Chapter 6 - The family

20 1 1
                                    





ANASTASIA'S POV


"Four! Kailan ka babalik dito? Namimiss ka na namin." Ani five na nakangiti sa akin.

"Babalik na ako five. Miss na miss ko narin kayo." Sabi ko naman sakanya at hinawakan ang mukha nya. Ang gaganda talaga ng mga mata niya at ang mapupulang labi niya. Hindi maikakaila na napakagwapo niya. Ang nag-iisang lalaking minamahal ko at minamahal ako.

"Pero four kailan? Napakatagal mo naman! Dapat kasi hindi mo nalang kami iniwan. Lalo na ako. dapat di mo na ako iniwan! Mas lalo lang akong nahirapan four. Hindi ko kaya ng wala ka." Sabi pa niya sa akin. Nangingilid na ang mga luha nito at bakas sa itsura niyang nasasaktan sya habang sinasabi niya iyon. kung alam mo lang five gustong gusto kong manatili pero hindi sapat na manatili ako para maging maayos tayo.

"P-pero five, ginagawa ko to para sa inyo. Nabibigay naman nila sa inyo lahat ng pangangailangan nyo diba? Babalik naman ako pangako."

"H-hindi four! Niloloko moko! Pag nagtagal magiging masaya ka rin diyan magugustuhan mo rin diyan at hindi mo na kami babalikan!" Sigaw niya.

"F-five ano bang pinagsasabi mo? H-hindi ko magagawa yon." Nangingilid narin ang mga luha ko.

"Umalis ka na four! Umalis ka na!" Pinagtatabuyan niya na ako. Ganito pala kasakit ang ipagtabuyan ka ng taong mahalaga sayo.

"B-bakit m-moko pinapaalis?"

"Umalis ka na lang! ALIS!"

"A-ayoko f-five. D-dito lang ako."

"Dapat noon mo pa naisip yan! Dapat nung araw na kinukuha ka ng paaralang yon ay tumanggi ka na kung talagang mahal mo kami!" Nakita ko ang galit sa mga mata niya at onti onti siyang naglalaho. H-ha?

"F-five!"

"F-five!"

"Five nasan ka?!"

"Five!"




"Stasia!"
"Stasia!"

May narinig akong boses na tumatawag sa akin at sa pagkakaalam ko ay boses yon ni Shiera. Niyuyugyug ako nito at--

Dumilat ako. Pagkadilat ko ay bumangon ako. Nasa loob pala ako ng Dorm. Panaginip lang pala ang lahat. Pero baka ganoon nga ang iniisip sa akin ni five ngayon. Baka iniisip niyang hindi ko sila mahal. Baka iniisip niyang hindi ko na sila babalikan. Baka iniisip niyang iniwan ko na sila. Hindi. Hindi maaari yun. Hindi ko kakayanin kapag ipinagtabuyan nila ako. Hindi.

"Huy! Nagising ka na lahat lahat nakatulala ka naman." Napatingin naman ako kay shiera.

"Ay sorry. Sige na maliligo na ako. May pasok pa tayo dba." Sabi ko.

"Hoy linggo ngayon no. Walang pasok." Oo nga pala ano ba yan.

"Wala ka sa sarili mo Stasia. Nung isang araw ka pa ha." Sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at naligo na lang ako. Dalawang araw kasi akong wala sa sarili simula ng mangyari yung incident between me and the Vultos. Hindi naman na nila ako ginagambala, sana lang talaga ay wag na. Dahil simula din nun ay laging nasa tabi ko ang Specials. Kahit wala ako sa sarili at di ko sila kinakausap ay nandiyan parin sila. Ayokong madamay sila kung sakali mang maencounter ko ulit ang mga Vultos. Tinatanong din nila ako paulit-ulit kung anong nangyari bago nila kami nakita. Bakit daw nawalan ako ng malay, Anong ginawa nila sakin, At kung ano mga sinabi nila sakin. Hindi ko naman sila sinasagot, Actually, Hindi naman talaga ako nawala sa sarili ko, Ayoko lang na sagutin lahat ng tanong nila. Ayoko pang malaman nila. Hindi ko rin alam kung matatanggap nila ako pag nalaman nila ang totoo.. But why do i care kung tatanggapin ba nila ako o hindi? Tss.

ANASTASIA MYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon