"ISANG LETRA"
Ni Juan Miguel SeveroHindi pa.
Nakakatuwa ang dalawang salitang iyon.
Hindi pa.
Parang ang gandang pakinggan sa umpisa.
Parang lagging may paanyaya ng simula.
Kumain ka na ba? Hindi pa.
Napanood mo na ba 'tong pelikula?hindi pa.
Hindi pa.
Natikman mo na ba 'to? Hindi pa e.
Natikman mo na ba ako? Hindi pa.
Hindi pa.Parang lagging may kasunod na " pero gusto ko sana"
Parang nagsisimula ng maraming oo, tama, magsisimula .
May pangako ng isang simula.
Kaya siguro magandang pakinggan sa una dahil sa pinapangakong simula.
Pero hindi pa, sandali, huwag muna.
Mahal ko na ba? Hindi pa.
Sandali, huwag muna,
Mahal ko na ba? Hindi kaya huwag muna....huwag muna.
Tapos na ba? Hindi pa, huwag sana.
Hindi pa.Nagustuhan ko 'tong dalawang salita dahil sa ibang pagkakataon para bang may pangako na balang araw magiging hindi na.
Umaasa ka pa ba? Hindi na.
Naghihintay ka pa ba? Hindi na.
Masakit pa ba? Hindi na.
Mahal mo pa ba siya? Hindi na.
Tma. Wakas. Hudyat ng isang wakas.
Kaya siguro magandang pakinggan hanggang sa ngayon dahil sa hinuhudyat nitong pagwawakas,
Hindi ba?
Umaasa ka pa ba? Hindi na.
Naghihintayka pa ba? Hindi na.
Mahal m pa ba siya? Hindi na.
Umaasa ka pa ba?
Umaasa ka pa ba?
Nakalimutan mo na ba siya?
Hindi pa.
Tangina.Nagsimula pero 'di tayo matapos-tapos sa hindi pa at hindi na.
Tangina. Isang letra lang ang pinagkaiba.
Wala pang isang Segundo para isulat, isang pindot lang sa keyboard.
Tangina. Ang tagal na. pero hanggang ngayon hindi pa.
'pag tinakpan mo nga ang letrang P magmumukha itong" hindi na".
Pero hindi pa.
Kung ano-ano na Ang ipinangtakip ko pero ganon pa rinsiya!
Kung anu-ano ang pinambura ko, pero hanggang ngayon nasa simula pa.
Kung sinu-sino na ang nilapitan ko pero na sa'yo parin ang mga paa ko.
Nasa'yo pa rin ako.
Sabihin mo nga, gaano karaming salita pa ang kailangan kong isulat pra mapalitan ang isang letra? Tangina.

BINABASA MO ANG
"Habang Wala Pa Sila"
Novela Juvenil10 compilation ng mga tula ni Juan Miguel Severo from his book!