CHAPTER 17Aj's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto at nakahilata sa kama
11:45 na pero hindi pa ako nakaka-tulog dahil sa mga narinig at nakita ko
Flashback
"I said stay away from her" boses ni kuya Peter
Sino si 'her'?
"No,that i finally found her!"
Sino ba talaga si 'her'? Pero pamilyar yung boses at si---
"Si-s-si Steven" I mumbled.Anong koneksyon nilang dalawa?
Tumawa si Kuya peter.Parang ibang Kuya ang nakikita ko ngayon.First time ko lang siyang nakita na ganan siya
"Please let us---"
End of Flashback
Nagising na lang ako na nasa labas na ako ng bahay.Nakahiga sa kalsada.Pero may papel akong nakita sa paanan ko at hanggang ngayon hindi ko pa din nababasa
kinuha ko ulit yung papel na nasa side table lang.
Umpisa pa lang 'to ---- Malapit mo nang malaman lahat ng tunay na pagkatao mo..
Huh? Hindi ko mabasa 'yung nakasulat dahil umambon nga pala kanina kaya yung ibang word ay nagkalat-kalat ang tinta
Pero ano 'yung ibig sabihin ng Malapit ko nang malaman ang tunay na pagkatao ko?
-Kinabukasan-
Hindi muna ako sumabay sa mag kambal.Naglalakad ako ngayon dito papasok sa school.Wednesday pala ngayon kaya half class lang kami sabay dun sa sports.
Ang daming tanong na nasa isip ko na hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang sagot.
Una,anong koneksyon ni kuya kay Steven.Pangalawa,sino si 'her'?.Pangatlo,pano ako napunta sa labas ng bahay namin pang-apat, anong ibig sabihin nung nasa sulat at madami pang iba na tanong.
Naiistress ako.-_-
Napatigil ako sa paglalakad ng may nagtakip ng mata ko.
"Sino 'to?" Sabi ko habang kinakapa ang kamay niya.
"Hmm?" boses lalake na para bang hulaan ko kung sino to.
Kapa padin ako ng kapa ng maitanggal niya ay humarap ako kung sino man yun.
Malabo pa lang ang paningin ko nang malaman ko na si kyle lang pala yun
"Oh? Bakit?" Tanong ko sa kaniya
"Ang sungit naman" sabi niya
Naglakad na ako habang nasa likod ko siya.Bakit ba ang sama agad ng pakiramdam ko kay kyle? Eh wala naman siyang ginagawa ah?
"Wait! Hinatyin mo ko" sabi niya ng sabay na kaming naglalakad
Papasok na kami sa aming building.
BINABASA MO ANG
Don't fall to a Gangster
Teen FictionAlisa Jerkins Austria,a 17 years old in high school and an ordinary girl to meet with a wealthy man----wait? wait? mayaman na lalaki? well ayaw ni Alisa sa mayayaman na lalaki.Pero sino kaya itong lalakeng ito na kinaya ng sikmura ni Alisa para sa i...