Chap.o8

162 7 0
                                    

Chap.o8

Naistorbo ang tulog ko nang may mabigat na bagay na dumagan sa akin. Dumilat na ako at agad na iwinaksi yun.

Pipikit na sana ako ulit nang napagtanto ko kung ano ang iwinaksi ko kanina. Kamay yun, sigurado ako.

Nagmulat na ako at bumangon. Kinuha ko ang kumot na naialis sa katawan ko nang bumangon ako, at itinapi ito nang maige sa katawan ko. Wala kasi akong suot na kahit ano.

Tinignan ko na ang lalakeng natutulog nang mahimbing sa kama at napagtanto kong si Toby ito dahil na din sa ilaw na nanggagaling sa labas. Umaga na, at saka ko lang napagtantong may exam pa pala ako ngayon. Long exam pa!

Kaya agad na akong nagbihis at umalis. Halos mapatalon pa ako sa saya nang may mapara akong taxi. At habang nasa biyahe, pilit kong iwinawaksi sa isipan ko ang nangyari. Dapat ko nang kalimutan yun dahil hindi yun kanais-nais.

Aaminin kong ginusto ko ang nangyari. Nadala ako sa pang-aakit nung Toby pati na din sa mga halik at haplos nito. At nakakadismaya lang na sa kanya ko naibigay ang pinakaiingatan ko. Ni hindi ko ito nabigay sa mga dati kong naging nobyo. Ang tanga-tanga ko lang!

“ANONG ANSWER mo sa number 1, bes?” Tanong ni Deth kay Sab.

Hindi pa din magka-get over ang dalawang ito sa exam namin sa Mgt kanina. At hanggang ngayong lunch break, ito pa din ang topic nila.

“Yung iden? Strategic management ata answer ko din.” Sagot naman ni Sab dito sabay subo sa ulam nito.

Silang dalawa ang palagi kong kasama. Iba kasi ang school ni Cyrene sa akin kaya hindi ang babaeng yun ang nakakasama ko.

Pero okay naman sina Sab at Deth. Mga kwela sila gaya ko, at sila pa ang nagtu-tutor sa akin minsan. Kahit na mas bata sila sa akin - masakit mang aminin - mas magaling sila keysa sa akin.

“Ayyy, pareho tayo, bes!!”

Nag-apiran na ang dalawa pagkatapos. Kulang na lang ay magtatalon sila ngayon dito sa loob ng caf.

“Eh ikaw, Jen. Yun din ang sayo?” Ako na ang binalingan ni Deth after.

“Ewan. Hindi ko sure eh.” Kibit-balikat ko nang sagot.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at inignora ang pagpapangaral ng dalawa sa akin. Bakit daw hindi ako nagreview gayong alam ko naming may long exam kami. Nag-review naman ako eh. Yun nga lang, hindi ko na naalala pa ang mga na-review ko.

At habang patuloy sa pangangaral sa akin ang dalawa, napailing na lang ako. Mas mukha na silang matanda kaysa sa akin ngayon. Sila kasi ang nagpapangaral sa akin kahit na mas bata sila ng isang taon sa akin.

Ayoko namang sabihin sa dalawang ito yung nangyari kagabi. Ayokong ipaalam sa mga ito ang rason kung bakit ako lutang sa test kanina.

Kung alam lang nila na pinilit kong wag isipin ang nangyari kagabi. Pinilit kong mag-concentrate sa exam, pero puro Toby naman ang naisip ko.

Alam kong hindi ko dapat pagtuunan ng pansin ang lalakeng yun. Alam ko ang nangyari sa pagitan namin. It was a night one stand. Isang gabi lang yun ng pagkakamali, ng pagkalimot.

At dapat ko nang kalimutan yun. Walang magandang maibubunga kung patuloy ko pa din itong isipin. Sa estado na din ni Toby, alam kong balewala din yung namagitan sa amin. Playboy ang lalakeng yun. Anumang nangyari sa amin ay tapos na. Hindi na dapat inuungkat pa.

“Natulala ka na dyan. May problema ka ba, Jen?”

Nagising ako sa katotohanan na nasa cafeteria pa pala ako nang may pag-aalalang nagtanong si Sab sa akin. Nakita ko pa ang dalawa na matiim na nakatitig sa akin. Ni hindi ko namalayang tinitignan na pala nila ako!

Of Self DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon