Chap. 7 (Date?!)

613 22 2
                                    

You'll always have a special place in my heart.

_______________________

Chap. 7 (Date?!)

- Zab's POV -

Saturday ngayon.

Ka bored haysss.

Bumangon ako tapos naligo naisip kong mag grocery.

Wala kaseng foods dito sa bahay eh. Para at least sa susunod na maiwan ako sa bahay may makain naman ako.

Pagkatapos ko maligo lumabas na kong kwarto sakto namang paglabas din ni Travis.

"San ka pupunta ha?" tanong niya sakin.

"Pakelam mo?" tanong ko sa kanya na nakataas pang kilay.

"Asawa mo ko baka nakakalimutan mo." cold na sagot niya sakin.

"Mag go grocery lang para sa susunod na di umuwi asawa ko at maiwan akong magisa dito sa bahay ay may kakainin ako." sagot ko tapos pababa na ko.

Pero bigla niya kong hinila.

"Ano ba?! Tss." sigaw ko sa kanya.

"Ano bang topak mo? Ba't ganyan suot mo?" tanong niya sakin.

"Bakit? Ano masama sa suot ko?" tanong ko sa kanya.

Wala naman kaseng masama sa suot ko eh. Duh!

"Anong masama? May asawa! Babae ka! Tas suot mo hanging sando tas shorts na ubod ng igsi."

"OA mo ha." sigaw ko.

"Magpalit kana. Hintayin mo ko sa baba sasama ko." sagot saken.

"Hoy hoy! Anong sinabi mo? Sasama ka?" tanong ko.

"Oo at bakit?" tanong niya.

"Wala. Oo na po Mister. Bilisan mo maligo ha." sigaw ko tas pumasok na ko sa kwarto tas nagpalit ulit ng damit.

After 9876543210 years nakaalis din kami.

Nag kotse na kami papunta dun.

Kotse ko ginamit wala na daw gas kotse niya. Palusot niya.

Pag dating namin sa Grocery kung ano ano pinagkukuha ko.

Ang saya. Di man kase ako gaanong nag go grocery eh. May katulong naman kasi kami non sa bahay.

Tapos ang saya pa kase bumili na din kami ng ibang gamit sa bahay ni Travis. Hihi.

"Travis, Red or Blue?" tanong ko sa kanya habang hawak yung set ng mga pinggan.

"Bilhin mo na parehas. Para pag may bisita marami tayong pinggan tas stock nalang muna natin sa cabinet." sagot niya.

Nilagay ko parehas sa cart.

Tapos bumili kami ng blinds.

Tapos Carpet na super cute ng design.

Bumili na din kami ng bagong bed sheet.

Parehas kami ng design pero mag kaiba ng color.

Tapos bumili din kaming bagong toothbrush parehas din design magkaiba ng color.

Pagkatapos namin bayaran mga pinamili namin umuwi na kami sa bahay.

Inayos na namin yung bagong gamit. Siya naglagay ng blinds tapos ako nagpalit ng bed sheets namin.

Si Manang di na namin inistorbo nakakahiya eh.

Pagkatapos namin mag ayos pinababa ako ni Travis andun na pala si Manang Fe.

Magluluto siya ng masarap na dinner tapos may dessert pa. Wow!

Naupo ako sa sala habang busy sa kusina sila Manang Fe at Travis.

Nanunuod ako ng TV habang kumakaen ng Ice Cream.

"Zab!" sigaw sakin ni Travis.

"Oh bakit?"

"Gusto mo nabang makakain?" tanong niya sakin.

"Oo naman! Bakit luto naba?" tanong ko.

"Eh kung tumulong ka kaya dito para mabilis tayong matapos tsaka para di gaanong mapagod si Manang."

Tumayo na ko agad pag kasabi niya non tapos pumunta sa kusina.

Nakakahiya kase sila may ginagawa ako wala. Hahaha!

Pagdating ko dun pinatulong ako ni Travis kay Manang Fe maghiwa.

"Zab, parang mag asawa na talaga itsura niyo ni Travis." sabi sakin ni Manang habang naghihiwa kami.

"Oo nga po eh. Lalo na kanina nung nag go grocery kami pakiramdam ko mag asawa na po talaga kami." nakangiti kong sabi.

Sa sobrang tuwa ko sa paguusap namin ni Manang Fe di ko napansin nahiwa ko na pala sarili ko.

Sa daliri lang naman tapos pahaba.

"Zab! Ano ba yan di kasi nag iingat eh!" sigaw bigla sakin ni Travis.

Pinunasan niya agad yung dugo tapos ginamot niya tas nilagyan ng band aid.

Ang sungit sungit niya habang ginagamot niya sugat ko tas nakakatakot siya.

Pagkatapos non di na niya ko pinaghiwa.

Umupo nalang ako sa tabi ni Manang Fe.

"Mukha na talaga kayong magasawa." nakangiting sabi sakin ni Manang.

Watda? Manang bulag kaba? Sasabihin ko sana yan kay Manang kaso ang bastos ng dating. Hahaha!

"Anong pong parang magasawa dun? Inaway nga ko eh." inis na sabi ko. Sorry Manang nadamay ka sa inis ko. Hahaha!

"Yun nga eh. Alam mo ba ang asawa ko nung mga ganyang edad kami sobrang alaga sakin non. Tapos pag nasasaktan ako nasusugat ganoon sobrang nagagalit sa akin yun." pag e explain sakin ni Manang.

Sabagay may point si Manang.

Dadating kaya yung day na yun?

Na wala na yung salitang PARANG?

Na talagang mag asawa na kami.

Yung nagmamahalan na talaga kami.

Hay Zab! Stop na kakaisip ng ganyang mga bagay.

Napo polute na isip ko. Huhu.

Pag katapos magluto ni Travis sabay sabay na kami kumain.

Tapos dessert tapos natulog na si Manang.

Nag movie marathon muna kami ni Travis bago matulog.

Pero sa kalagitnaan ng Movie...

Ayun. Nakatulog ako.

Zzz.

________________________

Author's Note: Guys! Sorry kung ngayon lang naka pag update. Thanks paren sa mga nagbabasa and support. :*

Fan. Vote. Comment. :)

(c) msnyxstranger

Officially MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon