Chapter 17

9 2 0
                                    

I just want you to be happy. If that's with me or with someone else or with nobody. I just want you to be happy.



I can only hear sighs around. Iyong pagtikhim nila. Nakaka-awkward tuloy. Masaya ako sa ginagawa niya, na kahit papaano eh nakapagbibigay ng konting ngiti sa akin. Pero parang ayoko din. Paano kaya kung makita kami ni Eloiza 'di ba? Baka isipin niya na ganun lang kadaling talikuran lahat para sa'kin.

"Maupo ka," I offered to Riva as I pointed the vacant seat beside me (Liam's Seat) and so she did.



Unfortunately, bigla namang dumating iyong Ulupong at malamya niya kaming tinitigan. I didn't mind his presence. Tahimik si Riva at nakakapanibago. She's about to go nung mahawakan ko iyong kamay niya... ng hindi ko sinasadya. Nanliit iyong mga labi niya at saka napangiti, pero hindi mo mababakas roon iyong kasiyahan. Liam's attention was stuck on us, nakakapagngalit. We're too close.. Kaming tatlo at konting pag-uusap lamang eh maririnig.



"Can you help me in interviewing some students for the last Article?"

"Sure!! I will. Yeah. I have to fix myself. Just wait here okay?-"



She was about to run. She's going to accommodate me but she was cut off from speaking.



She stopped.

"No need. Ako na lang. Kaya ko na iyon." Gusto niyang akuin na naman iyong hindi niya kayang gawin. Ganun naman siya eh. Wala ng ginawa kundi paasahin kami. Akala mo tutulungan ka niya tapos sa huli, mare-realize mo na ginamit niya lang iyong oras para sumaya siya. At yung oras na dapat para sa'yo, mailalaan mo na lang iyon sa pag-aayos ng mga bagay na ginulo niya. Iyon bang oras na dapat masaya ka at ine-enjoy mo ang life, hindi mo na magagawa dahil inilugmok ka niya at hindi ka na makakalakad.

"Kami na."

"Ako na."

"Kami na nga."



Para akong nagsabi ng isang joke. Nagtawanan iyong mga nasa loob especially Rem. She's going to explode.

"Sila na daw!" she blurted.

Tumigil ka! Gusto ko sana iyong sabihin kay Rem dahil seriously speaking, sobrang daldal niya. But I was too focused on him. In all hardships he caused to me. In all the disasters he made and I was always the victim.



Tapos. Si Eloiza naman ngayon yung Mission niya sa paglalaro. At hindi ko hahayaang saktan niya iyong babaeng mahalaga sa akin.



I sneezed. Riva sneezed. And what the f ck! He's still smiling. Lumapit pa siya ng konti. He hanged his right arm on my shoulder. Napaka-feeling close! I shrugged off.

"Dun ka na. Masaya ka na 'di ba? Wag mo na akong guluhin. Mamaya ako na naman yung maging dehado sa paglalaro mo.!"

I kept my tone high and loud. Ewan ko. May pagka-OA eh pero gusto ko lang magalit.

"Nagmamagandang loob lang ako." He's too seroius with his words. Parang nanliligaw tulad ng mga salita ng kandidato. Pero hindi pa rin ako mapapaikot ng mapaglaro niyang dila. "I realized na wala akong kwentang Associate Editor-"

I smirked and cough. "Tangina ka pare. Buti alam mo." I made some chuckles kaya bakas na bakas sa mukha niya iyong pagkalungkot. "Sana nga kahit minsan, maging maganda iyong loob mo. Kasi sobrang sama.. Sobrang pangit. Papunta na ng trash can."



Bahala na siya. Wala na akong pakielam sa mararamdaman niya. Ganoon din naman siya, yung sarili lang iyong mahalaga sa kanya. I can't take the rage in between us. Baka mamaya, makapanuntok pa ako. Hinila ko agad si Riva palabas ng building bitbit iyong Digital Camera para sa Recording. Interview bukas, dapat Chill. Wait, nasaan na nga ba iyong salitang Chill nung mawala si Eloiza sa buhay ko? Iniwan na rin ba ako?

She's Inlove With The Campus WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon