Chap.o19

123 6 0
                                    

Chap.o19

Ervin made me speechless, flushed, and idle. Lahat na yata naiparamdam nito sa akin dahil lang sa sinabi nito.

Hindi nga ako agad nakapagsalita pagkatapos. And when I got the chance to do so, tumunog ang phone ni Ervin na nasa dashboard. Parang doon lang gumaan ang paligid ko. Nawala ang atensyon sa pagitan namin at dun na ako tuluyang nakahinga ng maluwag.

Sumandal na ako sa upuan at pumikit. I felt weak and tired kahit na wala naman akong ginagawang iba. Damn his words!

“Yes coach. Sorry coach,” Narinig kong wika ni Ervin.

I think it was their coach Sebastian who is on the other line right now. Si coach Seb kasi ang alam kong coach ng Giants at dahil part ng team si Ervin, tumawag ang coach dito. I wonder what is about that call.

“Just give me 30 minutes. Please coach, may ihahatid lang ako.”

Napakagat ako sa labi ko dahil sa hiya. Mukhang ipinapatawag si Ervin ngayon pero dahil sa akin, made-delay ito sa pagpunta. Balak ko pa sanang sabihin dito na magko-commute na lang ako pero may kausap pa ito. It’d be rude kung makikisawsaw ako sa usapan.

“I know, coach. Just this time, please. Gusto ko lang manigurado na safe syang makakarating sa bahay nya.”

I am touched by his words. Mukhang hindi mahirap sa akin ang magkagusto din dito.

“Yes! Thank you, coach!”

Dumilat na ako at nakita kong inilagay na ni Ervin ang phone sa dashboard. Tumingin ito at agad na nagpakita ng isang ngiti. He’s smiling even if he was scolded!

Alam kong napagalitan ito dahil na-late ito sa practice nila. Based on the info that Cyrene shared to me - one of the infos that I never asked her to say - coach Seb doesn’t tolerate latecomers during practice and most especially during game. Once na tinawagan ka na ni coach Seb, you’re damned. Tatawag lang kasi si coach Seb kapag thirty minutes or more kang late. Ito yung talagang napuno na ito at talagang galit.

Nagsimula nang nag-drive si Ervin pagkatapos. As if walang nangyari kanina at hindi ito natakot sa tawag ng coach nila. Kaya naman, tinawag ko ito at inagaw ang atensyon nito.

“What sweetie?”

Nagawa pa talaga nitong ngumiti. Is he unaffected or he is just hiding his true feeling for me? Hindi ko alam! Hindi ko sya mabasa!

“May problema ba? Come on, tell me what it is, sweetie,” Panghihikayat ni Ervin sa akin. Panaka-naka itong tumitingin sa akin habang nagda-drive.

“Pwede mo na akong ibaba dito. I can make it from here,” Mahinang wika ko.

I waited for his reaction and got a frown from him. Ayoko namang maging pabigat pa dito kaya yun ang nasabi ko. At base sa reaksyon nito, mukhang ayaw nito ang ideyang iyon. Ano pa ba ang pwede kong sabihin? Ayoko namang mas ma-late pa ito dahil sa akin.

What if sumama na lang ako sa practice nila? Sabado pa naman ngayon kaya free ako sa araw na ito. Mas maige nang sumama kaysa sa mas mapasama pa si Ervin kung sakaling ihahatid ako nito.

Iyon na nga ang tanging paraan para hindi na mas ma-late si Ervin. ‘Di bale nang makita si Tomas dun sa practice basta ang importante makagawa naman ako ng mabuti dito. Pambawi na rin sa ginawa nitong pag-alaga sa akin kagabi.

“You know I just can’t drop you here, sweetie. Gusto kong makasigurado na makauwi ka ng safe.” Narinig ko na lang na wika ni Ervin pagkatapos. Dun na naputol ang malalim na pag-iisip ko.

“Hindi na ako uuwi,” Panimula ko. Nakita ko namang sumimangot na naman si Ervin. “Hayaan mong sumama ako sa practice nyo.”

Nakita ko naman ang pagkabigla ni Ervin sa sinabi ko. At ang nakakabilib, nakabawi agad ito ng mabilis.

“Pero--.”

“Please Ervin. Gusto kong sumama. Payagan mo na ako, please,” Pagsusumano ko nang makitang kokontra na naman ito.

Napabuntong-hininga na lang ito pagkatapos. Kagat-labi naman akong naghintay sa isasagot nito.

“Ervin?”

“Fine! Isasama na kita.”

Lihim akong nagdiwang sa sagot nito. At least gagaan na ang dinadala kong konsensya para dito. Para kasing puro na lang problema ang dala ko dito at ang pagsama sa practice nila ang tanging alam kong kaya kong gawin. Sa ganung paraan hindi mas ma-late si Ervin.

Naging tahimik ang byahe namin papunta sa home court ng Giants. Naging mabilis din ang pagmamaneho ni Ervin hanggang sa masulyapan ko na lang ang arena nila.

Pinagbuksan pa din ako ni Ervin ng pintuan ng sasakyan at lakad-takbo ang ginawa namin para makarating sa court. Hindi ko nakaya ang pagod at napahinto na lang ako. Bumalik naman si Ervin sa pwesto ko para samahan ako. Pilit ko itong itinutulak para mauna na ito pero panay naman ang tanggi nito. Hindi daw ako nito iiwan at magkasama daw kaming pupunta dapat.

Dahil hindi ko ito napilit na mauna na sa pagtakbo, hinawakan ko na ang kamay nito para kumuha ng suporta at sinabihan ito na sabay kaming tatakbo. Pumayag ito at grabe ang hingal namin nang makarating sa court.

Agad naming naagaw ang atensyon ng lahat at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang seryosong tingin ni Tomas sa akin. Nakita ko ang pagbaba ng tingin nito at dun ko lang napagtanto na magka-hawak kamay kami ni Ervin!

Dali-dali kong binitawan ang kamay ni Ervin at tumungo na lang dahil sa hindi maipaliwanag na rason. Nahihiya ba ako dahil nakita kami ng lahat na magka-hawak kamay? O gusto ko lang itago ang mukha ko para hindi ako matitigan ni Tomas?

Naramdaman ko ang paglapit ni coach Seb kay Ervin pagkatapos at hindi ko na naintindihan pa ang pinag-usapan nila. Lumayo din si coach Seb at lumapit to sa court kung saan naroroon ang mga players.

“Hey sweetie.” Nilapitan na ako ni Ervin after. “Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong nito.

“O-oo.”

“Good. Dito ka na muna, pwede? Pinagbibihis na kasi ako ni coach para makapagsimula na akong magpraktis.”

“Hindi ka napagalitan?” Nagtatakang tanong ko.

Umiling naman si Ervin at ngumiti. “Siguro ikaw ang lucky charm ko kaya hindi ako pinagalitan ni coach.”

“Sira! Magpalit ka na kaya,” Bwelta ko na lang para itago na natamaan ako sa sinabi nito.

Umalis na nga ito pero hindi lingid sa akin ang pagngiti nito. Napailing na lang ako dito at umupo. Hindi ko maituon ang atensyon ko sa mga nagpa-praktis dahil baka matitigan ko si Tomas. Aaminin kong hindi kaya ang klase ng tingin na ibinibigay nito. Nakakapanghina ang titig nito at wala akong laban dun.

Hindi pa din ako nanonood ng praktis kahit na nasa court si Ervin at nakisali. Puro pagtungo lang ang ginawa ko hanggang sa hindi ko na namalayang nasa harapan ko na si Ervin.

“Hey, you alright?”

“O-oo. Tapos na ang praktis?”

“Water break.” Sagot nito bago umupo sa katabi kong upuan.

Napansin kong nasa kabilang banda ang lahat ng players at si Ervin lang ang nandito. Okay lang kaya na nandito ito? Kaya naman tinanong ko ito.

“Okay lang na nandito ka?”

“Oo naman.” Wika nito sabay inom ng Gatorade. “Okay ka lang? Hindi ka pa nabo-bore?” Tanong nito mayamaya lang.

“Hindi pa naman ako nabo-bore,” Pagsisinungaling ko.

“Just tell if you’re bored, alright?” Tumango ako dito bilang sagot.

At pagkatapos ay tinawag na si Ervin ni coach Seb. Resume na daw ng praktis. Habang busy sila sa pagpa-praktis, tumayo na ako at nagpasyang mag-banyo muna. Tutal alam ko na kung saan ang banyo dito, hindi ako nahirapang puntahan ito.

At saktong kakapasok ko lang nang may pumasok din.

Nagulat na lang ako nang isandal ako nito sa pader at kahit nabigla sa pangyayari, nagawa ko itong tignan.

Tomas.

Of Self DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon