Chapter 16

8 1 0
                                    

Struggles are just trials of life. Don’t allow yourself to lose in your own game. Maybe you’ve done a lot of mistakes and experienced a lot of downfalls but everytime you commit mistakes, you learn. Everytime you fall, you’ll surely stand up.


I want clarifications. Gusto ko lang malaman kung bakit, pero hindi ko magawa dahil ayoko lang makasakit. Ayokong dagdagan pa iyong sakit na dinadala niya kapag kinausap ko pa. Ayoko lang din masaktan. Baka hindi ko matiis kapag hindi niya ako kinausap. Who knows, humantong lang lahat sa Suicide? Masyadong maraming drama iyong mga buhay namin kaya gusto ko lang mag-enjoy ngayon.


Life is short, ika nga ng marami. Pero sila nga ‘di ba? Hindi nila kayang mag-enjoy lang. Siyempre, wala talagang challenge kung walang dumadating na kadramahan. But how could I enjoy my short life if living in this very small world is lethal? Maikli nga iyong buhay pero napakaliit naman ng mundo. Tapos pag minamalas nga naman— magkasama pa kami sa iisang bubong.


Mag-iisang oras na ring dumaldal ng dumaldal iyong Prof sa unahan. Pero sa dinami-rami ng sinasabi niya, walang pumasok sa utak ko kahit isang ideya.

“What is the thing that forms physical objects and occupies space?”


Tahimik lahat. I was still gazing into something, hanggang nasa unahan ko na iyong Prof.


Para lang hangin na dumaan sa utak ko iyong katanungan. Hindi ko natatandaan.

Hindi ko alam. “Atom,” I answered in a haste.


Nanlaki iyong mata ng Prof. My answer gained a laugh from my classmates. I was in a doom.


Bakit kasi sobrang hirap makinig ‘pag may dinadamdam? Minsan nga, gusto ko na lang patayin iyong Prof sa unahan at pagtawanan. Sobrang daldal na talaga nila. Para silang isang paliwanag na sobrang hirap pakinggan— iyong tipong nakabibingi, nakakairita at nakaka-gago!


Araw-araw lang nangyari ito bago mag-Christmas vacation. Sobrang excited na talaga ako para doon. Iyon lang naman yung choice ko para makatakas sa lahat ng nangyayari. Maybe, I can fix what has been broken.

“Move on na kasi. Hindi makakaganda yang ganyan sa interview. You are going to inspire,” Rem blurted out.


Masyado silang concerned sa akin simula nung magkwento ako about sa nangyari. Tama siya. Dapat maka-inspire ako ng maraming tao, hindi yung una pa lang na makita nila ako, parang mararanasan na nila kung anuman iyong pinagdadaanan ko.

“Bukas na iyon. Alam kong kayang kaya mo ‘yan pare. Ikaw pa! Tapos treat mo ulit kami sa Linked In,” Baste said as he put his hands on my shoulder.

“Oo nga. Tapos mag-share ka sa’min ng konting cash. Sayang naman ‘yung pag-comfort namin sa’yo,” Rem added.

“Parang tanga ang mga ‘to,” I commented. Hindi ko maiwasang mapatawa sa kanila. “Konti lang naman siguro iyong ibibigay sa akin dun. Wag kayong mag-alala. Bibigyan ko naman kayo ng konting halaga eh,” I assured to them.


Malayu-layo pa iyong office kaya mas makapag-uusap pa kami habang naglalakad. Ilang araw na rin yung lumipas bago pa kami ipatawag ulit. Na-miss ko yung buhay kaharap ang monitor. Natatawa ako sa sarili ko kasi hindi ako makapagtype ng manuscript ‘pag wala akong katabing scratch paper. Dun ako nagtatagal. Sinisigurado ko kasing lahat ng gagawin ko, tama. Iyon bang pagkatapos, masaya lang at.. walang problema.


I heard Rem whispering some words na akala niya eh hindi ko narinig. That made Baste laugh balistically.

“Tigilan mo ako Rem ha? Pakinig ko yung sinabi mo. Wag kang mag-alala. Kapag 20,000 iyong nakuha ko roon, bibigyan naman kita ng mga 50 pesos,” I joked.

She's Inlove With The Campus WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon