Chap.o23

116 5 0
                                    

Chap.o23

Napaka talaga ng Tomas na yun. Dahil sa sinabi nito, nandito ako ngayon sa restroom, kaharap ang salamin. Kanina pa ako nandito at dito ako dinala ng mga paa ko pagkatapos kong marinig ang mga salitang yun sa bibig ng higanteng yun. Nawalan na ako ng lakas na harapin si Mr. Cute Waiter para hingin ang number nito.

Kinalma ko na ang sarili ko mayamaya lamang at lumabas na ng banyo. Babalik na ako sa pwesto namin ni Tomas at nasa gitna ako ng paglalakad nang may makabangga ako.

Agad akong humingi ng tawad dito dahil kasalanan ko naman kung bakit kami nagkabangga. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaan ko dahil sa baba ako nakatingin. Humingi ulit ako ng tawad sa nakabangga ko at saka bahagyang ngumiti dito. Pero napako ako sa kinatatayuan ko nang mapagtanto kung sino ang nakabangga ko.

Nakita ko itong kumakamot sa batok at tipid na nakangiti sa akin. At tulad kanina, pulang pula na naman ang mukha nito. Ang pagkapula ng mukha nito ay yung tipong cute tignan. Bagay kasi ito sa ka-cutan nito at sa kaputian nito. Para tuloy akong nagkaroon ng lakas ng loob para kunin ang number nito. Ang cute kasi ni mamang waiter na ‘to.

“Sorry din po, maam, at nabangga ko kayo,” Hingi ng paumanhin din nito.

“Ako ang may kasalanan kaya ako ang dapat na mag-sorry. Sorry ulit.” Ngiti ko dito.

“Ah, Dustin nga pala,” Pakilala nito saka ‘to naglahad ng kamay.

Hindi ko in-expect na makakasalubong ko ito. Pero ang mas hindi ko in-expect ay ang makilala ito.

“Jen,” Tipid na pakilala ko at saka tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

Nakita ko naman ang pagngiti nito. Ang napansin ko sa kanya ngayon ay ang pagkakaroon nito ng dimple sa right cheek. Ang dimple pa nito ang mas nagpa-gwapo dito ngayon. Shit, mas lalo yata akong nagka-crush dito.

“I work here. At kung may kailangan ka, wag kang mag-aalinlangang lapitan ako.”

Malapad akong ngumiti dito. “So, pwede mo akong i-tour dito?”

“Why not? Kailan mo ba gusto? Ngayon na?”

“Hindi ka ba mapapagalitan? I mean, about your work...”

“My folks own this place actually. They don’t mind if, I guess.”

Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko in-expect na mayaman si Mr. Cute waiter na ito.

“So, shall we?”

Tumango ako at sabay na naglakad kasama ito. He’s taller than me, but Tomas is way taller than him.

“Uhm Dustin, bakit ka nga pala nagtatrabaho dito bilang waiter? I mean, your parents own this place. Pwede ka nang wag magtrabaho kung sakali.” Pag-uumpisa ko ng topic.

“Yan din ang tanong ng marami sa akin, lalo na ang mga magulang ko.”

“So your answer is?”

“Wala, I just love it. I love my job as a waiter. Diba nga kung may mahal ka, wala ng rason pa?”

“Hugot!” Pang-aasar ko dito.

Natawa na lang kaming pareho at gaya nga ng sinabi ni Dustin, sinamahan at ipinasyal ako nito sa resort. Nalaman kong Valencia pala ang name nitong resort. Matagal na itong business ng pamilya nila. Valencia’s their surname at ang lola ni Dustin ang nag-umpisa na gawing business ang resort.

Regalo daw ito ng lolo nya sa lola nya noon and it was a private resort at first. Pero dahil likas na business-minded ang lola nito, she gave it a try in making the resort an investment. Dun na nag-umpisa ang Valencia at mas lalo pa itong lumago at mas naging sikat sa publiko.

“So, ikaw pala ang susunod na magma-manage nitong Valencia? Big time ka pala,” I said it as a joke. Pero deep inside, I’m serious.

“Matagal pa bago ko ito ima-manage. Kailangan ko pang makapagtapos ng pag-aaral.”

“Course mo?”

“Business Management. Pero naka-graduate na ako and now, I’m taking my MBA.”

“Wow!” Ang tanging nasabi ko. This guy’s so amazing! Ang daming pwedeng ika-bilib dito. He’s smart, handsome, and all!

“Eh ikaw? Nag-aaral ka pa?”

“Oo. Marketing Management. Hopefully, graduating this year.”

“Wow! Maybe you can work here once you graduate. By that time baka ako na ang magma-manage nitong resort. Matatapos ko na din ang MBA ko,” He said, smiling.

Ang hirap tumanggi lalo na’t ang lawak ng ngiti nito. Isa pa, napakabait at napakabuti nito.

Hindi na ako nakatanggi at tumango na dito.

“That’s good! I can’t already wait,” Nakangiti pa din nitong sabi.

“Hindi na din ako makapaghintay. I’m expecting a high salary from you, Mr. Dustin Valencia,” Biro ko.

Nagtawanan na kaming pareho pagkatapos. Itinuloy namin ang pamamasyal sa resort. Tumigil kami sa mga booths na nakahilera sa isang banda. Karamihan sa mga booths ay ang pagbibilhan ng souvenirs. May mga booth din na nagtitinda ng mga beach stuffs like swimsuits, board shorts, sunglasses, hats, and other stuff.

Na-tempt pa nga akong bumili ng swimsuit pero hindi ko na itinuloy. Nahihiya kasi ako kay Dustin. Mapahaba pa ang oras na mako-consume sa pagbili ko ng swimsuit.

Nagpatuloy kami sa pagtingin ng mga booths hanggang sa naagaw ang atensyon ko sa tattoo booth. May nakita akong picture dun na lubos na nakaagaw ng atensyon ko. Kaya naman, nilapitan ko ito at sinuri. It’s a dream catcher.

“Magpapa-tattoo ka?” Narinig ko na lang na wika ni Dustin after. I felt his presence on my back. Hindi ko sya nilingon at nanatili sa dream catcher ang atensyon ko.

“Hindi noh. Nagandahan lang ako sa design na ito.”

Hindi ako kailanman plinano na magpalagay ng tattoo pero dahil dito sa nakita kong design, parang gusto ko nang magkaroon nito. Pero natatakot ako sa totoo lang dahil masakit daw ang magpalagay ng tattoo. Ito ang naririnig ko sa iba.

“That design would be good on you, I guess. Why don’t you try?”

“Hindi na.” Hinarap ko na ito. “Alis na tayo. Mukhang napuntahan na natin ang lahat at pagod na din ako.”

“Sige.”

Umalis na nga kami sa booth area pero hindi nawala sa isip ko ang design na yun. Yun ang iniisip ko habang pareho kaming naglalakad pabalik sa pool area.

“You can come here anytime, Jen. You are so welcome here,” ani Dustin nang magpaalam ako dito.

Hindi ko na hinayaan pang ihatid ako nito sa pwesto namin ni Tomas dahil baka magkagulo pa kung sakali. Kaya nga, hinayaan ko na dito na magpaalam. Tutal ay malapit na ang lalakarin ko mula dito.

“Sabi mo yan ah.” Ngiti ko dito. “At kapag pupunta ako dito, dapat libre ang lahat. Libre mo dapat.”

“Let’s see. Baka naman hindi ka na magawi pa dito.”

“Bakit naman hindi? Ang ganda kaya dito! Isa pa, aayaw pa ba ako sa libre?”

Tumawa na si Dustin sa mga banat ko. Sobra ang tawa nito na halos maluha-luha na ito sa sobrang galak.

“Oh sige, mauna na ako. Bye Dustin.”

“Bye Jen. See you soon.”

Nagsimula na akong maglakad papalayo dito. Sa totoo lang in-enjoy ko ang araw na ito. Na-enjoy ko ito dahil na din kay Dustin.

“Jen!!”

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng pagtawag ng pangalan ko. Boses yun ni Dustin kaya lumingon ako dito.

“Bakit?”

“Here’s my number. Contact me anytime,” Wika nito sabay bigay ng calling card. “And I hope to see you next weekend.”

At tumakbo na ito paalis sa harapan ko. Nanatili naman akong nakangiti habang tinatanaw ang papalayo nitong pigura. Ako ang dapat na kukuha ang number nito pero it turned out na kusa nitong ibinigay yun. Tignan mo nga naman ang swerte.

Of Self DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon