Chap. 11 (Confession)

245 12 1
                                    

You are the one.

_____________________

Chap. 11 (Confession)

-Zab's POV-

Back to basic.

Di ko na naman siya masyadong nakakasama ngayon.

Pano ba naman kasi masyadong busy sa school.

May School Fair pa naman ngayon.

Eh diba siya nga yung SC President?

May mga booth kaming inihanda ngayon.

2 class ang nagaasikaso per booth.

Pero yung iba di naman tumutulong.

Tulad ko.

Haha!

Nakaupo lang ako dito sa booth namin.

Sila KC at Kia ayun naghahanap ng mahuhuli.

Jail Booth kasi amin eh.

Pag walang ID ayun kulong.

Or pag may nagbayad para ipahuli ka.

Tapos 1 hour kayong lock up dun sa isang room.

Walang bayad bayad para pakawalan.

Dapat talaga maghintay.

May CCTV naman yung room para in case may mangyari sa loob.

"Zab ikaw muna dito mag c CR lang ako." sabi sa akin ni KC.

"Okay sige." sabi ko tapos naglakad na ko papunta dun sa counter.

Nakaupo lang ako ng may lumapit.

"Pwede pong pakihuli si Mr. Armiza." sabi nung isang student sa harap ko.

Wtf?! Si Bipolar ba tinutukoy niya?

"Maraming may Armiza na surname dito sa school." cold kong sabi.

"Eh syempre Ate yung pogi. Si Travis po yung president ng SC." kinikilig pa niyang sabi.

"Okay sige. Downpayment 50 pag nahuli na namin tsaka mo babayaran yung 50 pa ulit. Pakipirmahan nalang to." sabi ko sabay abot sa kanya nung list namin.

"Sige po, thanks po Ate." sabi niya tapos nagabot na ng 50.

Kinikilig pa amm.

Kebata bata eh.

"Pst." tawag ko dun sa isa naming kaklase.

"Bakit?" tanong niya.

"Pakihuli si Mr. Travis Armiza pag nakita niyo siya. For request." cold kong sabi.

Nakaupo lang ako counter ulit.

Buti nalang may music.

Sa quad kasi kami naka pwesto.

Eh may dedication booth.

Mag papatugtog sila ng Music tapos idededicate sa isang tao.

Parang ngayon.

"Now Playing Jealous dedicated to Ms. Rochelle Ramirez." sabi nung lalaki dun sa nagaayos ng booth.

Uy sakto.

Favorite song ko yan ngayon eh.

Nakikisabay lang ako sa tugtog hanggang matapos.

"Now Playing Akin kana lang dedicated to Ms. Zabrina Jane Vergara."

Officially MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon