<(Chapter 8;Ms. Sungit)>

132 2 3
                                    

Steph's POV

"Pasok  kayo." sabi ko sa kanila. Pumasok sila sa bahay.

"Pasensya na at ngayon lang kami. Nawala ni Alex yung address nyo." Sabi ni Lance.

"Okay lang! kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi pa. Pero hindi kami gutom ." sabi ni Lance

"Ako, gutom na." sabi ni Ice

"Ako din, kumakalam na yung sikmura ko"sabi naman ni Luke

"Kanina pa nagugutom yung Anaconda sa Tiyan ko"sabi naman ni Alex

"Punta kayo sa dining room" sabi ni Jen

"Sigurado kang di ka gutom?"tanong ko kay Lance

"Hindi" sabi nya

(Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrg)[tunog po na nagugutom ang tiyan.]

"Oo nga. Hindi ka gutom." Sarkastokong sabi ko sa kanya.

Hinila ko yung kamay niya. pinipilit ko siyang kumain. Sorry, FC e. haha! :D

"Halika na! nahiya ka pa!'' sabi ko habang hinihila ko yung kamay niya

"wag na." sabi nya at bilang binawi yung kamay niya

SHUCKS! Natumba kaming dalawa. Nasa ibabaw niya ako ngayon. grabe, ang gwapo niya. I can't stop staring at his eyes.

Lance's POV

Ang kulit naman ni Steph. Sabi nang hindi aq kakain eh.

Bigla kong nabawi yung kamay ko na hinila niya. nagulat ako nang bigla kaming tumumba at napahiga sa sahig. Nasa ibabaw ko siya ngayon.

Ang ganda pala niya. Mas lalo siyang gumaganda pag malapitan . Yung mga mata niya, parang nang-aakit. Para siyang manika. Sobrang sarap niyang tignan .

Nagulat ako nang may biglang nagsalita

"Anong ginagawa niyo?" sabi niya pero seryoso lang ang mukha. Si Sam pala.

Nagulat din si Steph kaya dali-daling umalis sa ibabaw ko.

"Uhm... na..... natumba lang kami kasi hini-hila ko siya." sabi ni Steph

"OKAY" sabi lang ni Sam 

"Kumain ka na kasi." sabi sakin ni Steph

Pumunta siya ng kusina at sumunod ako.

"o pre, akala ko ba di ka kakain?" tanong ni Ice

"Nagugutom na ako eh." sabi ko sa kanila.

After 20 minutes, tapos na kaming kumain.

Jen's POV

Nandito kami ngayon sa living room para pag-usapan yung sa event.

"Ice, nasabi mo na ba kay mommy mo yung about sa gagawin natin tsaka yung sa speech niya." tanong ko sa kanya

 "Ah oo. Excited na nga daw siya tsaka maganda daw yung theme na naisip natin." sabi niya

"Talaga? dapat bonga yung event na ito kasi minsan lang ito e." sabi naman ni Leigh.

"Luke, okay na ba yung songs?" tanong ko kay luke

"Yep. Kailangan nalang dagdagan para mas maganda." sabi  niya

"At nakahanap na din ako ng DJ." sabi ni leigh.

"Wow. okay, o yung visual?" tanong ko sabay tingin kay steph at lance.

Teka, parang wala sa sarili tong dalawang to. anong meron?

"STEPH! LANCE!" sigaw ko

"hah" sabay na tanong nung dalawa.

"Okay lang ba kayong dalawa?" tanong ko

"Pre sinapian ka ba?" tanong din ni Alex

"hindi noh!" sabi agad ni Lance

"Ano ulit yun Jen?" tanong ni Steph

"Sabi ko, Okay na ba ung Visual?" tanong ko ulit

"Konting slides pa ung kailangan" sabi ni Steph

"Okay! dapat okay na yan bukas o kaya the other day." sabi ko sa kanila

"Sam, tutal patapos na kami, can we help you on the decorations?" sabi ni Leigh

"Sure." seryosong sabi ni sam

Pag katapos sabihin ni Sam iyon, nag-karoon ng katahimikan.

.

.

.

.

Nabasag nalang ito nang tumunog ung cellphone ni Ice. Tinignan naman agad ito ni Ice.

"Guys, nagtext si mommy. half day lang daw tayo bukas kasi pupunta daw tayo sa Venue." sabi ni Ice

"Mas okay kung ganun. Sam, okay na yung hotel niyo bukas?" tanong ko kay sam

tumango lang siya

"Inaantok na ko. Good night ." sabi ni Sam, sabay tayo sa sofa.

Tinignan namin si Sam na umaakyat sa stairs. Nang narinig namin yung pagsara ng pintuan ng kwarto niya, biglang nagsalita si Alex.

"Haaaay! katakot siya!" sabi niya, sabay punas ng "Imaginary pawis nya.

"Pano na yung plano?" tanong ko sa kanila

"Bukas natin uumsahan. Ang plano iiwan natin si Ice at Sam. Tapos ihahatid ni Ice si Sam dito sa bahay ninyo." sabi ni Alex.

"Hindi papayag yun, sigurado ako." sabi ni Leigh, tama si Leigh. hindi talaga papayag si Sam. Mas gugustuhin pa niyang magcommute kaysa ihatid ng isang lalaki .

"Sus! edi pilitin, diba Ice?" sabi ni Alex

"Oo, ako na bahala dun." sabi ni Ice 

"Mga tol, 10 pm na. Uwi na tayo." sabi ni Luke habang tinitignan niya ung watch niya.

"Oo nga, tara na!" sabi ni Lance

Tumayo na kami at hinatid sila sa gate.

"Girls, uwi na kami. Good night!" sabi ni Ice

"Good night!" sabay sabay naming sabi sa kanila.

Hinintay muna namin silang makaalis bago kami pumasok sa bahay.

<(a/n) oooooooooooops sorry po kung ngayon lang ulit kami nakapag update. 

andami na rin po kasi naming ginagawa sa school eeh kaya bihira narin kaming makagamit ng Laptop. 

pati narin po si ate Tine Busying busy narin po siya ngayon .

sorry kung bitin . next time baka sa Saturday ulit kami makapagupdate ule.

<<<<<<vote! vote! vote!>>>>>>>

<<<<<<comment!comment!comment!>>>>>>>>

-Tine&Mark-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Group of ROYALTIES; HIDING THEIR FEELINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon