Chap.o3

206 6 0
                                    

Chap.o3


"Problemado ka yata?" Tanong nitong si Cyrene kinabukasan. Bumisita kasi ito sa apartment ko.



"Kasalanan mo ito." Gusto ko ditong sabihin pero 'di ko na ginawa pa.



"Hangover lang 'to," Sagot ko na lang dito.



Kating-kati na akong sabihin dito na ito ang may kasalanan sa sitwasyon ko ngayon. Mukha akong haggard dahil sa Toby na yun. Naabutan ko kasi ito kaninang umaga na katabi ko ito sa aking kama. Wala pa itong saplot at ang masaklap, sinabi nitong may nangyari sa amin.




"You were even that wild last night, Manansala. Given the fact that you were virgin that time," Sabi pa ng gago kanina.



"You're lying. Walang nangyari sa atin," Kontra ko naman.



Hindi naman masakit ang parteng yun ng katawan ko. At ayon sa mga nababasa kong stories, dapat sore ako at masakit sa bandang yun. Ni wala akong nararamdamang kahit anong sakit. This guy must be kidding me.



"You sure? What about this, huh."



At may ipinakita itong picture - picture naming dalawa. Nakahiga ito sa kama at ako yung nasa itaas. Nakakahiya dahil ako pa ang humahalik sa picture.



"That's not real!!!" Naibulalas ko na.



Ngumisi naman ito sabay tayo. Dun ko na nakitang naka-boxers lang ito. Kinuha na nito ang mga damit nyang nagkalat sa iba't ibang parte ng kwarto ko. Lumabas pa ito dahil hindi nito nahanap ang shirt at ang isang medyas nito.



Nanatili naman akong tulala hanggang sa makabalik ito. Hindi ako bumangon man lang o wala akong ibang nagawa. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Nakakainis nga dahil wala akong ibang maalala pagkatapos ako nitong buhatin na parang sako nung nasa bar kami. Hanggang dun lang ang naaalala ko.



"I can't find my shirt. Sayo na lang yun. Remembrance for what happened last night." Kumindat pa ito bago tuluyang lumabas.



At tulala pa din ako kahit na nakaalis na ito. Saka lang ako natauhan nang tumawag si Cyrene para sabihing papunta na ito sa apartment ko. Dun na ako bumangon para maligo. Pagkalabas ko ng banyo, nasa kama ko na si Cyrene at naghihintay.




"What happened ba? Magsabi ka naman tungkol sa mga nangyari kagabi."



Napatigil ako sa pag-aalala ng mga nangyari kanina nang magsalita si Cyrene. Tumitig na lang ako dito.



"Don't tell me may iniuwi kang guy dito sa bahay mo. Was he hot?" Lumapit na ito para komprontahin ako. Nasa kama ko pa din kaming dalawa hanggang ngayon.



"W-wala noh. Mag-isa lang ako."



Hindi ko naiwasang wag kabahan sa klase ng tingin ni Cyrene kaya 'di ko napigilang wag mautal.



"That's a lie, Jen!! So meron nga?" Pangungulit pa nito.



"Wala. As in wala!!"



Tumayo na ako at lumabas para hindi na makapagtanong pa ito. Sa kusina na ako dumiretso at binuksan ko na ang ref para kumuha ng malamig na tubig.



"Uy, umiiwas sa topic."



Muntik pa akong mabulunan nang biglang nagsalita si Cyrene sa likod ko. Sumunod pa talaga ito para kumuha ng impormasyon. Kaya hinarap ko na ito pagkainom ko.



"Hindi ako umi--."



"Eh ano ito?"



Namula na ako nang makita ko ang hawak ni Cyrene. Iyon yung shirt ni Toby kung 'di ako nagkakamali.



"Damit ito ng guy, right?" Taas-kilay na tanong nito.



At parang pamilyar nga ang shirt na hawak nito. Nag-isip na ito at makalipas ang ilang sandali, tumingin ulit ito sa akin na may ngiti sa labi.



