Chapter 15

4 1 0
                                    

Never chase people, let the time come when people will start coming to you and let them stay.



Lee’s POV

Finally, it’s November 27. Nagising akong wala sa itaas ng kama si Riva. Bakit nga ba hindi pa siya umaalis? After saying so many curses, natu-turn off na ako sa kanya. Gusto ko pa naman sanang makipagkaibigan. Ganoon naman talaga kapag sa ibang bansa lumaki— hindi masyadong big deal yung pagmumura kahit may nasasaktan na. I was on the verge of getting the box, nung may maamoy ako sa kusina. Since maliit lang naman itong inuupahan kong boardinghouse, madali kong matatanaw yung bawat parte nito.

“You awake already? N-nnaglutoh akoh,” said Riva when she sighted me a few meters away from her.



Woah. Talagang nagpapakapagod siya para dito? I sighed. Kakaiba rin ‘tong nilalang na’to. Biruin mo— ni wala nga kaming commitments pero may pakielam siya sa akin? Well I should be the one who’s cooking. Napapahiya pa ako, nagkakalalaki pa naman.

“Good morning.” I laughed in a quiet manner. “Well, you must have been sleeping right now. Kaya ko naman na magluto para sa’tin.”

She chuckled at saka kinuha yung siyanse para ahunin yung niluluto. “Yow man! Trying to be a gentleman huh? Nevermind. I’m not gonna die if I cook breakfast for this day.”



She was too busy cooking EGG. Dafuck! Sa pagkakaalam ko eh naubusan na talaga ako ng stock nun sa Ref eh. Tapos nung nagpunta naman kami ni Eloiza kahapon sa Biggest Supermarket dito eh ubos na. So, siguro, sinadya niyang mamili? The next thing happened to me was a small smile.



Nakakatuwa naman pala siya minsan.



To Babe:
Good morning 😘😇  Gonna open your gift.
5:56 AM



I waited for a reply...

I waited for minutes..

Then I got... F CKIN’ NO REPLY.



Naghintay pa ako ng ilan pang sandali at kung anu-ano na namang bagay yung pumasok sa isip ko. Maaga pa kasi eh. Siguro, tulog pa siya. Or, maybe she’s doing something important? Pero maaga pa talaga eh. Sobrang aga pa. Or the best excuse— wala siyang load?



Damn. Mayaman siya. Malamang na naka-plan yung sim. Ayokong isipin na ayaw niya lang talaga na pansinin. I’m overthinking. Stop!

“Breakfast ready!!!” she shouted mirthfully pero wala akong gana.

I sighed. “Later, gonna open something. Mabilis lang. You can eat if you’re already hungry—”

I was cut off. “No,” she said.

“Well I’m not sure if this will take—”

She cut me off again. Eyes furrowed, she said, “Hihintayin kitah.”



And then my heart didn’t skip a beat. She pronounced that straightly. Hindi na siya nauutal. But there’s something I could not explain.



Bakit ba sobrang weird niya?
Or should I rephrase what I’ve been thinking— Bakit ba ang weird ng feelings ko?



Hindi kasi ako sanay na nagsasalita siya ng Tagalog lalo na kapag parang may hugot eh. Then I realized that I was gazing intently into her eyes. Kaagad ko yung tinanggal at saka kinuha yung malaking kahon.



Masyadong makapal yung pagkakabalot roon kaya hindi naging madali para sa’kin yung pagbubukas. When I finally opened the box, I was stupefied!

She's Inlove With The Campus WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon