am I invited?”

“You are, Manansala. I’m personally inviting you. Captain here.” Ngisi nito.

Natawa naman ako ng mahina sa sinabi nito. “So cocky, Tomas,” I blurted out.

Tumawa naman ito pagkatapos. “Am not cocky, Manansala. Ako naman talaga ang team captain,” Natatawang anito.

“I know that, Tomas. So, what time ang celebration nyo?” Pang-iiba ko na ng topic.

“Around 8, I guess. Pwede naman tayong pumunta ng late mamaya so that we can still rest.”

“You sure?”

“Yup. You can rest now, Manansala. Baka mag-pass out ka na naman mamaya.”

“Hoy, ang yabang mo ah.” Pinagduduro ko ito.

Defensive ako masyado pero totoo naman ang sinabi ni Tomas. Ewan ko nga sa sarili ko kung bakit ako ganun kahina pagdating sa alcohol.

Gaya nga ng sinabi ni Tomas, nagpahinga muna kami. Ako ang gumamit ng kama habang nasa sala naman si Tomas. Dahil maaga kaming nag-dinner, may tatlong oras kaming pahinga kung tutuusin. Kaya minabuti kong ipikit na lang ang mga mata ko pagkatapos.

NASA PEAK NA ang kasayahan sa bar nang makarating kami ni Tomas dun. Medyo late na kami sa pinag-usapan naming 10 pm kami aalis dahil pareho kaming nakatulog at saka lang kami nagising nang marinig namin ang nakakarinding pagtunog ng phone ni Tomas. Tinawagan na sya ng mga teammates nya dahil late na ito.

Nahanap naman namin ang mesang inokupa ng Giants. Binati nila kami ni Tomas pero di nawala sa paningin ko ang ibang tingin ng ibang miyembro sa amin. Maybe they’re curious na magkasama kami ni Tomas. I didn’t mind them na lang as what Tomas also did.

I drank drinks that they offered me. At hindi ko na nabilang kung nakailang baso ako nang makaramdaman ako na may tumitingin sa akin. Hinanap ko ito at nakita si Ervin na kaharap ko lang pala.

Napaka-intense ng pagtitig nito sa akin na para bang binabasa nito ang buong pagkatao ko. Hindi ko nga din maintindihan ang sarili kung bakit ko nagawang pantayan ang titig nito. Maybe the alcohol, I think.

Walang sumuko sa amin ni Ervin. Wala pang nagbababa ng tingin sa aming dalawa hanggang sa nakita ko na lang na tinignan nito ang katabi kong si Tomas. Palipat-lipat ang tingin nito sa amin hanggang sa magbaba na ito ng tingin at nagpaalam na lalabas muna.

Para naman akong nakonsensya nung nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam kong napagtanto na nito kung bakit kami sabay na dumating ni Tomas at kung bakit inimbita ako ni Tomas dito kahit na para lamang ito sa Giants.

Nakokonsensya ako na parang pinaasa ko si Ervin simula pa lang. Hindi ako naging honest dito na wala talaga itong chance pero naduwag ako’t ‘di sya tinapat.

Tumayo na ako at hinanap si Ervin. Sa labas ko sya unang hinanap at nakita ko naman sya dun kahit na medyo madilim sa bandang yun.

“Ervin,” Tawag ko dito.

Nakita ko ang pagkabigla nito nang tawagin ko ito. Hindi din lingid sa akin ang pasimple nitong pagtapon ng hawak nito kanina. Sigarilyo yun, sigurado ako.

“Okay ka lang?” Tanong ko pagkalapit ko sa pwesto nito.

“I’m good. Bakit ka nandito?”

Amoy sigarilyo ito nang magsalita ito. So, tama nga akong naninigarilyo ito kanina.

“Umalis ka kanina kaya sumunod ako,” Ang nasagot ko na lang.

“Magkasama kayo ni captain. Are you two dating?”

Hindi ko in-expect ang sunod na tanong ni Ervin. Hindi ko inakalang bubuksan agad nito ang paksa na yun kaya hindi agad ako nakapagsalita.

“Tell me, Jen. Tell me who the fuck Matias is in your life.” Ervin’s voice roared around the area. Malakas ang pagkakasabi nito na nagpatameme sa akin. My heart’s beating erratically, as if it lost its rhythm. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot dahil sa pagsigaw ni Ervin, o dahil ba ito sa kaba na hindi ko maipaliwanag kung saan ba ako kinakabahan.

“I like you, Jen. I told you that I’d court you but...” He trailed off. Dun na ako nakakuha ng pagkakataon para magsalita.

“I’m sorry, Ervin.” Ito yung unang lumabas sa bibig ko. Ni hindi ko napag-isipan kung ano ang sasabihin ko dito. Basta na lang nagkaroon ng sariling pag-iisip ang bibig ko at nasabi nito ang mga salitang yun.

“Im sorry... Sorry ‘cause I think I already like him.”

Of Self DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon