Chapter 7 - The Family 2

18 2 0
                                    

hi! Sana po i-vote niyo na itong story ko. :) Sana din dumami pa kayong mga reader ko. Anw, Here's my update for y'all!

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*



SHIERA'S POV


Pumasok kami sa bahay nila Stasia at nagkwento naman ang mga bata sa kaniya. Napakacute naman ng mga batang to.

"Siya nga pala, Eto si Kate at eto naman si Jude." Pagpapakilala ni Stasia. At ngumiti siya sa amin. For the second time ay ngumiti siya sa amin. Nakakatuwa lang.

"Hi! Ako nga pala si Ate Shiera!" Ngumiti ako at kumaway sa kanila.

"I'm Ate Cianel naman mga Kids. You can call me ate Cian."

"Hi! Ako si Kuya Axe!" Kumaway din siya sa mga bata.

"I'm kuya raze! Napakacute niyo naman." Pinisil pa nito ang mga pisngi nila kate at Jude.

"Kuya Chaos." Sabi ni Chaos at ngumiti.

"Kuya Xenox at eto naman ang kambal ko si Kuya Lenox." Sabi ni Sir Xenox at nginitian din ang mga bata.

Nagkwento naman ang mga bata tungkol sa kanila, Nakwento rin ng mga bata ang paghihirap ni Stasia at nung Five nung namatay ang Nanay Lucia nila. Sobrang bumilib lang ako kay Stasia kasi kaming lima na Specials ay nabuhay sa marangyang buhay pero si Stasia nakaya niyang buhayin silang magkakapatid.

"Stasia, bilib na bilib ako sayo nakaya mong buhayin ang mga kapatid mo." Pagpupuri ko sa kanya. Nginitian niya naman ako. Ayun oh ngumiti nanaman siya. Sana lagi nalang siya ngumingiti.

Ate! Alam mo ba top 2 ako sa klase!" Masayang balita ni Kate kay Stasia.

"Talaga? Napakagaling talaga ng kate ko. Ikaw Jude Kamusta ang mga grades mo?" Masyang tugon naman ni Stasia sa bata. Kung ganito lang si Stasia pati sa amin siguro ay everyday happy kami.

"Top 1 ako sa klase ate." Ngumiti nanaman siya. Nakakapanibago lang na ang Stasia na kilala naming Emotionless at Cold ay ganito sa harap ng kanyang tinuturing na pamilya.

"Ang galing naman! Proud na proud ang ate four niyo sainyo!" Masiglang sabi niya at niyakap ang mga bata.

"F-four?" Napatingin ako sa nagsalita. Or should i say kami. Eto siguro yung Five na binanggit nung mga bata kanina. Maputi ito at may katangkaran kulay brown ang mga mata at may mapupulang labi. Gwapo ang lalaking to. Oh my god. Teka, wag kang lalandi Shiera ha. Umayos ka. Goodgirl tayo.

"Five!" Tumakbo si Stasia sa kanya at niyakap siya. Mukhang namiss niya talaga ang mga tinuturing niyang kapatid.
"Four! A-akala ko hindi mo na kami bibisitahin." Sabi nung Five. Teka, Uniiyak ba siya? Hm, Mukhang hindi lang basta kapatid ang turing ng lalaking to kay Stasia. Sayang! May gusto pala to kay Stasia. Wala naman akong laban sa ganda ni Stasia. haha. Kung ano ano talaga iniisip ko.

(Author: Shierang malantod umayos ka sa pagkkwento mo kundi papatayin na kita sa storya na to)
Ay sorry na Author eto na aayos na ako.

Hinawakan ni Stasia yung mukha ni Five at nginitian siya. Pinahid nito ang mga luha niya. Ang sweet naman ni Stasia kay Five. Siguro may gusto rin siya dito.

"Five, diba sabi ko sayo hindi ko kayo iiwan? Wag ka na umiyak andito na ako oh. Diba hindi magiging kumpleto ang four kung walang kasunod na five?" Stasia said at nagpinky promise sila.

ANASTASIA MYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon