Chap. 2 (Meet my Fiance)

948 23 0
                                    

Chap. 2 (Meet my Fiance)

"Zab bilisan mo na at baka naghihintay na sila!"

"Eto na po Mommy!"

Pababa na ako ng hagdan. Ngayon na kasi yung pinapagawa sa akin ni Mommy.

Pagdating namin sa resto kung saan i mimeet si Tita Wilma and her family I guess naupo na agad ako.

Ugh!

Gusto niyong malaman kung anong ginagawa namin dito? Pag uusapan lang naman nila ang marriage kuno na yan.

Pina arranged marriage kasi ako ni Mommy sa anak ng kasosyo niya. Di lang pala kasosyo bestfriend niya since 7 years old ata.

Nagulat kayo kung pano ako makakasal eh under aged pa ako?

Simple! Sa States kami papakasal. Legal na kasi ang aged ko para magpakasal duon.

Pasalamat sila at takot akong mawalan ng mana. Haha!

"Ma patingin nga nung picture nung anak nila Tita Wilma." naalala ko kasi sabi ni Mommy may picture siya nung lalaki. Kahit kasi close si mommy at Tita Wilma ang alam ko sa States nag aral yung anak niya.

"Sandali lang." tapos kinuha ni Mommy yung picture niya sa bag.

"Here." tapos inabot niya sa akin yung picture.

Tinignan ko naman yung picture...

Oh no! Seriously?! If I'm dreaming please wake me up!

Tumayo ako. Aalis na ako wala ring mangyayari dito. Palabas na ako ng resto kaso fvck! Papasok na sila.

"Oh they're already here!" narinig kong sigaw ni Mommy.

Para naman akong napako sa kinatatayuan ko nung nakita ko siya.

My god! Lagot na!

"Zab come here!" narinig kong sigaw ni Mommy.

Ano pa nga bang magagawa ko kundi umupo nalang.

Ohmay! Kaharap ko siya! The one na tumapak ng aking new shoes at yung katabi ko sa sine at yung nagdikit ng sticky note sa likod ko at yung taong Bipolar.

All this time siya pala yung pina arranged marriage sa akin.

Kung alam ko lang.

"Ok we're here para planuhin ang kasal niyo anak." sabi ni Tita Wilma. Siya ata Mommy ni lalaking Bipolar.

"What?!" pasigaw na tanong ni lalaking Bipolar.

"We already talk about this iho." singit naman ni Tita Wilma.

"K Fine." cold na sagot ni Bipolar.

"First I want you to know each other. Iha this is my son Travis." sabi ni Mrs Armiza I mean Tita Wilma. So Travis pala ang name niya.

"And this is my daughter Zab." sabi naman ni Mommy.

Tapos ayun pinagusapan na nila yung tungkol sa wedding kuno na yan. 17 na pala si Bipolar I mean Travis. Tapos may dalawa siyang kapatid. 16 years old Tracy ang pangalan at 20 years old Tippy naman yung name. Kasing edad ko lang pala yung isang kapatid niya.

Nag momodel din pala siya kaya medyo sikat din. Kilala as the future owner of Armiza industries kaya talagang habulin.

Tapos next month na daw ang kasal para before pasukan eh Mrs Armiza na din daw ako tapos lilipat din daw siya sa school ko para magka schoolmate kami pero hindi namin ipapaalam na kasal na kami kasi mahirap na daw at baka pagchismisan pa kami. Atyaka candidate siya bilang student council president. Eh ang alam ko bawal may asawa or karelasyon pag student council president ka. Actually di naman talaga bawal parang sinasabi na mas qualify at mas ok kung walang karelasyon yung student council president. Kasi nga maramin trabaho. Kaya nga naiinis ako eh ba't kailangan pang magpakasal eh ang bata ko pa. Kaya ang apilyido ko parin ang gagamitin ko sa loob ng school. Aba dapat lang! Ang makakaalam lang nito ay ang parents namin, kami, some relatives at si Manang Ces. Tapos magsasama na daw kami sa iisang bubong after ng kasal kasama ni Manang Ces.

Wait! What? Tama ba ang sinabi ko? Makakasama ko siya sa iisang bubong?

Ano ba yan! Ano bang buhay to? Kung di lang dahil sa mana ko hindi ako papayag sa marriage kuno na to eh.

"Okay then, it's already settled ang wedding niyo ay sa May 06 na." sabi ni Mommy.

Ok May 06. Duh! The hell I care.

Tapos nun kumain na kami. Pero etong si Travis ang sama ng tingin sa akin.

Grabe naman ano bang ginawa ko? Psh! Duh! I don't care!

Umuwi na rin kami after nung marriage kuno nila. Deretso agad ako sa kwarto ko para magpahinga.

Ugh! Grabe lang talaga tong araw na to. Sana huminto ang oras para di na matuloy yung kasal.

-Travis' POV-

Nandito ako sa Mall kasi gusto makipagkita ng friend ko.

Nasa bilihan daw siya ng popcorn. Hanap hanap... Bingo! Nakita ko na siya. Kaso may babaeng nakaharang. Lumapit na ako kaso nakatalikod naman sa akin yung kameet ko na kaibigan ko. Nakaharang naman tong babaeng to.

Humakbang ako pa kanan kaso humakbang rin pala. Pakaliwa na nga lang. Humakbang din siya. Kinalabit ko na lang yung kaibigan ko para makita na niya ako binati niya ako tapos tinapik sa braso.

Kaso na out of balance ako kaya napatapak ako pa kanan. Kaso sa kasamaang palad natapakan ko yung sapatos nung babae.

Tinignan niya ako tapos tinapakan din niya yung sapatos ko.

The fvck! Why did she do that? Hindi ba niya alam na bago lang tong sapatos na to at sa states ko pa to binili!

"Ba't mo ako tinapakan?" cold kong tanong. Nakakainis tong babaeng to! Di ba niya alam yung word na 'accident'? Kaasar! Masyadong isip bata!

Binelatan ba naman ako tapos tumakbo paalis.

Ugh! I hate this day!

Nag paalam muna ako sa kaibigan ko na mag Ccr muna tapos kitain na lang daw niya ako sa labas ng sinehan.

Pagkatapos kong tanggalin yung dumi sa sapatos ko dumeretso na ako sa sinehan. Nakita ko naman agad yung kaibigan ko kaya pumasok na kami.

Kasama daw pala niya yung iba pa naming kaibigan.

Ugh! Ano ba naman yan may katabi pa akong babae. Pano ba naman kasi puno tong sinehan.

Wait... She looks familiar. Ahhh... Siya yung tumapak sa shoes ko.

Yung isip bata na babae. Nakayuko pa kala mo naman di ko siya makikilala.

"Wag ka nang magtago nakita na kita." cold kong sabi.

"H-hindi a-ko nagt-tatago inaantok lang ako. Ang tagal kasi mag start nung movie." hindi daw pero nag stammer siya.

Sinungaling. Psh!

Dinedma ko nalang siya kasi nagsimula na din yung movie.

Bulong siya ng bulong sa sarili niya habang nanunuod.

Baliw kaya to?

Yumuko siya mukhang matutulog ata.

Wait! I have an idea. Buti nalang at boy scout ako.

Chada! Tapos na! Buti na lang at tapos na din yung movie. Tumayo na ako at umalis tapos inabangan ko siya sa labas.

Hahaha! Nakakatawa yung reaksyon niya nung nalaman niya yung ginawa ko sa kanya.

Umuwi na ako pagkatapos nun kakausapin daw kasi ako ni Mommy eh.

Sabi na nga ba eh! Yung kasal ko na naman yung paguusapan namin eh. At first ayokong pumayag diyan kaso sabi niya tatanggalan daw niya ako ng mana pag di ako pumayag kaya pumayag na ako. Ang unfair lang diba? -,-

-----------------------------------

Travis --->

_________________________

A's Note : Comment kayo. :) Tenchu.

Officially MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon