Chapter 14

4 1 0
                                    

Perhaps, mood changes very easily but feelings stay for the right person, and takes time to be faded. Love takes time.




November 26, Saturday— a fresh start for the two of them.


To Babe:
Nasan ka na? Andito na ako Babe sa may Link In.


Damn. He was too early. Hindi pa nga nagbubukas ang Café pero nasa tapat na agad siya ng Coffee Shop. Buti na lang, nasa tabi lang ang bahay ng owner.


He’s waiting for almost an hour, and finally dumating na rin si Eloiza. Ang kulay pink na bulaklak sa ulo nito ay napalitan ng purple. She’s really appealing in Cropped Top paired by a mini skirt. Damn! Stupefying!



Matuling sinalubong ni Lee si Eloiza and they greeted each other. “Happy KathNiel Day!!”

Laughing at each other, everything has been electrifying. Not new to them. Mas una nilang binabati ang KathNiel. Tumatawa pa si Lee sa exciteness ng niyakap niya si Eloiza. “Happy Monthsary Babe!”



Pang-ilan na nga ba nilang buwan iyon? Well, hindi mahalaga para sa kanila kung ilan ng buwan yung relationship nila. Ang mahalaga, magkasama nilang gugugulin ang oras sa pagchi-chill.



Eloiza+Lee= Chill♥



Sa totoo nga, wala silang plano kung saan pupunta. Naniniwala silang hindi natutuloy lahat ng pinagplanuhan. Ayaw ma-hopia, in short.



“Samahan mo na lang akong mamili.” Nilagay ni Lee ang kamay sa bewang ni Eloiza. Hindi niya napansin kaagad yung bitbit nitong kulay puting kahon. “Ako na ang magdadala?”

Eloiza’s eyebrows wiggled. “Hindi mahina ang mga babae. Yuck. Ginagawa mo naman akong lumpo.”

“Babe, chivalry is not dead. I wanna prove it to you,” said Lee as he made an ecstatic laugh.

He is not like a fictional character in a story. Men characters in popular stories do have similarities in common— a bad boy. Badass. At palaging inaabangan ng readers kung paano sirain ng lalaking iyon ang buhay ng isang babae. Kung paano sila magloloko at paano magkakaroon ng pagbabago sa kanyang sarili sa bandang ending. But he’s definitely not that type of man. He’s a gentleman, always trying to make his girl special.



Kanina pa silang libot ng libot sa isang Supermarket pero hindi nila makita yung hinahanap nila. Pinasok na nila halos lahat ng section, including the diapers section pero hindi pa rin nila iyon makita.

“Babe. Mamaya ka na mag-selfie diyan. Tulungan mo muna ako.”

Stolen pictures. Candid shots. Iyon ang hilig ni Eloiza na gawin. At sa tuwing magki-click ang kanyang Sony DSLR Camera, napapatigil naman si Lee sa pagrereklamo. Kasalanan niya talaga kapag nagmukha siyang tanga.

“Baka kasi wala ng stock. Tsk!” Magagalit na sana siya pero napatitig na lang siya sa isang picture ni Lee doon sa cam. With blurred background, he looked so serious. Parang nagmamakaawa na emotional. Napatawa tuloy siya.

Buti na lang at nakasalubong ni Eloiza ang isang salesman. “S-ssir?”



Too damn. Hindi niya alam kung paano itatanong yung hinahanap nila. Nakakahiya. Weird as fuck.

Nilagay niya muna iyong DSLR sa shoulder bag saka nagsalita. “M-eron po kayong itlog?” she said, while stuttering.

Humagalpak tuloy ng tawa si Lee sa likod ng salesman. Kumunot naman ang mukha ng lalaki at saka napatawa ng dahan-dahan. Sino ba namang hindi matatawa sa tanong niya?

“Sorry Miss, pero naubusan po kami ng stock. Mamaya pa ata pong hapon magdedeliver,” the Salesman answered.



So ganoon pala ngayon kahigpit ang pangangailangan ng mga tao sa itlog at naubusan pa sila.



Buti na lang at nakahinga siya ng maluwag. Binaba muna niya yung dala-dalang kahon saka pinaghahampas ng shoulder bag si Lee. “Puro na lang itlog ang kinakain mo. Pag sala sa manok, itlog! Kurutin ko ‘yang itlog mo!!!”



May ilang namimili roon at hindi naiwasang magtawanan. Pero sinong hindi matutuwang mapanood ang dalawa nag-aaway dahil lang sa itlog? For sure, lahat ng nakakita sa kanila eh ikukwento yung bawat detalye ng pangyayari pagdating sa bahay.

“Nagugutom na ako,” Eloiza complained.

Sa pagkakaalam ni Lee, hindi na ito kumakain dahil sa sobrang kapayatan. “Sayang lang ang lahat ng kakainin mo. Waepek,” aniyang nakahagis ang kamay sa hangin at nakangiwi ang labi.

Sinapok tuloy siya ni Eloiza. “Ows? Sige. Try mong mag-girlfriend ng isang biik. Tingnan natin kung magustuhan mo pa ako. Arte nito. Sabihin mo nga. Kung mukha akong biik, would you still love me the same?” she asked as she sang her last line out of tune. Sharp, flat, sintunado!

Nakaalis na sila sa Supermarket ay nagtatalo pa rin. Tumigil sila sa may tapat ng KFC at nagmukha silang Endorser ng Fast Food Chain.

Lumapit si Lee sa kanya at hinawakan yung mukha ni Eloiza gamit ang dalawang kamay. “Too damn weird if the real reason of loving is just about the beauty outside. What if... inside that beauty is a beast?” he chuckled. “Kahit baboy ka pa, mahal kita.”

Korni— palaging sinasabi ni Eloiza kapag nagsasalita si Lee ng mga ganoong bagay. Pero nung mga oras na iyon, she became speechless. She kept her pabebe feeling inside as her face became red. Sa dinami-rami ng lalaking nagustuhan niya, si Lee lang ang nakapagpadama sa kanya ng ganoon.



They finished eating their lunch at KFC, no conversation, just focused on their foods. Napapatingin sa isa tapos pag nahuli, parang magnanakaw na nahiya sa ginawa.



Very bad, hindi sila katulad ng JaDine na magaling sumayaw, na nakakakanta at nakaka-arte.



The best thing in them is being natural. Hindi sila perfect match tulad ng idolo nila *KN o ng kahit sino pang couple. Sila yung tipo ng taong sa pag-shopping lang at pagkain, solved na ang araw.



Masaya silang nag-bonding sa loob ng Link In Café. Alam nilang iyon na ang huli nilang pupuntahan sa araw na iyon. After that, Sunday. Tapos back to school again.

“Hindi ka pa uuwi?”said Eloiza questionably, habang iniinom yung isang cup na Capuccino.



Lalaki si Lee. Isa pa, walang maghahanap sa kanya sa boardinghouse, except kung naroon pa si Riva na iniwan niya kaninang umaga.



“Kapag umuwi ka na. Uuwi ako.”

Pero kaagad na tumungo si Eloiza noong sinabi iyon ni Lee. Pakiramdam niya tuloy, nakapagsalita siya ng hindi maganda.

“Lee, hinahanap na ako sa amin. Sorry. Uuwi na ako. Eto yung gift ko. Bukas mo na ’yan buksan. Bawal ngayon,” she said as she handed Lee the white box.



First time iyon. Malimit pa nga siyang ginagabi ng uwi galing sa boardinghouse dati pero bakit ngayon pang espesyal na araw siya nagkaganito?



First time din iyon na tawagin siya ni Eloiza sa kanyang pangalan.



Kahit unti-unting nasasaktan si Lee, pinigilan niya si Eloiza bago pa makaalis. Inabot niya yung tutang nakakulong sa kanya at nagpatuloy na umalis.



No expression. Dire-diretso lang. Ni hindi man lang niya napansin yung cuteness ng tuta. Pero bakit may kakaiba siyang nararamdaman? Little by little, nararamdaman niya ulit yung mga karayom na palagi na lang siyang tinutusok. Napakalimit namang maglaro ng hangin sa pagitan nila.



Baka talagang hinahanap lang siya. Baka nga. Sana nga. He clenched his jaw and sighed in frustration... again.



Binitbit niya pauwi yung kulay puting nagmukhang mysterious pa dahil bawal buksan ngayon. He shook that box, trying to guess what’s inside of it. Isang bagay ang tumalsik talsik sa loob noon. Siguro, panggulo lang na bato.



She's Inlove With The Campus WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon