Chapter 1 - Mystic High Academy?

27 2 0
                                    


ANASTASIA'S POV

"Huy four! kanina ka pa tulala dyan ah!" Sigaw sa akin ni Five na kasulukuyang nakakunot ang noo "Tapos na klase natin huy!" pagkasabi nya nun ay bigla akong natauhan tumingin ako sa buong classroom nagsisitayuan na lahat ng kaklase namin, nasobrahan siguro ako sa
pag-iisip kung anong kakainin namin mamaya. Hays. sa hirap kasi ng buhay namin ngayon ay hindi ko na alam kung paano ko pa sila mabibigyan ng baon at pagkain sa araw-araw.

Oo, tama kayo ako ang nagbibigay ng baon at pagkain sa mga kapatid ko actually hindi ko sila tunay na kapatid, Hindi ko talaga alam kung sino rin ako pero ang sabi sa akin ni nanay lucia, ang nanay ng mga tinuturing kong kapatid na kinupkop ako ay nakita nya daw akong pinagtitripan ng mga estrangherong lalaki sa daan noon. Nilapitan nya ako at pinagalitan yung mga lalaki upang lubayan ako.

Hindi ko nga daw matandaan kung saan ako nanggaling at sino talaga ako kaya naisip niyang kupkupin ako. Lucy ang pinangalan sa akin ni nanay lucia noon pero nung makita nyang may pangalan na "ANASTASIA FOUR MYST" ang nakaukit sa kwintas ko ay yun na ang ipinangalan nya sa akin nang sa ganon daw ay kapag hinanap ako ng mga tunay kong magulang ay malaman na ako iyon dahil sa pangalan ko.

Naging mabait sa akin si nanay lucia at pati narin ang mga anak niya sayang nga daw kung naabutan ko lang daw ang yumao nyang asawa ay matutuwa daw yon dahil may anak nanaman siyang babae. Pinag-aaral nya kami ng mga anak nya sa public school at madalas sa gabi pagkauwi ko galing school ay natulong ako sa kanya magtinda sa palengke. Naging masaya ako sa kanila at ramdam na ramdam ko talaga na mahal nila ako bilang isang kapamilya nila.

Ngunit sa Siyam na taon na pagkupkop nila sa akin, isang araw pagkauwi ko galing eskwelahan ay nakita ko nalang si nanay lucia na nakahandusay at walang malay. Na-stroke si nanay lucia sabi ng doktor at wala na raw pag-asang mabuhay. Simula non, ako at si five, ang ka-edad ko sa tatlong magkakapatid ang nagtataguyod ng pamilyang ito.

imagine, 17 years old na estudyanteng tulad namin ay nagtatrabaho at nagtataguyod na ng isang pamilya. Wala naman sa akin yun dahil utang na loob ko narin ito kay nanay lucia sa pag-aalaga nya sa akin sa Siyam na taon na yun.

So yon, magbalik tayo sa kasulukuyan.


"Iniisip ko lang five kung paano ako makakabili ng pagkain natin mamaya. naalala ko kasi kahapon ay sa umaga lang tayo nakakain naaawa ako kila jude at kate" sabi ko habang palabas na kami ng school, minsan kasi ay hindi na kami nakakakain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa mahina ang benta ko sa palengke. Si five naman na nagtatrabaho bilang factory worker ay hindi pa sumasahod.

"Wag mo ng isipin yun four ako ng bahala mamaya mangutang muna kila aling cristy" Ani five ng nakangiti sa akin ngunit bakas parin sa kanyang mukha na nag-aaalala din sya sa mga kapatid niya.

"Pero five, marami na tayong utang kila aling cristy eh. nakakahiya na" Humarap naman sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Wag mong alalahanin yon akong bahala may makakain tayo mamayang gabi." magsasalita pa sana ako pero hinila nya na agad ako papuntang bahay. Hays. Sana lang talaga mayroon kaming makain ngayong gabi.

Pagpasok namin sa bahay ay agad sumalubong sa amin sila jude at kate, ang cucute talaga ng mga batang to nakakawala sila ng pagod sa tuwing sila ang dadatnan mo at yayakap pa sayo paguwi mo. Si Michael Jude Feliciano ay 8 years old na at kamukha nya si nanay lucia na may matangos na ilong at kulay na kayumanggi. Ang bunso naman ay si Luciana Kate Feliciano, siya ay 5 years old at kamukha nya rin si nanay lucia ngunit ang mga buhok nya ay color brown at napakaganda ng kanyang mga mata. Si five naman na panganay sa kanila ay 17 years old din katulad ko, hindi talaga five ang pangalan nya gusto nyo lang five ang itawag namin sa kanya para daw laging kasunod ng four dahil kahit saan man daw ako magpunta lagi lang siyang nakasunod at nakasuporta sa akin. his real name is Michello Jed Feliciano, sa katunayan ay gwapo si five, kayumanggi ang kulay, matangos ang ilong, magaganda ang mga mata halos lahat ng magagandang katangian ay nasa kanya na eh.

ANASTASIA MYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon