Chapter 12 - Sin

2 0 0
                                    






THIRD PERSON'S POV


"Is she really one of them?" Tanong ni Shiera sa kanyang mga kaibigan. Kasulukuyan silang nasa Training room nila, napagpasyahan nilang tumuloy muna sa Training room nila para pag nilayan ang pangyayari kanina.

"You heard Sir Haime at sabi niya nagloloko lang yung weapon so she's definitely not one of them." Sabi ni Raze pero sa loob loob nito ay alam niyang wala siyang alam sa pagkatao ni Anastasia at nais niyang malaman ito ng mag-isa nais niyang magimbestiga.

"I'm not stupid Raze maaaring pinagtakpan lang ni sir haime si stasia and knowing the Technology Team sa loob ng sampung taon na nagaaral ako dito ay hindi pa sila pumalpak sa pag gawa ng devices and weapon." Ganting saad ni Shiera. Sa loob loob ng dalaga ay hindi niya alam kung anong mararamdaman niya dahil una ang mga Vultos ang pumatay sa mga magulang niya at pangalawa ay maaaring isa sa mga kaibigan niya ay isa sa mga Dark Magic User na kinasusuklaman niya.

Noong una ay hindi niya alam kung maniniwala siya sa kapatid ng kanyang ina na nagsasabing may kinalaman ang mga Vultos sa pagkamatay ng kanyang mga magulang dahil wala siyang sapat na ebidensya at ayaw niyang isipin ang pagkamatay ng kanyang magulang dahil madedepress lamang siya nito. Ngunit nang makita niya ang illusion na gawa ni Sir Klaydon ay naghanap siya ng ebidensiya para malaman kung totoo nga na ang mga Vultos ang may gawa ng pagkawala ng kanyang mga magulang at nang malaman niyang totoo ang sinasabi ng kanyang Luna Esmerald ay unti-unting namuo ang galit sa kanyang dibdib.

Hindi niya tuloy malaman kung magagalit siya sa kaibigan dahil sa buong paglalagi niya sa Mystic High Academy ay si Stasia lang ang naging kadorm mate niya at tinuturing niyang matalik na kaibigan kahit na kabaliktaran ang pinapakita nito sa kanya.

"Kaibigan parin natin si Stasia kaya hindi natin dapat siya pinagiisipan ng masama." Sabi naman ni Axe. Hindi din niya alam ang gagawin pero iisa lang ang nasa isip niya at yun ay kaibigan nila ang dalaga at hindi niya gustong mag-isip ng kung ano ano dito.

"Pero tinuturing niya ba tayong kaibigan?" Tanong ni Cianel na nagpatahimik sa lahat. Naguguluhan din sila dahil ayaw nilang mag-isip sa dalaga pero hindi din mawala sa isip nila ito dahil nangangamba sila na baka ang kaibigan nila ay isa sa mga taong naghasik ng kasamaan sa kanilang mundo.

"Kung mag-iisip kayo kay Stasia ay--"
"A-ano yon?!" Sigaw ni Axe.

Isang malakas na pagsabog ang narinig sa buong academy dahilan upang magsilabasan ang mga estudyante at mga guro sa kani kanilang mga silid. Hindi mawari kung saan nanggaling ang pagsabog na iyon ay dali-dali nilang nilapitan si Ms. Daizy. Ang guro na nakakarinig 800 meters away.

"Sa gubat!" Sigaw nito.

Samantala, ang mga specials ay dali daling tumakbo upang lumabas ng academy pero pinigilan ito ni HeadMaster Lenon.

"Hintayin muna natin na maaninag ni Seira ang mga taong dahilan ng pagsabog. wag kayong magpadalos dalos." Si Seira ay nagtataglay ng kakayahan na makakita within 800 meters.

"HeadMaster!" Sigaw ni Seira at lumapit sa kanila, hindi matanggal sa itsura nito ang pag-aalala sa kanyang nakita.

"Ano ang iyong nakita Seira?"

"S-si Chaos at si Anastasia sugatan sila. may isang nakahandusay na Vultos din akong nakita at ang gitnang bahagi ng gubat ay halos mabura na!"

Nang marinig ito ng HeadMaster ay kinabahan siya bigla. Hindi maganda ang kutob niya dito lalo na't alam niyang kumikilos na ang mga Vultos upang makuha si Anastasia. ang dalagang may dugong Vultos at apo ng hari ng mga Vultos na si King Hermune.. sa isip isip niya ay hindi maaaring makuha ng mga Vultos ang kanyang pamangkin.

ANASTASIA MYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon