Chap.o6

190 7 0
                                    

Chap.o6

Nasa kalagitnaan ako ng pagre-review para sa long exam namin bukas sa Mgt nang mag-ring ang phone ko.

Napamura ako ng wala sa oras dahil sa inis. Hindi ko kasi nai-silent itong phone kanina. Naistorbo tuloy ang concentration dahil dito.

Balak ko pa sanang mag-review nang maige ngayon. Yung wala kahit anong istorbo sana. Nagko-concentrate ako ng husto para maka-graduate na ako this school year. Limang taon na ako sa kolehiyo at ayoko namang humaba pa ang stay ko dito.

Wala akong bagsak, kung yun ang nais nyong malaman. Nag-extend lang ako ng year dahil shiftee ako. Dati akong B.S. in Agriculture student. Nag-shift ako noong second sem na ng 2nd year ko dito sa university.

Marketing Management na ang course ko ngayon. Nag-shift ako dahil narealize kong hindi ko forte ang agriculture. Narealize kong gusto kong mag-work sa mga business companies. Kaya nga nag-shift ako ng degree at Marketing Management ang kinukuha ko ngayon. Sana lang ay maka-graduate na talaga ako sa taong ito.

Natigil ang pagmumuni ko nang tumunog ulit ang phone ko. Padabog ko na itong kinuha at saka marahas na sinagot ang tawag. Sayang ang time. Magre-review pa ako dahil mahirap ang subject na ito. Mahirap lahat pala ng subject sa college.

[Hello friend.] Masayang wika sa kabilang linya. Si Cyrene ito.

"Istorbo ka rin, ano? Hoy babae, may long exam ako bukas kaya wala akong panahon sayo."

Pupulutin ko na sana ang tawag pero nagsalita ito.

[Galit? Lalabas kami ngayon. Sama ka?]

"Hindi ka din makaintindi, noh? May exam ako. LONG EXAM."

Ini-emphasize ko pa talaga ang mga huling salita. Nasabi ko na ngang may exam ako, magyayaya pa ito para lumabas. Sira lang?

[Edi sorry. Ang sungit mong babae ka.]

Hindi na lang ako nagkomento sa sinabi nito. Sana lang ay ibaba na nito ang tawag.

[Alam mo, girl, kulang ka lang sa saya. Kaya sumama ka na kasi chance mo na ito para hindi naman masyadong mainit yang ulo mo. Sige ka, maaga kang tatanda.]

"At nagsalita ang bata. Hoy babae, magka-edad kaya tayo."

Pareho kaming 23. Yun nga lang, mas maaga ang birthday ko dito. May 11 ang birtday ko at October 31 naman si Cyrene. Months lang ang pagitan namin.

[Alam kong magkapareho tayo ng edad. Ang gusto ko lang ipaintindi ay maaga kang tatanda dahil sa pagiging mainit ng ulo mo. Palagi ka na lang galit parati at hindi kita maintindihan sa totoo lang.]

Parati akong galit dahil galit ako sa sarili ko. Sinisisi ko kasi ang sarili ko dahil sa nangyari ilang araw na ang nakakalipas.

Sa totoo lang, gusto kong humingi ng tawad kay Toby. Hindi ko naman alam na wala talagang nangyari sa amin. Saka ko lang napagtanto na walang nangyari sa gabing yun dahil sa sinabi nito. At narealize ko din na kung sakaling may nangyari sa amin, eh 'di sana'y may mantsa ng dugo ang bedsheet ko. Pero napagtanto ko na wala pala akong nakitang anumang bahid ng dugo sa bedsheet ko. So it means na wala talagang nangyari sa amin, at virgin pa din ako.

Ang prino-problema ko lang ngayon ay si Toby. Hindi ko alam kung pano hihingi ng tawad dito. Mga linggo na ang nagdaan at hindi ko pa ito nakakausap man lang. Tumigil na kasi ito sa pagpunta sa bahay ko.

[Jen, nandyan ka pa ba?]

Natigilan ako sa pag-iisip nang magsalita si Cyrene. Kausap ko pa pala ito. Muntik ko nang malimutan.

Of Self DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon