MISSION PART II

2.4K 83 2
                                    

(Liezel POV)

Tumalon na ako sa karagatan ng Magiquesty....

Iniisip ko kung ano ang ipapalusot ko sa Hari at Reyna ng karagatan kapag tinanong nila ako kung paano ako nakalangoy sa Tubig....

Napabuntong hininga tuloy ako ng malalim...

Habang lumalangoy may mga sumugod sa akin na mga Black Mermaid..

Paano nagkaroon dito ang mga ito?

Sinugod ako ng Tatlong Darkilan Mermaid at Dalawang Shockoi

Halata naman na mga Darkilan sila dahil may mga Tattoo silang Black Tale sa mga muka nila..

Pinalibutan ako nilang Lima..

"Bakit kayo nandito?" Malamig kong tanong sa kanila...

"Inutusan kami ni King Dracula na maglaganap ng Kasamaan dito" seryosong sabi ng Shockoi...

"Kung ganon! Hindi ako papayag!" seryoso kong sabi sa kanila..

Pinagtawanan lang nila ako at sinugod...

Nailagan ko naman ang lahat ng mga ginawa nila...

Tapos na'ba sila? Ngayon ako naman!

Nagpalabas ako ng Water Ball na may Halong Thunder Ball , sinamahan ko'na din ng Illusionist para hindi nila malaman na Dark Magic ang kapangyarihan ko...

Inihagis ko sa kanila ito!

Isa-isa silang naglaho...

Pinagpatuloy ko ang paglangoy hanggang sa makarating ako ng Water Palace pero bago pa ako pumuntang Water Palace ay nagTransform ako as a Mermaid

Kulay Black with Gold ang kulay ng aking Buntot..

ginamit ko ang Power kong Illusionist para kulay Blue ang makita nilang Buntot sa akin...

May mga nakita akong iba't ibang isda...

Mga lumalangoy na Sirena at Sireno...

May lumapit sa aking isa sa mga Mermaid...

"Magandang araw sa inyo. May maitutulong ba ako? ^__^" sabi ng babaeng serena na lumapit sa akin...

Ngumiti naman ako bago sumagot sa tanong niya...

"Nandito ako para sa isang Misyon ^__^ galing akong Fortressa Academy at kailangan kong makausap ang Hari at Reyna" nakangiting sabi ko....

"Ganon ba? Sumunod ka sa akin" sabi niya....

Tumango naman ako sa kanya at lumangoy pasunod.....

Habang papunta kami sa Hari at Reyna....

"Ako nga pala si Leila ^__^ isa ako sa matalik na kaibigan ng Pinsan ng Prinsipe. Si Penelope Clearwater . Kilala mo ba siya?" Tanong sa akin ni Leila daw?

"Ah, oo.. kilala ko sila dahil mga kaklase ko ang mga iyon ^__^" nakangiting sabi ko...

"Talaga?! Ikamusta mo na lang ako kay Penelope ha? Namiss ko na talaga siya eh." Sabi niya sa akin habang may lungkot sa mga mata pero nakangiti pa'din..

"Huwag kang mag-alala ^__^ magkikita din kayo." Sabi ko sa kanya ...

Nakarating na kami sa Water Palace at pumasok sa loob...

Tinignan ko ang kabuuan nito...

Parang mga Cloud ang mga Bubble.. ang gaganda :))

Nang makapasok kami ay nakita ko ang Hari at Reyna na nakaupo sa Trono nila...

DRAGONIAN PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon