Chapter 2 - First day in Mystic High

40 3 0
                                    

Hello guys! Here is the chapter 2 of mystic high academy! Hope you'll enjoy. :) Don't forget to vote and comment~

***********************************

ANASTASIA'S POV

"Miss Anastasia, ready na ba kayo? aalis na tayo." katatapos ko lang mag-ayos ng gamit ko mahigit isang oras ako nag-ayos dahil naguguluhan parin ako kung aalis ba talaga ako. Naiisip ko pa lang na mawawalay ako sa kanila pinanghihinaan ako ng loob. Lalo na si five.. mamimiss ko siya.. mamimiss ko
sila.. Ano bang gagawin ko? Hays! Pag hindi ko talaga kinaya na magstay doon sa academy na yon aalis ako ng walang paaalam. Wala namang tuition at hindi masasayang kung aalis ako.
"Kailangan mo ba talaga umalis four?" Si five yung nagsalita, sinamahan nya ako mag-ayos ng mga gamit ko at hanggang ngayon ay naiiyak parin siya. Hays kung alam mo lang five hindi ko kaya pero anong magagawa ko? Gusto kong maranasan nyo naman mabuhay ng maayos na buhay.

"Kailangan five.. kung kaya lang natin buhayin sila kate ng maayos hindi ko gagawin to.. sana maintindihan mo ko.. nagpapasalamat ako kay nanay lucia at sa inyo dahil pinaramdam nyo sa akin na hindi ako ibang tao.. tinulungan niyo akong mabuhay at ngayon masusuklian ko na lahat five. Mahal na mahal ko kayo tandaan niyo yan.. Mag-iingat kayo lagi ha?" At sa pangalawang pagkakataon naiyak nanaman ako.

"Mahal na mahal din kita f-four.. Bumalik ka ha.. bumisita ka minsan pag pwede ha." Sabi niya habang umiiyak. Hays five wag kang ganyan baka hindi talaga ako sumama at mapilitan akong magstay dito kahit na wala na tayong makain..

"Miss Anastasia, Let's go now." Tawag sa akin nung misteryosong lalaki na naka black coat. Sumakay na ako sa sasakyan. Ngayon ko lang napansin na napakaganda nitong sasakyan na to kulay itim siya at parang limousine pero mas cool tignan at laking gulat ko nung nakita kong nakalutang ito sa lupa! Wala bang gulong to? Bakit nakalutang?

Pumasok na ako sa sasakyan at umalis na kami at mas nagulantang ako sa nakita ko, walang manibela ang sasakyang to at may hologram sa harapan kung saan makikita mo ang mapa ng hindi ko alam? pero parang town sya.. tapos may pinindot sya doon at biglang umandar yung sasakyan. Woah.

Nasa biyahe na kami pero hindi ko talaga makalimutan yung sasakyan na sinasakyan ko ngayon ay nakalutang sa lupa at walang manibela with matching hologram pa.

"Namangha ka ba sa nakikita mo ms. anastasia?" Biglang nagsalita yung lalaking nasa kanan ng sasakyan.
"A-ah oo, anong klaseng sasakyan to?"
"This is a car made by our technology department. Mas pinaadvance nga lang nila at malaki ang pagkakaiba nito sa pang karaniwang sasakyan dito sa mundo ng mga normal na tao." Ha? Normal na tao? Eh normal din naman sila pero kung banggitin nila ang normal ay parang hindi sila normal?
"Yes, we're not normal. we're different from them anastasia." What? Nabasa nya isip ko? Paano nya nagagawa yun!
"That's my extra ability." What extra ability? Naguguluhan na ako. Ano ba tong mga taong to at anong ability?

"Miss Anastasia, Mystic High Academy is not an ordinary school. Mystic High Academy is a school with students that have mystic charms meaning power or abilities." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya students with powers and abilities? What? Eh wala naman akong kapangyarihan sa pagkakaalam ko!

"What?! Bakit doon ako magaaral eh wala naman akong mystic charm na tinatawag nyo!" The guy smirked and looked at me.

"Yun ang akala mo ms. Anastasia, We don't accept students who has no mystic charms kung ganoon paano ka namin kukunin sa bayang iyon? And to think na pinadalhan ka pa namin ng sulat? Alam namin lahat kung saan matatagpuan ang mga taong may mystic charms and it includes you. Maaaring hindi mo pa nalalaman but tomorrow, you'll find out." Yan yung mga salitang tumatak sa akin. Pagkatapos noon ay nabalot ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Iniwan ko na nga ang pamilya ko tapos malalaman ko may kapangyarihan ako?

ANASTASIA MYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon