Chapter 15 - Harp's Misery

2 0 0
                                    



SHIERA'S POV

KASAMA ko ngayon si Cianel pati yung babae kanina na kayakap ni Axe A.K.A Harp. Kasulukuyan namin siyang tinutour sa buong Academy at nandito kami ngayon sa Garden. Halos puro papuri lang lumalabas sa bibig niya sa mga nakikita niya sa Academy, para siyang preso na nakalaya sa kanyang kulungan sa mga inaakto niya. naikwento niya rin sa amin na hindi siya pinapalabas ng kanyang Ino sa Mystic Dungeons.

Nakaramdam ako ng Awa sa kanya sa nalaman ko. Sino ba naman kasing gugustuhing makulong lang sa lugar na iyon. Nakakapagtaka lang na ayaw siyang palabasin ng kanyang Ino at bakit sinasabi nitong mas delikado kapag siya ay lumabas at nakisama sa mga tao.

"Ang ganda pala talaga ng Academy! sana makapagaral ako dito." Saad niya at tumingin sa kawalan. Naglalakad na kami papasok ng Academy. Naisipan na kasi naming bumalik sa loob at makipagkita sa Specials upang makilala din siya ng iba.

Hinawakan ni Cianel ang kamay ni Harp at pinisil ito. "Wag ka mag-alala kakausapin natin ang HeadMaster para pag-aralin ka dito." She assured her. Ngumiti naman si Harp bilang tugon. Mga ngiting nakakatunaw. Maganda siya, matatangos ang mga ilong, mapuputi ang mga balat, at bumagay ang mga mata niyang kulay abo sa buhok niyang kulay itim. One word to describe her? GODDESS. She's a goddess. kahit sinong lalaki siguro na makakita sa babaeng ito ay mahuhumaling sa kagandahan niya. Bukod sa maganda niyang itsura ay mukha pa siyang anghel na pumunta sa Lupa. Oh okay enough for praising her beauty.

Pumunta na kami sa Cafeteria kung saan napagusapang magkikita kami ng Specials. Tinext kasi kami ni Axe na sa cafeteria na lang daw magkita kita. Yes we have cellphones, actually kaming specials lang ang mayroon nito dahil binilhan kami ni Sir Haime nang minsan siyang nagpunta sa mundo ng mga Mortal.

Pumasok na kami sa loob ng cafeteria and to no surprise, all eyes were on Harp. Well, there's nothing we can do about it she's a beauty.

"Who is she? Ang ganda niya!"
"Pare ang ganda oh!"
"Oy mga pare may bago na tayong target hahaha ganda pre"
"She's beautiful! Mukhang mas lalo kang masasapawan Venus! hahaha"
"No way! First, that anastasia bitch and now her?!"

Iilan lang yan sa mga narinig ko at talaga namang hindi maikakaila na kapansin pansin talaga ang presensya ni Harp. Tinignan ko ang lahat ng nakatitig sa kanya at napatigil ako sa isang lalaking nakatitig din sa kanya at kung babasahin ko ang mga mata niya he's obviously amused by her. Ang lalaking kinaiinisan ko at ang lalaking kaasaran ko sa lahat ay nahuhumaling sa babaeng kasama ko.

"Huy! ano napatitig ka axe ha?" Sabi ni Cianel ng makarating kami sa table nila. Bumalik naman sa wisyo si Axe at napatingin kay Cianel.

"Baliw!" Sabi niya at tumingin ulit kay Harp sabay ngumiti. "Halika dito Harp!" Pag aya niya kay Harp at umupo naman si Harp sa tabi niya.

"Kamusta ang pagtutour nila sayo? Enjoy ba?" Tanong niya dito.

"Oo sobra akong nag enjoy, ang ganda pala talaga dito!" Sabi niya at ngumiti. Her smiles are hypnotizing no doubt. Kung si Stasia nakakahypnotize ang mga mata sa kanya naman ang mga ngiti niya.

Speaking of Anastasia, nasaan na pala sila ni Chaos?

"Stasia!" Sigaw ni Raze. Lumingon ako at nakita kong papalapit narin sila dito sa table namin. As usual, pinagtitinginan silang dalawa. Yung iba ay mga nakakamatay na tingin ang binibigay kay Stasia dahil kasama niya lang naman ang Oh-so-campus-crush ng Academy.

"Saan kayo galing?" Tanong ko at umupo naman silang dalawa sa tabi ko.

"Diyan lang/Sa Dorm." Sabay nilang sagot with their look as bold as brick.

ANASTASIA MYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon