Chap. 4 (Getting closer)

782 22 1
                                    

No matter how much you tell yourself you're over someone, your heart knows the truth.

________________

Chap. 4 (Getting closer)

"Hoy babae!"

"Engot!"

"Hoy!" ano bayun?

"Ano ba natutulog pa ako eh!" sigaw ko.

"Gumising kana! May pasok pa kaya tayo!" tayo?

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Travis na nakatayo sa gilid ng kama ko.

Napaupo naman ako bigla.

"B-bat andito kapa? Ba't di kapa pumapasok?" nanginginig kong sabi.

"Hinihintay kita!" hinihintay? Hinihintay niya ako?

"Ba't mo ako hinihintay? Nakalimutan mo naba hindi tayo pwedeng sabay pumasok?"

"Anong pinagsasabi mo diyan?" tapos tinaasan niya ako ng kilay.

"Hinihintay kitang magising kasi ibibigay ko tong assignment mo." ah ok. So yun pala yun? Feelingera lang ako. Haha! Asa naman akong babait tong halimaw na to at isasabay ako pag pasok.

Kinuha ko yung notebook ko sa kanya.

"Sige pasok na ako!" tapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Pagdating ko sa room lumapit agad sa akin yung dalawa kong friendship!

"Anong kailangan niyo?" tanong ko agad.

"May assignment ka?" nag puppy eyes pa ang dalawa. For sure mangongopya sila.

"Oo naman!" proud kong sagot.

"Sinong gumawa? Impossible naman ikaw eh lutang yang pagiisip mo kahapon habang nagdidiscuss si Mam."

"Yung asa--- I mean si Tra---" arghhh! Di ko nga pala pwedeng sabihin.

"Sino?" sabay nilang tanong.

"Si si..." Zab isip.

"Si Mam! Andiyan na si Mam!" buti nalang dumating na yun prof kaya nakatakas ako.

Buti na lang at nasurvive ko ang buong week na pag aaral.

Sunday ngayon at dahil nilikha akong mabait kaya magsisimba ako.

Si Travis? Malay ko dun. Bait kong asawa noh? Mehehehe!

After ko magsimba kumain muna ako sandali.

Habang kumakain napalingon ako sa kanan ko.

O_O may nakita akong pamilyar na tao.

I mean halimaw! Haha!

Si Travis nakita ko may kasamang babae. Dalawa lang sila.

Tapos tapos... Hinawakan pa niya yung labi nung girl.

Lumabas na sila ng resto pero dahil transparent ang wall ng resto nakita ko pa sila na nagyakapan.

Maganda naman yung babae. May taste rin pala tong mokong na toh. Baka girlfriend niya.

Psh! Pake ko ba dun.

Haha! After kong kumain umuwi na ako.

Nagpalit ako ng damit. Nag shorts ako tapos hanging na sando.

Medyo mainit kasi ang panahon ngayon eh.

Pababa na sana ako papuntang kusina para kumuha ng pagkain kaso narinig ko si Travis may kausap.

Officially MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon