"NANINIWALA AKO"
Juan Miguel SeveroNaniniwala ako sa aswang.
Lumaki ako na kinikwentuhan ng aking mga tiyuhin na galing sa Capiz at Aklan, tungkol sa kanila....
Kaya..
Oo! naniniwala ako sa aswang.
Naniniwala ako na dapat akong mas maging mapayapa na marinig ang pagpalatak ng bibig ng tiktik dahil kung malapit daw ang tiktik ibig sabihin ay malayo ang aswang.
At siguro, iisipin mo na nababaliw na ako o napakadali ko naming mautopero, oo, hindi ako nagsisinungaling,
Naniniwala ako sa aswang.
At .. naniniwala rin ako sa nuno-iyong maliit na nilalang na nakatira sa umano sa mga punso.
Na posibleng nandyan lang daw na nagtatago sa likod ng puno.
Kaya kinakagat ko ang daliri ko tuwing tinuturo, dahil baka kunin nila ako sa gabi at dalhin sa kaharian nila para gawing kalaro.
At alam ko ... wala pa akong kilala na kinuha nila pero mahirap nang SUMUGAL.Kaya kapag nagturo ako sa masukal na gubat, kinakagat ko ang aking hintuturo dahil, madali akong maniwala at naniniwala ako sa mga nuno.
At tutal rin lang ay sinasabi ko na ang mga kalokohan na 'to, siguro dapat na ring malaman mo:Ang dami pang bagay na walang basehan ang pinaniniwalaan ko.
Katulad ng tuwing umaalis ka ng maaga habang kumakain tayo ng magkasama ay iniikot ko ang mga plato para hindi ka mapahamak sa kalsada.
O sa tuwing mahuhulog ang tinidor ko o kaya ang kutsara kapag kumakain ng mag-isa ay iniisip kong sosorpresahin mo ako sa iyong pagbisita.
Kung nakagat mo ang dila kanina, malamang kasalanan ko yon dahil nasa isip kita.
Nasa isip kita..
Sa umaga, kapag nakikita ko kung anong oras na,iniisip ko kung nakarating kana ba sa opisina.
Nasa isip kita...
Sa tanghali, alam kong nagtitipid ka pero kumain ka naman ng sapat para hindi ka gutumin sa trabaho, diba?
Sa hapon, malamang pagod na pagod ka na naman sa dami ng pinapagawa nila sayo na hindi mo kayang tapusin bago magdilim.
At nasa isip kita..
Sa gabi, saan ka pa pupunta pagkatapos ng trabaho, magbabakasakali pwede tayong magkita.
At patawad,
Wag ka sanang mairita pero gusto kitang Makita, maniwala ka, dahil minsan nakakasawa nan as isip LANG kita.
At oo, malamang hindi nga ito ang pinakamagandang panahon para sabihin sayo ito bilang puro maligno at lamang lupa ang kaninang mga binabanggit ko pero intindihin mo:
Kung kaya kong maniwala sa mga bagay na wala akong basehan katibayan tulad ng mga ito,Bakit hindi ako maniniwala SAYO?SA ATIN? SA TAYO?
Kapag nginitian mo ako,
Naniniwala ako.
Kapag hinawakan mo ang kamay ko ,
Naniniwala ako.
Kapag inakbayan mo ako,
Naniniwala ako.
Kapag hinalikan mo ako
Naniniwala ako!
Naniniwala ako dito!
Hindi ito, "hanggang dito nalang at maraming salamat! "Naniniwala ako na kaya natin ito.
At naniniwala ako na kung maging masakit man, kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo,magiging sulit ang lahat dahil naniniwala ako sayo.
Oo! Ikaw ang tinuturo ko at hindi ko kakagatin ang daliri ko, dahil gusto kong tangayin mo ako patungo sa kung saan mang kaharian at kagubatan mo gusto.
Oo, ikaw ang sinisigaw nitong dibdib ko at hindi matatakot kung lapitan mo ako.
Dahil naniniwala ako.
Naniniwala ako sa karma.
Na kung ano ang ibigay mo sa kalawakan ay siyang ibabalik nito sayo nang may interes pang kasama.Ilang beses ko nang isinilid sa garapon ang puso ko at itinapon ito sa dagat sa pag-asa na may makakahanap sa kanya at magbabalik sa akin nito ng buo pa.
Pero ang tagal na at wala pa akong nakukuha.
Kaya kung sakali lang na Makita mo ang puso ko na inaanod sa Aplaya;iniisip kung anong gagawin sa kanya-itatabi, itatapon o ipagsawalang bahala.
Maghihintay ako sa desisyon mo.Maniwala ka sa akin.
Maghihintay ako.
Ibalik mo sana.
BINABASA MO ANG
"Habang Wala Pa Sila"
Teen Fiction10 compilation ng mga tula ni Juan Miguel Severo from his book!