"KAPAG SINABI KONG MAHAL KITA"
Ni Juan Miguel SeveroKapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin salamat at nandyan ka.
Kapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin Hinahanap kita.
Kapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin napapagod din ako,
Nanginginig ang aking mga kalamnan,
Nanlalamabot ang aking mga tuhod ,
Nangangawit ang aking mga braso.Dahil pag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin pagpapaguran ko ito ...
Hihintayin kita,
Susundan,
Sususyuin.
Dahil ang aking "mahal kita"
Ay hindi nagtatapos sa mahal lang kita.Ang aking "mahal kita"
Ay mayroong pagtanggap na ito...
Ito ang hirap na kalakip ng pag-ibig .
Yakapin mo.Kapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin
Malupit ang mundo
At mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo.
Kaya't hayaan mong dumating ang mga bagyo
Hayaan mong malusaw ako sa araw,
Hayaan mong kumbinsihin kita na kakampi rin ako.
Ikaw na hantunganng inaasam ,
Ikaw na kwentong di pagsasawaan,
Ikaw ang sandali na parating inaalala,
Ikaw ang kailangan kong pahinga....
Ikaw ang pahinga.Kapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin
Masaya ako.
Dahil, Mahal, gaano man kahaba ang araw
Uuwi ako sa yo.
BINABASA MO ANG
"Habang Wala Pa Sila"
Teen Fiction10 compilation ng mga tula ni Juan Miguel Severo from his book!