"It's Tobys shirt. Suot nya ito kagabi!!" Bulalas na nito.



Grabe ang pagkamutla na siguro ng mukha ko sa mga oras na ito. Hindi ko na kinontra pa si Cyrene dahil nabuking na ako nito. Wala na akong kawala pa.



"So may nangyari nga. Care to share it, best friend?"



"Sa sala tayo." Sinabi ko na lang.




PAGKAALIS NI CYRENE pagkatapos kong magkwento at pagkatapos nitong kumain ng pananghalian dito sa apartment ko, pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga. At habang nakahiga, kinuha ko na ang phone ko at naisipang mag-log in sa facebook.



Hindi ko na pinansin pa ang mga friend requests at notifications ko dahil ang mga messages ko ang una kong tinignan. Baka nag-message na kasi ang ka-chat ko - si Shaun. Amerikano ito at syempre sa Amerika ito nakatira. Ini-add ko lang ito nung isang linggo dahil gwapo ang profile picture nito. At hindi ko inexpect pa na makaka-chat ko ito pagkatapos. Ito pa ang unang nag-message sa akin at dahil mabait este gwapo ito, nagreply ako dito. Dun na nagsimula kaming maging close.



Nosebleed itong ka-chat pero sulit naman ang lahat ng dugo na nawala sa akin dahil gwapo nga ito. His blonde hair and blue orbs are some of my weaknesses when it comes to him. Gwapo nga talaga ito lalo nang naka-video call ko ito minsan. Pero last video call ko na yun sa kanya. Slang kasi ito kaya mas nahirapan ko itong inintindi noon. Mas madami pang nawala na dugo sa akin dahil sa accent nito. Sobrang nosebleed ang inabot ko noon.



Napangiti na ako nung may message si Shaun sa akin. Pero napawi din ang ngiti ko nang may isa pa akong message. Galing ito sa taong may pangalang Toby Matias.



Una ko nang in-open ang message nung Toby sa akin. Baka kung ano na iyong isinend nito.



"Confirm my request. ASAP."



Tanging message lang nito. Request? Anong request?



Nag-isip muna ako kung ano ang gusto nitong sabihin. Nung marealize kong baka friend request yun, tinignan ko na ang mga requests ko at hinanap ang name nito.



Hindi naman ako nabigo at nakita ko ang pangalan nito kaya agad ko nang pinindot ang confirm para sa request nito. Pagbibigyan ko na ito dahil may pwede itong ipang-blackmail sa akin. Mahirap na.



Pagkatapos ma-confirm ang friend request ng lalaking yun, sinunod ko nang nireplyan si Shaun.



"I'm doing great. Thanks for asking. Anyways, how are you, Shaun? How was the trip?"



Reply ko dito. Mga tatlong araw na din mula nang huli kaming magka-chat nitong si Shaun. May pinuntahan kasi itong business trip at tatlong araw syang nawala kaya ngayon lang ito nakapag-message sa akin. Hindi na kasi hectic ang sched nito.



Magla-log out na sana ako pagkatapos pero may nag-pop out na message para sa akin.



Toby Matias:


Good girl, Manansala. Akala ko hindi mo na susunduin ang utos ko.




Jennica Klaire Manansala:


Alam kong may pang-blackmail ka kasi. I won't risk my name as well as my reputation.




Toby Matias:


Why eh? You should be proud pa nga 'coz I'm with you in the pic. Women beg for my attention, you know.




The nerve! Ang kapal ng lalakeng ito. Dahil sa inis, sobrang diin na nang pagtype ko ng reply dito sa phone ko. Touchscreen pa naman ang phone ko. Mabuti na lang at may naimbentong screen protector.




Jennica Klaire Manansala:


Dream on, asshole!! Mas gusto ko pang kasama yung iba keysa sa iyo. Kung hindi sana ako lasing kagabi, eh di sana hindi kita pinatulan!!!!!




Toby Matias:


Why so mad? Tell me, Manansala. Are you still sore?



Of Self DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon