Chap. 13 (Retreat)

293 14 5
                                    

Chap. 13 (Retreat)

"Zab iha. Nandiyan na bisita mo sa baba, aalis na yata kayo." binuhat ko na yung maleta ko pababa.

Sa Batangas retreat namin.

"Tulungan na kita." tumayo si Jaden sa kinauupuan niya tapos tinulungan ako magbaba ng maleta.

Nag offer na siya kahapon pa lang na sabay na daw kami pumasok since hindi ako mahahatid ni Mang Arthur kasi coding ng car ko.

As if namang pwede ako isabay ni Travis.

Pagkadating namin duon inorganize na per section isang bus.

Pero yung mga Officers kalat sila at di nila kasama yung mga section nila.

Para daw may dagdag na magbabantay per bus.

Ang officer sa amin is si Jaden at di ko kilala yung isa.

Di ko nakita mukha eh.

Si Xander sa likod banda nakaupo.

Katabi niya yung kaklase namin na may crush sa kanya.

Sa bagay marami namang nagkakagusto sa kanya eh.

Ako si Jaden nga katabi ko tapos si Kia at Khaysi magkatabi.

Tahimik lang kami lahat sa biyahe.

Nag pray muna bago pinaandar yung bus.

Patulog na sana ako nung may biglang sumigaw.

"Asa ka! Si Zab ang gusto ko!" napatingin kami lahat sa likod.

Tapos tumayo yung officer sa harap.

Omg.

Si Travis yung nagbabantay sa bus namin?!

"Eh may ibang gusto si Zab at hindi ikaw!" sigaw naman nung babae.

"So what? I'll wait until she likes me." si Xander pala yun.

"Yes! Go Team Alexander!" sumigaw naman tong si Kia.

Hala nababaliw naba sila?

"No! Team Travis!" sigaw naman ni Khaysi.

Napayuko na ko.

Grabe nakakahiya sobra.

Napansin na yata ni Jaden na nahihiya na ko kaya tumayo na siya at sinaway sila.

"Students, maupo na kayo. Ikaw Xander dito kana sa tabi ni Rico maupo. Magpalit kayo ni Carlo." tumayo naman si Xander at lumipat sa tabi ng kaklase naming si Rico.

"Tss. Yung malanding Zab kasi eh!" sigaw pa ulit ni Patricia. Yung kaninang nakipag sigawan kay Xander.

"You! Shut up!" nagulat kami ng sumigaw si Travis at tinuro pa niya si Patricia.

Agad namang natahimik si Patricia.

"Yieee, kilig Girl." pangaasar naman ni Khaysi.

Pagdating namin sa place pinapunta na kami sa designated rooms namin at pinaayos na ang gamit namin.

Tapos sabi bukas pa daw mag start ang activities kaya free day muna.

Ang kasama ko sa room ay sila Khaysi, Kia, and oh no. Patricia.

Pagdating dun bulong parin ng bulong si Patricia.

Di ko nalang pinapansin.

Gusto na ngang sabunutan nila Khaysi eh.

Officially MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon