Chap. 5 (First Monthsary)

771 27 4
                                    

You're just a memory.

____________________

Chap. 5 (First Monthsary)

Papunta na ako ng classroom ngayon. Buti na lang at medyo ok na yung sugat ko.

Galing kasi ng doctor ko eh!

"Zabrina." sino yun?

Lumingon ako dun sa pinanggalingan ng boses at nakita ko yung lalaking natapakan ko sa supermarket at yung nagtanong sa akin.

May hawak siyang paperbag.

"Kilala mo ako?" nagtatakang tanong ko.

"Of course. Kaklase kaya kita. Don't tell me... Hindi mo ako kilala?" hala? Classmate ko pala siya!

"Ahehe. Pasensya kana ha. Medyo lumulutang kasi ang utak ko netong mga nakaraang araw." si Travis kasi eh. Di ko maintindihan ugali.

"Bakit mo nga pala ako tinawag?" tanong ko.

"Ah etong jugging pants mo kasi naiwan mo sa hallway. Don't worry nilabhan ko na yan." tapos inabot niya sa akin yung paperbag.

"Nakakahiya naman! Dapat hindi mo na nilabhan. Sige mauuna na ako." paalis na sana ako kaso may naalala ako.

"Ano nga palang pangalan mo? Lagi ko kasing nakakalimutan itanong pagnagkikita tayo." kahiya naman. Ako kilala niya tapos siya hindi ko siya kilala. Si 'natapakan ko sa supermarket' lang ang tawag ko sa kanya.

"Jaden, Jaden Sy"

"Uhmmm. Ok. By the way Zab nalang ang itawag mo sa akin." ngumiti ako sa kanya tapos tumalikod na ako.

Maglalakad na sana ako kaso...

"Sabay na tayo nakalimutan mo naba magkaklase tayo?" sigaw niya.

"Ahehe.. Hehe... Oo nga pala." tapos sabay na kami pumuntang room.

Pagdating namin tinukso kami ng iba naming kaklase.

Bagay 'daw' kami...

Pasensya na lang sila may asawa na ako... Mwahaha! Isa pa yung dahilan kung bakit ako pumayag sa arranged marriage na yan. Ayoko sa mga boys na umaaligid aligid sa akin. May mga gwapo naman pero hindi ako tinatablan ng mga kagwapuhan nila.

Pero etong si Jaiden I feel comfortable with him. Parang ka vibes ko siya. I think so... Madaragdagan ang mga kaibigan ko...

Nag start na ang klase. As usual boring...

"Ms. Vergara!"

"Ms. Vergara!" napatayo ulit ako bigla dahil sinigawan ako nung teacher namin sa Computer.

"Yes Mam?"

"Are you listening?" tinaasan pa ako ng kilay.

"Yes Mam!"

"Ok. What is the last word I said?"

"Said Mam!" tumawa naman yung mga kaklase ko.

"Pinipilosopo mo ba ako?"

"No Mam." mabilis kong sagot.

"So what do you think you're doing?" tinaasan na naman niya ako ng kilay.

"Pilosopa po Mam. Because I'm a girl."

Nagsitawanan na naman yung mga kaklase ko.

"Quiet! Ms. Vergara answer this question." tumahimik ako at hinintay ko ang tanong niya.

"Who are the founder of Google?"

Sht! Sino ba yun? Magoogle nga! Mwahaha.

Napatingin ako sa right side ko kasi parang may tumatawag sa akin dun.

Officially MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon